chapter 11

1347 Words
~Ace point of view ~ Ilang araw na akong sobrang bussy...Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Athena at sobrang miss na miss ko na siya. Pero kailangan ko itong gawin dahil isa pa ay pinaghahandaan ko ang pag uusap namin ng fiancee ko. Balak kong umamin sa kanya at balak kong huwag ng ituloy ang nalalapit na naming kasal. Pero paano ko ito uumpisahan?Sobra sobrang kabaitan ang ipinakita nito saakin.Lahat na yata ng hinahahanap ng lalaki ay na sa kanya na.Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa isang iglap ay iba na ang nagugustuhan ko. Masasaktan ko siya ng sobra...kaya hindi ko alam kung papaano ako mag uumpisa. Disidido na akong aamin sa kanya mamaya.Tinawagan ko siya at sinabi kong magkikita kami mamayang gabi. Ayaw ko naman na itong patagalin pa dahil nakokonsensya na din naman ako at lalo ko lang siyang sasaktan. Pumayag naman ito at sinabing sa condo nalang niya kami magkikita. Sobrang nakakaramdam ako ng guilt dahil ipagluluto nya pa raw ako ng paburito kong pagkain. Nakailang buntong hininga pa ako.Hindi ako makafocus sa trabaho ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko na parang ayaw kong tumakbo ang oras. Nakokonsensya ako dahil halos 2 years din kaming naging makarelasyon at may pinasamahan din naman kami.Naging sobrang supportive nya din saakin, kahit na minsan ay nasa ibang bansa ito. Pero,anong magagawa ko kung iba na ang gusto ko?Hindi ko din naman kayang lokohin sya...at tulad ng dati ayuko din na maikasal kaming ng sa huli ay pareho naming pagsisihan. Maghapon ko nalang inabala ang sarili ko sa trabaho. Ayuko din namang humarap Kay Athena na hindi ko pa naayos ang problema ko. Ayukong pagsabayin silang dalawa.Kaya tama na munang unahin ko ang problema ko.. Gusto kong humarap Kay Athena na maayos na ang lahat. Saka ko sya susuyuin at liligawan. Nakadama ako ng excitement noong maisip ko iyon. Sobran namimiss ko na siya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko hanggat hindi ko pa naaayos ang tungkol saamin ni Sophie. At sana lang ay matanggap nya rin kaagad. Damn! masasaktan ko tlaga siya.. Parang kinukurot ang aking puso. Lumipas pa ang mga oras. Nagulat ako ng kumatok sa pintuan ang kaibigan kong si Xian. "Sorry sa storbo.. "nakangiti ito at tuloy tuloy na pumasok sa loob,medyo nakaawang kasi ang pintuan. Alam kong pinigilan ito ng sekretarya ko pero alam na!Gumamit nanaman ito ng karisma kaya nakalusot sa sekretarya ko. Napapailing nalang ako. "Can't you see dude? sobrang bussy ko today." "I know Ace,pero mamaya 6 pm alam kong free ka.. Iimbitahan sana kita sa bar dating gawi?hihintayin tayo doon nila Ken at Denver." " I'm sorry dude,pero magkikita kami mamaya ni Sophie... " "Owow Woow!ibang klase ka talaga!ikaw na talaga dude!Kelan lang,si binibining Mariposa ang kasama mo ngayon mukhang balik loyal ka na kay Sophie."panunudyo saakin. Sumeryuso ako ng mukha. "Dude,Importante ang pag uusapan namin mamaya. " "Mukhang nahuhulaan ko na yan dude ah, Si Miss Mariposa ba ang dahilan. " Buntong hininga naman ang sinagot ko sa kanya.. "Well...sa tingin ko ,sa mga buntong hininga mo na yan? mukhang wala ng kasalang magaganap.. Ang lakas pala ng dating sayo ni Miss Mariposa ah! " "Kailangan ko tong gawin..kasi pareho lang naman kaming masasaktan. " "Sana tama yang disisyon mo dude.. good luck sayo.. well,hindi ka naman pala makakasama darating pa naman si Jerome galing France.Celebration daw kasi nakapag close sya doon ng deal.." "Bawi nalang ako nextime...pag naayos ko na ang problema ko. " "So, good luck nalang sayo dude!Sana matanggap agad ni Sophie at sana magkapatawaran kayo.. " Tango lang ang itinugon ko sa kanya. "Good luck din sa bago mong love life.. "saka ako tinapik sa balikat. "In case gusto mo ng kausap mamaya puwedi kang sumunod sa Bar mamaya.Hihintayin ka namin doon." "Sure dude, "ngumiti ako sa kanya "Okay..sige dude tapusin mo na yang trabaho mo..alis na ako. " saka ito lumabas ng silid na iyon. Nakatingin pa rin ako sa pintuan. "Good luck saakin mamaya.."bulong ko. Handa naman ako kung sasampalin nya ako kung kakalmutin nya ako lahat naman ng iyon tatanggapin ko basta mapatawad nya lang ako at maging maayos ang lahat.. Maging ang paghihiwalay namin. Sumapit ang alas singko ng hapon ng tumawag ito saakin. Mas lalo akong naguilt dahil sa malambing nitong boses. "Ingat ka sa pagmamaneho Hon.. hintayin nalang kita.Bye,love you.. "pero wala akong naisagot sa kanya hangang mawala ito sa kabilang linya. Palabas na ako ng munisipyo at tinungo ko ang aking sasakyan sa parking lot. F**k! F**k! F**k! nakakaramdam ako ng kaba dahil sa guilt ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nagmamaneho ng sasakyan. Ilang minuto pa ay narating ko na ang condo ni Sophie. Mabibigat ang mga paa ko na pumasok doon. Medyo nagulat pa ako dahil nasa labas na ito ng pintuan at sadyang hinihintay ako. Nakangiti ito saakin habang papalapit ako. Humalik ako sa pisngi niya dating gawi. Inaabot ko rin ang bouquet of flowers na binili ko bago pa man magsara ang flower shop. Inamoy nya muna ito saka nagsalita. "Hmmm alam na alam mo talaga ang favorite kong flowers.. Tara pasok na tayo. " Medyo nagulat pa ako ng makita ko ang flower vase niya kapareho ng nabili ko.Mukhang fresh na fresh din ito pero binalewala ko nalang ito. " "Maupo ka muna Hon.. Alam kong pagod na pagod ka at gutom na gutom kaya ihahanda ko lang ang dinner natin.. " Pero ang totoo ay hindi naman ako nagugutom. Gusto ko siyang pigilan pero patuloy pa rin ito sa pag aayos ng mesa. Nagsasalita ito pero hindi ko gaanong maintindihan ang mga sinasabi niya dahil ang gusto ko ay mag open n sa kanya ng sadya ko rito. "Sophie.. " Saglit itong natigilan sa ginagawa at tumingin saakin.. " "May problema ba Hon? " Lumapit ako at pinigilan ko siya sa kanyang ginagawa niya. Maang naman itong napatingin saakin at nagugulhan ang mata nitong nakatingin saakin.. "Sophie may importante kasi akong gustong sabihin sayo.. " Pag uumpisa ko ng usapan. Medyo nahalata ko sa kanya ang kabang nararamdaman niya lalo na ng magsalita ito. "A--ano iyon? " "Sophie... Sana mapatawad mo.. " "H--ha? A-ano? nagugulhan ako sa mga sinasabi mo... B--bakit? Amo bang problema? tell me.. " "I'm sorry Sophie... pero hindi ko na itutuloy ang kasal.. "mahinahon kong sabi. Sobrang gulat ang reaksyon nito..Napayuko ito at Napapailing habang naluluha..Minsan ay napapasabunot pa sa sarili niyang buhok at napapsapo din sa kanyang noo. Nanghihina Itong napaupo. "I'm so sorry.. "hindi ko rin alam na kung anong gagawin ko kung lalapitan ko na siya.. dahil inangat nito ang kamay na sinyales na huwag akong lalapit. Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak at noong tumigil saka siya nagtanong. "Why....?" Gusto Kong ikuwento sa kanya kung bakit o paano nangyari pero umuurong naman ang dila ko. "May iba na ba Ace? " Tumango tango ako. Ang inaasahan ko ay sasampalin nya ako.,mumurahin.. hahampasin..basta ang masasaktan ako. Pero naging mahinahon ito at mapait na ngumiti. "I know..its all my fault.. Hindi ko naibibigay ang pangangailangan mo.." "Nonono.. it's not just that.. nagkamali ako Sophie at sa pagkakamali kong iyon nabago ako.. " "Hindi ko man maintindihan ang mga sinasabi mo pero hindi lang naman ikaw ang may pagkakamali Ace .." Napaawang ang labi ko. "Yes Ace.. pareho tayong nagkamali.. siguro nga ako pa ang nauna... "patuloy itong umiiyak. Nagugulhan ako sa mga sinasabi niya at kinakabahan ako. Nagdududa ako sa mga sinasabi niya.. At hinayaan ko na lamang siyang magsalita.. "Ace.. sana mapatawad mo rin ako sa pagkakamali ko.. tama ka dapat siguro huwag na nga nating ituloy pa ang kasal. Nagkamali din ako.. at itong pagkakamali ko ay nagbunga.. " Nagugulhan ako sa mga sinasabi niya saakin.. "A-ano? " "Ace buntis ako isang buwan na.. balak ko din naman sana sabihin sayo ito pero wala kang time.. "napapasighot ito habang umiiyak... "Don't tell me.. ang ama niyan ay... " Sunod sunod ang pagtango nito.. Damn!!! "How come? Kelan pa Sophie.? "nakakapangigil.. mabubugbog ko yata ng wala sa oras ang gagong iyon! F**k Sh*t!!!nasa loob ang kulo ng gago!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD