Chapter 12

1331 Words
~Ace point of view ~ Gigil na gigil ako habang nagmamaneho ng sasakyan.Naalala ko ang mga pangyayari kanina habang magkausap kami ni Sophie. "I'm sorry Ace nagkamali din ako.. nagkamali din kami.." "Paano nangyari iyon Sophie? "gulong gulo ako sa nalaman ko , pero si Sophie ay panay ang iyak habang humihingi ng tawad. "Pareho kaming lasing noon..a--at pareho kaming nakalimot... Hangang ang isang beses na pagkakamali ay naulit ng naulit pa ...patawarin mo kami...hindi namin sinasadya...sabi nya matagal na niya akong mahal kaya lang pinaubaya nya nalang daw ako sayo dahil mahalaga ka rin sa kanya. " "Damn it!!! pero nagawa ka pa rin nyang pakialaman ng wala akong kaalam alam. Siguro pinagtatawanan ako ng hayop na iyon..!" "No... binabalak nya ng umamin sayo pero pinipigilan ko sya.. " "Ginago nyo ako! pinagkaisahan nyo pa rin ako. Ano to? kung hindi ako magdidesisyon na hindi ko na itutuloy ang kasal, wala pa rin kayong balak aminin saakin ?" Panay lamang ang hikbi nito siguroy natatakot ito sa galit ko .. "Patawarin mo kami Ace.. " Napapakuyom ako ng kamao ko. F**k! F**k! F**k! mapapatay ko sya! Napaka walang hiya niya. "Tell me Sophie! mahal mo na rin ba siya dati pa? " Marahan itong tumango. "Minahal ko na siya Ace.. pero natatakot lang akong umamin sayo.. dahil natatakot ako sa maari mong gawin.. Please patawarin mo kami.. Please huwag mong sasaktan si Jerome.. Ako nalang Ace.. " Pero hindi ko siya pinapakinggan. Hindi ko matanggap na isang matalik kong kaibigan ang tatraydor saakin. Bakit sya pa? Matatanggap ko pa sana kung ibang lalaki.. pero bakit sya pa. Tama nga ang hinala ko.Napatingin ako sa mga bulaklak na nasa vase. Napapailing ako.Marahil nanggaling na sya dito kanina.Inuna nyang dumaan dito galing airport. Napatiim bagang ako sa isiping iyon. Noon pa man naghihinala na ako. pero binabalewala ko lang dahil sa matalik ko siyang kaibigan at isinisiksik ko sa utak kong hindi nya iyon magagawa dahil saaming lima siya itong matino. "Nasa loob pala ang kulo! "sa isip isip ko. Nangagalaiti na tumalikod ako sa kanya kahit pa pinipigilan nya akong umalis. Iniwan ko siyang luhaan at panay ang iyak. Minamadali kong tinungo ang aking sasakyan. Muli akong napakuyom ng maalala ko ang nangyari kanina, kaya minadali ko ang pagmamaneho ng sasakyan Pinaharurot ko ito at halos paliparin ko na ito sa galit ko. Humanda ka sakin! Di kalaunan ay narating ko ang bar. Nakita ko silang masayang nag iinoman nakaharap saaakin sina Denver, Xian at Ken si Jerome naman ay nakatalikod.Hinawakan ko xa sa balikat at ng humarap ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ko. Napaupo ito dahil nawalan ng balanse.Hinawakan nito ang gilid ng labi nito na bahagya ng dumudugo. Ang dalawa namang si Xian at Denver at gulat na inalalayan itong makatayo habang si Ken ay hawak ako para pigilan kung ano pa man ang binabalak kong gawin. "Bakit dude? Anong problema? "gulat na gulat parin ang tatlo. "Bakit hindi nyo tanungin ang hayop na yan! "gigil na gigil parin ako. Akmang susuntukin ko ulit sya pero dalawa na sila ni Xian na pumipigil saakin. "Ano ba!?Bitiwan nyo ako !mapapatay ko yang hayop na yan! " "Stop it Ace! "Singhal naman ni Xian. Nagkakagulo na doon sa bar at pinatitinginan na kami ng mga tao .May mga kumukuha pa ng video.Pero maagap ang mga kaibigan ko.Pinalabas nila ang mga ito at pinagbantaan na walang sino man ang magkakalat ng litrato at video. "Dude kung ano man ang problema pag usapan natin ng maayos.. Hindi ganito at hindi dito."Hindi na rin nakatiis si Denver. Gigil din na hinarap ako ni Jerome. "Huwag ka ngang magmalinis Ace!" Tila may baon din ito ,habang matalim na nakatingin saakin. "T-teka nga muna mga dude! ano ba Kasing nangyayari? "sumali na rin si Ken habang pipilit na awatin kami. "Bakit Jerome? Bakit nagawa mo ito saakin? ha? " "Dahil mahal ko siya!Higit pa sa pagmamahal mo sa kanya! " Nakita kong nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko at gulat na gulat sila. "Noon pa man minahal ko siya Ace. Pinigilan ko ang sarili ko dahil matalik kitang kaibigan.Pero ng mabigyan ako ng pagkakataon na makasama at maangkin siya hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Bakit Ikaw Ace?malinis ka ba? " Akmang susuntukin ko siya.,napigilan nanaman ako ng mga kaibigan ko. "Huwag mo akong igaya sayo!t*rant*do!Matagal mo na akong tintraydor Jerome! " "Matagal ko na rin sana gustong umamin sayo Ace pero pinipigilan lang ako ni Sophie! " "Talaga ba Jerome? Siguro tuwang tuwa ka pa na ginagago mo ako! Simula ngayon ayuko ng maging kaibigan ka! Ayuko sa mga traydor! manloloko! " "Kung yan ang gusto mo wala akong magagawa Ace pero hindi lang ako ang nagmamalinis dito.. " Makahilugan ang mga sinasabi niya at mukhang may alam sya tungkol saakin. "Tama na yan mga dude! ayusin nyo na ang mga sarili nyo dahil sigurado ako bukas na bukas, kayo ang trending kapag may nakalusot sa mga nagvideo kanina. "pinipilit din ni Xian na awatin kami. Pero masyadong mainit ang tensyon naming dalawa dahil nong makabitaw kaming pareho ay saka kami nagsuntukan.Dahil sa mas barumbado ako Kay Jerome Kaya halos mawasak ko ang mukha niya sa galit ko nahirapan din ang mga kaibigan kong umawat maging ang mga bouncer sa laki ng katawan ay natakot din umawat dahil nawawalan sila ng trabaho.Ganoon kami ka impluwensya. "Tama na!! "pumagitna na si Xian saamin, habang si Ken at Denver ay umaawat saamin. "Umalis ka dyan Xian! kung ayaw mong madamay.!"pinagbabantaan ko na rin siya pero matigas din ang gago. "Walang hiya ka Jerome! hindi ka pa nakontento binuntisan mo pa.. "Nanlaki nanaman ang mga mata nila sa gulat. "Sinabi ko naman sayo mahal na mahal ko si Sophie. " Hawak hawak pa nito ang panga at paminsan minsan ay napapangiwi ito sa sakit pero balewala iyon saakin ang mahalaga ay mailabas ko ang galit ko sa kanya. Sobrang nagagalit ako dahil sarili nya akong kaibigan ay trinaydor nya ako. Dahil doon kaya nakakaramdam ako ng labis na galit sa kanya. "Ang mabuti pa iuuwi na muna namin si Jerome. Kapag pareho na kayong kalmado saka nalang ulit kayo mag usap. "inalalayan ni Denver si Jerome dahil sobrang nanghina ito sa ginawa kong pambubugbog dito. "wala na akong balak na makipag ayos pa sa kanya!Pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin Jerome. "Sabay matalim na titig ang ipinukol ko sa kanya. "Tulad ng sinabi ko. Wala na rin akong magagawa kung yan ang gusto mo. " Sabay talikod nila saakin. Nang makita kong nakaalis na sila ni Denver ay saka ko binuhat ang magagaan na upuan doon at inihampas sa mga lamesang naroon. Marami akong nabasag na mga gamit at mga basag na bote.. Nakakita ako ng isang bote ng alak at walang ano ano'y kinuha ko ito at tinungga.Si Xian naman ay Nagpaiwan at naiiling na nakatingin lang saakin. Hinahayaan lang ako sa ginagawa ko. Sunod sunod ang paglagok ko ng alak. Hindi ako tumigil hanggat hindi ako nalalasing. Nakita kong iniaayos ng mga impleyado duon ang Kalat ko at maya maya ay nagsisisbalikan na ang mga tao na parang walang nangyari. Narinig ko si Xian na nakikipag usap sa manager at sa may ari na siya ang bahalang magbayad. Wala akong pakialam sa paligid ko. Uminom lang ako ng Uminom. Paminsan minsan ay sinasaluhan ako ni Xian pero hindi daw siya magpapakalasing ng todo dahil siya ang maghahatid saakin. "Ikaw Xian? Baka may tinatago ka rin saakin hek! "Medyo sinisinok na ako sa dami ng nainom ko. "Wala dude !Hindi ko magagawa sayo iyon. Hindi ko rin naman masisi si Jerome dahil nagmahal lang din naman siya.. " "Mali iyon dude! dapat di nya ginalaw si Sophie dahil girlfriend ko pa sya hek! " Napapa iling ito. "Dude ,may nagawa ka rin naman..kasabwat mo pa nga ako di ba? " ito na ang huling narinig ko bago ako makatulog.. Ginigising niya ako pero hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD