Chapter 16

1386 Words
~Athena's point of view ~ 6 Years later... "Axel,anak tanghali na umahon ka na dyan.... "mula sa malayo ay sinisigawan ko ang anak ko.. Enjoy na enjoy parin ito sa pagligo sa dagat.. Nandito kami ngayon sa isang beach resort sa Palawan.Kasama ang kaibigan kong si Paul.Nakilala ko siya 3 years before... Isa siyang bloger..Noong mawala si mama 3 years ago ay nakilala ko din siya. Wala na si mama...3 years ago pa nagkaroon siya ng maraming komplikasyon na sanhi ng kanyang pagkawala.. Sobrang sakit noong time na iyon..Hindi nya na nakasama ng matagal ang pinakamamahal niyang apo... Naupo ako sa may buhangin habang inaalala ko ang mga kahapon at nakatingin sa anak kong wala na yatang balak umahon sa tubig. Halos parang kahapon lang nangyari ang lahat. Umalis kami sa bayan namin.Halos anim na taon na din ang nakalipas. Sa sobrang sakit ng pagkabigo ko ay napagpasyahan kong umalis nalang saamin.Dahil ang iniisip ko lang noon ,iyon ang makakagaan ng bigat na nararamdaman ko.. Nasaktan ako sa mga nakita ko noon.Magkayap si Ace at ang nobya nitong si Sophie ,habang pareho silang umiiyak at seryusong may pinag uusapan. Marahil masaya na silang nagsasama ngayon.May mga anak na rin siguro sila. Hindi kasi ako nag aabalang makibalita sa kanila, kahit man lang sa social media. Ako naman ay nagpalit ng pangalan sa lahat ng social media account ko. Pa mysterious din ako para walang nakakakilala saakin. Ayuko na rin kasing balikan pa ang masasakit na kahapon. Patawarin din sana ako ni Gelay kung maging siya ay nagawa kong iwan ng walang paalam at hanggang ngayon ay hindi ko kino contact.. Kung makikipag communicate pa rin kasi ako sa kanya matutunton ako ni Ace,at ako naman si marupok magpapaubaya at dadami nanaman ang kasalanan ko. Mas mabuti na ang ganito kaysa magpaloko ako ng magpaloko sa kanya. Sabagay baka nalaman na rin naman nya na binayaran lang ako ni Jerome ,kaya siguro hindi nya na ako binalikan at mas pinagtuunan na lamang ng pansin ang nobya nya. "Ang lalim nanaman ng isip mo..Saan nanaman kaya nakarating yan.? " Napalingon ako sa nagsasalita,nakangito ito habang tumabi saakin sa pag upo.Ang kasama din nitong lalaki ay sinabayan ang anak ko sa pagligo. "Paul!!"ngumiti ako sa kanya. "Hmmm... Tulaley ka nanaman...Kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo man lang ako nililingon.. " "I-I'm sorry... " "Akala ko kasi naka move on ka na.. " Naikuwento ko na kasi sa kanya ang buhay ko. Lahat lahat ay naikuwento ko na...walang labis walang kulang.. Kaya kilalang kilala nya na ako .. "Nakamove on na ako."proud pang sabihin ko.Pero itong bakla ayaw maniwala. "Ows...? Tingin ko hindi ka pa nakaka move on ."nasataas pa ang kilay nito. Tinitigan ko sya.Guwapo naman ito.Pareho ng boyfriend nitong kalaro ngayon ng anak ko na si Tristan. Sila iyong mga lalaking lalaki ang porma pero kalahati ng pagkatao ay babae. "Bakit naman hindi.? " "Of course yes! alam mo kung bakit? dahil sa anak mo. Sige ,tignan mo nga yang anak mo.Halos kamukhang kamukha nya siguro ang daddy nya.Wala naman kasi kahit isa man lang ang namana sayo... " Totoo naman iyon ang laki talaga ng pagkakahawig nila ng ama.Mula ulo hangang paa. Tumingin ako sa anak ko na nakangiti at kumakaway saakin. Kaya ginantihnan ko rin ito ng kaway at ngiti.. Parang isang batang version ito ni Ace.Kapag tumitig,kapag ngumiti.. Kaya paano ko nga naman makakalimutan ang tatay nito. "Di'ba, tama ako?" Tumango na lang ako dahil alam kong hindi ako mananalo sa kanya. "See?! "natatawang sabi nito. "Oo na nga.. inaamin ko na... " "Girl... matagal ng panahon ang nakalipas...Move on ka na, Gusto mo hanapan kita ng boyfriend.. ?" "Ayuko ko nga... Tama na saakin ang anak ko noh , Sya lang ang priority ko.. " "Eh, paano ka naman? Malungkot mag isa.. " "Hindi ako nag iisa.. may anak naman ako Paul.." "Ewan ko sayo, ang ganda ganda mo naman.Pero sinasayang mo lang naman. "umismid pa siya saakin. Ganito naman ito palagi ito.Parang pinagtutulakan ako sa ibang lalaki. "Parang ayaw mo na yata saakin..Kasi pinagtutulakan mo na akong maghanap ng lalaki.. "kunwa'y pagtampo ko sa kanya.. "Asus..... Sabunutan kita dyan eh! ang arte mo. Syempre hindi naman tayo palaging magkakasama.. iyang anak mo balang araw magkakaroon din ng pamilya.. huwag kang gagaya saakin na baka balang araw walang mag aalaga saakin.. "baghaya pang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at biglang nalungkot. Hinagod ko ang kanyang balikat at saka ako sumandig dito.. Ganito na ako ka komportable sa kanya. "Kung may dumating na mamahalin ko at matatanggap ang anak ko, why not? Di ba? " "Kaya nga sabi ko sayo hanapan kita.. " "Mr.Paul Bañes!Di ba sabi ko rin kapag may dumating... hindi ko sinasabi na hanapan mo ako.. " "Loka loka, pano may darating eh tinataboy mo.. kagaya ni Grey...Ang guwapo ang yaman... higit sa lahat yummy pero tinanggihan mo..." "Pano naman kasi nayayabangan ako sa kanya... tsaka para saakin wala akong nararamdaman sa kanya... " "Napakapihikan mo naman kasi.. "umismid nanaman ito saakin habang humahaba ang nguso.. "Napakaseryuso naman ng pinag uusapan nyo dyan. "si Tristan na nakalapit na saamin,kasama ang anak ko. Sabay kaming ngumiti sa kanila. "Wala iyon, Nagbibiruan lang.."sabi ko nalang.. Nakakahiya din naman kasi dito na sabihing irereto ako ng boyfriend nya sa kung sino sino lang. Oo halos magkakasundo naman kami pero may time na naiilang din ako kay Tristan.Lalo pa kung pag uusapan nanaman namin ang love life ko tapos nandito na si Axel. Matalino ang anak ko. Palagi din itong nagtatanong sa daddy niya,kung nasaan na ito.. Ang sinsabi ko na lamang ay nasa ibang bansa ito at hindi pa umuuwi. Naghahanap din ito ng picture at kapagka ganoon na ang usapan ay umiiwas na ako o kung di naman ay iibahin ko ang usapan. "Nag enjoy ka ba anak? " "Opo,mommy kaso masakit na po sa balat ang sikat ng araw, kaya umahon na po kami ni daddy Tristan."sabay lingon dito. Daddy ang tawag nya sa dalawa.Dahil sa matalino naman siyang bata ay naiintidihan din naman niya ang relasyon ng mga ito.Basta ba hindi nila ipapakita dito ang paglandian nila. Pero hindi naman sila ganoong klaseng tao...Sa Ilang taon naming magkakasama ay naging sobrang bait nila saaming mag ina. Sila ang tumutulong saamin mag ina.. "Don't worry anak, papahiran nlang kita ng sun block.. "may kinuha sa bag niya si Paul. "Thanks po ,daddy Paul." "Tara na, balik na tayo sa room.. masyado ng mataas ang araw. "sabi ko sa kanila matapos mapahiran ng sun block ni Paul ang anak ko. "Mauna na kayo hal, "si Paul.'Hal'ang tawag nito sa boyfriend nito short for mahal. "May sasabihin lang ako kay Athena."dugtong pa nito. "Talagang bitin pa kayo niyan sa usapan nyo ha..? biro pa ni Tristan na natatawa,pero sumunod naman ito at nagpatiuna silang maglakad ng anak ko. Sabay naman kami ni Paul maglakad habang nakakapit ako sa kanyang braso. "Balak ko kasing lumuwas ng maynila..May mga importante lang akong lalakarin at gusto sana kitang isama.Papayag ka ba? " "Eh, si Tristan hindi ba sya sasama?" "Ayon na nga girl,Hindi naman sya puweding mag absent sa work nya kaya ikaw nalang please? " "Pa'no si Axel? may pasok din sya sa school? " "Don't worry..Nandyan naman si Aling Tanya at iyong anak nya si Mildred. "ang tinutukoy nito ay ang kasambahay namin. "Ilang araw kang naman tayo doon.. " "S--sige... " "Ayan! Okay sa makakawala na ang alis natin ha? "napapapalakpak pa ito sa tuwa. ....................................................... Tumungo nga kami ng maynila galing ng Palawan. Nasa isang sikat kaming Restaurant pero nagpaalam ako kay Paul na mag iikot ikot muna ako sa isang mall na malapit dito. Nahiya naman kasi ako kung kasama pa ako sa meeting nila ng kausap nito. Pumayag naman siya at heto nga nag iikot ako. Naghahanap ako ng mabibili kong pasalubong sa anak ko.Nang bigla ay may makabanggaan akong babae. "S--Soryyy miss..."pareho kaming natitigagal at nagulat noong magkatitgan kami.. " "B-best? "abot tenga ang ngiti nito.. "Gelay!!! "pareho kaming nagyakapan at nagtatalon sa tuwa..balewala kung pinatitinginan man kami ng mga tao... "Kumusta?"kapagkuwa'y sabi nito noong pareho kaming mahimasmasan. "Okay lang ako...ikaw? Kumusta ka na? " "Hmmmp! may tampo ako sayo... Nawala ka ng matagal ng hindi nagpaalam at walang paramdam."tila batang nagtatampo ito.. "I'm sorry best... "naiiyak na ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD