Chapter 13

1482 Words
~Athena's point of view ~ Nakauwi na si mama ng bahay.. Ang bilin saamin ng doctor babalik ulit kami ng ospital para sa regularly check up ni mama. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano'y nagiging maayos na ang kalagayan ni mama. Iniiyaos ko ang mga gamit ni mama.Hindi ako gaanong lumilikha ng ingay para hindi siya magising. Hahayaan ko muna siyang magpahinga at saka ako lumabas ng kwarto niya. Nasa labas ako ngayon ng bahay at nakatingin sa malayo.. Naiisip ko si mayor, Halos dalawang linggo na rin siyang Hindi nag paparamdam saakin kahit text or tawag ay wala na. Hindi na niya ako kinukulit tulad ng dati.Marahil ay bussy na ito sa nalalapit nilang kasal, o di kaya naman ay nalaman ng girlfriend nito ang tungkol saamin. Hindi naman siguro..O baka naman nagsawa na si mayor saakin. Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako sa isiping iyon.Bakit ba ako nag iisip ng mga ganito? tsaka bakit ako umiiyak? Bakit parang nasasaktan ako sa mga isiping iyon? Nagugulhan ako sa sarili ko ngayon. Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi kaya.... Hindi kaya gusto ko na siya? Sunod sunod na umiiling ako,Mali...mali itong nararamdaman ko..Hindi ito maaari.. Bakit ko naman siya magugustuhan eh malapit ng mag asawa iyon. Pumasok nalang ako sa loob ng bahay at inabala ko ang aking sarili. Lumipas pa ang ilang araw na walang Ace De Silva na kumontak saakin o mas lalong nagpakita saakin. Minsan ay hindi ko napigilan ang sarili ko na I stalk siya sa social media.. Pero wala naman akong nakitang kakaiba doon , ganoon parin tulad ng dati. Bakit ba nagkakaganito ako...Hindi ako nakakatulog sa gabi. Nahihirapan na ako sa kanya.Samantalang siya siguroy nagpapasarap lamang sa kandungan ng mapapangasawa niya. Naiiyak nanaman ako sa isiping iyon.Kung ano anong pumapasok sa utak ko. Naiimagine ko pa nga sila ngayon, na gumagawa ng k*l*sw**n. Sumisikip ang dibdib ko parang tinatarak ng kutsilyo. Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko kahit pigilan ko. Bakit ba nasasaktan ako ngayon? eh ,wala naman kami.. Bayad naman na ako..kaya para saan ang mga naluluha ko? " Umiiling na pinupunas ko ito pero wala parin namang tigil ang pag iyak ko. First time mangyari sakin ito.Never pa naman kasi akong nakaboyfriend kahit marami ang humahanga at nanliligaw saakin. Naka focus lang ako sa pag aaral ko at kay mama kaya wala akong time makipag relasyon ..Isa pa hindi naman ako nagmamadali eh. Until mangyari iyong gabing may napagkasunduan kami ni Sir Jerome,at naulit pang muli.. Hanggang sa palagi na niya akong kinukulit..At ngayon nga'y namimiss ko na siya ng sobra... Baka nga nagsawa na sya at narealize na nya na mali iyon.. dapat ba akong masaktan? may karapatan ba akong masaktan? Gag*ng yon ah! Umasa pa naman ako.. sayang.Sa isang banda ay napaisip ako na baka magalit saakin si Sir Jerome kapag nalaman ito. "Anak?"pumukaw saakin ang tawag na iyon ni mama kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko para hindi nya ako mahalata. "Ma? nandyan ho.. " Inayos ko muna ang aking sarili bago humarap kay mama.. "Anak, nauuhaw ako wala na akong tubig.. pwede bang pakikuha mo ako? " "A-a sige ho' inay sandali lang ..pasensya na po nakalimutan ko eh.. "napapakamot pa ako ,kaya nagmadali ako sa kusina at nagsalin ng tubig sa pitsel. Ano ba yan, napapabayaan ko na si mama dahil palagi nalang ako natutuliro. Baka makahalata na si mama... Ang hirap pa naman magsinungaling sa kanya. Bumalik kaagad ako sa silid niya at nagsalin naman sa baso sabay inaabot sa kanya. "Salamat anak, " Akala ko tapos na pero tumingin ito saakin. "Anak may problema ba? " "P--po? w-wala po ma.. Naku, Bakit nyo naman po naisip yan. " "Anak.. nakalimutan mo ba na nanay mo ako..? " Matik!ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang galing ni talaga ni mama manghula. Huwag lang sana niyang mahulaan na lalaki ang dahilan ng pagkakaganito ko. Kundi yare na.. "Ma.. wala pong problema.. huwag po kayong mag isip ng kung ano ano.. " "Nag aala ako sayo anak.. kilala kita kapag may problema ka.. sabihin mo anak ,hindi ako mapapakali kapag ganyan ang ikinikilos mo.. " "Ma, wala po.. " "Tungkol ba sa pera anak? hanggang ngayon wala ka pang sinasabi saakin anak,kung saan ka kumuha ng ng ginastos mo saakin. " Nashock ako sa sinabi ni mama.. Oo nga pala. Sabi ni Gelay tutulungan nya ako magpaliwanag Kay mama. Bruha ka Gelay. Lagot ka saakin. "Kasi ma.. Nagloan po kasi ako... t--tama ma, nakapag loan nga po ako sa tulong nila Gelay at nila tita.. " Ang tinutukoy ko ay ang nanay niya Gelay. At sana'y huwag akong mabuko. "Tao po !Nay Sabel... Best? " Galing iyon sa labas ng bahay sakto naman ang dating ng bruha.. "Anak,pagbuksan mo muna ang kaibigan mo. " Nagmamadali nga din ako at pinagbuksan ko nga ito ng pinto. "Hi best, " Nakangiti pa itong bumati saakin. "Bruha ka!sabi mo tutulungan mo ako kay mama magpaliwanag.Tungkol doon sa pinanggastos ko sa kanya. " "Ha? anong sabi mo? " "Huwag kang maingay.. Ang sabi ko sa kanya nagpatulong ako sa inyo magloan ni tita..Kaya tulungan mo ako mamaya. " Kakamot kamot pa itong sumunod saakin. "Hi, nanay Sabel... "masayang bati nito sabay halik sa pisngi ni mama.Iniabot nya rin dito ang mga dala nitong prutas.. "Salamat anak, maupo ka muna.. "sabay turo naman ni mama dito ng upuan. "Salamat po nay, " "Buweno nak,nandito ka na lamang eh... gusto ko sana magpasalamat sa tulong nyo saamin ng anak ko.. Sana makarating din sa mama mo ang taos pusong pasasalamat ko nak.. " "Si nanay talaga, para naman ho'kayong iba saamin... wala ho'iyon.." Alam kong pareho kaming mgakaibigan nakokonsensya sa pagsisinungaling Kay mama. Dahil doon ay hindi na gaanong nagtanong pa si mama dahil nangako pa si Gelay na tutulungan parin ako sa abot ng kanilang makakaya. Salamat nalang din at napanatag na si mama. "Ayan ma, huwag na kayong masyadong mag alala ha? " "Nag aalala din naman kasi ako sa kinikilos mo anak.. " Hala...masyado na yatang obvious ang kinikilos ko.. Napatingin naman saakin si Gelay. Alam ko mamaya kukulitin ako nito at hindi nga ako nagkamali dahil nang ihatid ko siya sa labas ay ito agad ang usisa niya. "Best, ano yon ha? Umamin ka nga sakin, Ano iyong sinasabi ni nanay Sabel?" "Ang alin ba? " "Naku,ano?si mayor ba yan ha? " Napabuntong hininga ako at alam nya na ang sagot sa tanong nya. "Sabi ko na nga ba eh! Ano magkwento ka na habang tulog na si nanay Sabel. " Inaya ko siya sa labas ng bahay doo sa ilalim ng puno ng mangga dahil may mahabang upuan doon. Dito hindi maririnig ni mama ang usapan namin. "Best... hindi na kasi sya nagppaaramdam eh. " "Ayon! affected ka?"bahagya pang tumaas ang kilay niya. "Yan'naman sinasabi ko sayo best, na mali yan.. kasi ikakasal na iyon eh.. " "Alam ko naman iyon best kaya lang... parang gusto ko na siya eh.. " "Patay tayo dyan best...pero di mo din naman matuturuan ang puso di ba? Alam mo kung nag aalala ka bakit di mo puntahan at alamin hindi ba?" "Ayuko ko nga.. Baka mamaya sabihin nya patay na patay ako sa kanya." "Oh'bakit hindi ba? charot lang! Hindi ka naman magpapakita eh mag iimbestiga ka lang naman. kasi alam naman natin na ikakasal na sya di ba? Ano ,kaya mo ba? " "Pag iisipan ko best..." "Loka loka..! Sabunutan kita dyan eh.. Puntahan mo na para naman may closure ka sa sarili mo bago mag move on.. " Napaisip ako sa sinabi niya... At mukhang tama nga ito. Kahit masakit aalamin ko talaga para sa ikakatahimik ko..Para maka move on na din naman.. Madaling sabihin pero mukhang mahihirapan akong gawin. "Go, Girl... don't worry... makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sayo... Hindi pa siguro ngayon.. " ************* Lagi kong inaalala ang mga huling sinabi ni Gelay,At heto nga ako sa labas ng munisipyo hinihintay ang paglabas ni mayor.. Balak ko siyang sundan.Hindi nga nagtagal ay nakita ko nga siyang lumabas na at tinungo ang parking lot ng sakayan nito.Medyo tago doon at binalak kong lumapit sa kanya ng bigla may isang pulang koste ang huminto sa tapat nito at niluwa doon si Miss Sophie.. Napaatras ako at nagkubli para hindi nila ako makita. Bahagya silang nag usap at kitang kita kong pareho silang naluluha... Hindi ko alam ang pinag uusapan nila pero sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.. Parang ang sikip ng dibdib ko. Naguunahan din ang mga luha ko.. Kitang kita ko rin na mahigpit silang nagyayakapan. Natuptop ko ng kamay ang bibig ko para maiwasan ko makalikha ng ingay sa pamamagitan ngpaghikbi ko.. Ito na ang closure... Ang sakit ng katotohanan... Tumalikod na ako at mabilis na naghanap ng masasakyan pauwi... Hindi ko pala kaya ang mga nakita ko.. Sobrang nasasaktan ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD