Chapter 15

1018 Words
~Ace point of view ~ Gigil na gigil akong napasuntok sa mesa ko.Lahat ng nakapatong doon ay inihagis ko at pinagbabato. Paminsan minsan ay gigil akong napapasabunot sa buhok ko. Ang mga taohan ko naman ay nasa labas lang ng opisina ko. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala pa ring balita kay Athena.Ang laki ng perang nagagastos ko pero kahit bakas ng mga paa nito'y hirap kaming hanapin. Saan ka ba kasi nagtatago Athena? Bakit kung Kailan naman naman malaya na ako saka naman siya naglaho ng parang bula. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko sa biglaan niyang pag alis,kung hindi sana ako nagpabaya e,di sana nandito pa siya ngayon.Naging masyado akong kampante kaya nawala siya saakin. I swear paghahanap kita Athena, hinding hindi na talaga kita pakakawalan.Pipilitin kitang mahalin mo rin ako. Hanggang ngayon palaisipan saamin ni Gelay kung bakit bigla siyang nawala. Kinapalan ko na ang mukha ko ng tawagan ko si Jerome at tinanong kung may kinalaman siya sa pagkawala nito.Pero maging ito ay nagulat din.Huling pag uusap lang naman daw nila ay noong birthday ko at noong hinatid nya ito sa bahay nila. Anong dahilan nya bakit siya biglang nawala...At bakit kahit kaibigan niya ay hindi nya nagawang magpaalam dito. Ginagawa ko na lahat para mahanap lamang siya pero sinasadya nya namang magtago. Sobrang galing nya sa pagtatago dahil kahit pinaka mahusay na' na imbestigador ang mga binayaran ko ay wala itong maireport saakin kung nasaan si Athena. Lumipas pa ang maraming araw,linggo, at buwan pero wala pa ring balita sa kanya,kaya naman heto ako at gabi gabi nalang naglalasing. Parang nawalan na ng direksyon ang buhay ko.. Sobrang sakit saakin na basta nalang ako iniwan ng babaeng minahal ko kahit na maikling panahon lang kami nagkasama.Napakadali para sa kanya ang kalimutan ako dahil ba bayad ang serbesyo niya? F**k! s**t! s**t! s**t! Damn it! bakit pinaparusahan at pinahihirapan nya ako ng ganito? minahal ko naman siya ah. Tatanggapin ko kahit na bayaran lang siya basta manatili lang sya sa piling ko.Ibibigay ko rin lahat sa kanya basta ba huwag nya lang akong iwan. Napangiti ako ng mapait sa isiping hindi nya man lang ako pinahalagan, bagkos nagawa pa niyang magtago. "Anak, Ace tama na yan... "pilit ni mommy inaagaw ang alak.Nandito kasi ako sa mini bar sa bahay. "Gabi gabi mo nalang yan ginagawa anak...tama na please? kung nahihirapan ka, mas nahihirapan din akong makita kang ganyan... " "Mommy... Pangpatulog lang po ito hek!" hindi ko na napigilan ang pagsinok ko sa sobrang lasing ko. "Anak,kung ano man ang problema mo' pwede mo akong kausapin anak.Makikinig naman ako.. " "Mom' may mali ba saakin? marami din naman naghahabol na babae sakin ma pero bakit iyong nagugustohan ko iniwan ako.?" Napakunot sya ng noo. "Hindi ka parin ba nakaka move on kay Sophie anak? ". Tumawa ako kay mommy. "Mom'.. Hindi naman si Sophie ang tinutukoy ko eh.. Mom ' kapag nakilala mo sya I'm sure magugustuhan mo din sya,Bibigyan namin kayo ni dad ng maraming apo.Makukulit na apo mom..Mga mini me ko mom ..di ba masaya iyon? Mag iingay sila dito sa bahay maghahabulan di ba masaya iyon .." "Yes anak... Gustong gusto na rin namin ng dad mo na magkaapo anak.. " hinihimas niya ang likod ko. "Kaya lang mom.. nawawala sya eh ayaw nya magpakita saakin.. " Napayuko at umiiyak.Dala ng kalasingan ko ay wala na akong pakialam ngayon.Sino man siguro ang makakakita saakin ngayon ay pagtatawanan ako maliban sa nanay ko. "Shhhhhhhh... mahahanap mo din siya anak... or baka magkukusa din siyang bumalik dito.. " Umiling iling ako. "I don't think so mom ' baka nga hindi na sya buamalik pa dahil ayaw niyang magpahanap...O baka nga may iba na siya ngayon..." Niyakap ako ni mommy.. Habang naiiyak ako at dahil narin sa kalasingan ko. Minsan nawawalan na rin ako ng pag asa na magkita pa kami. Paano nga kung hindi na siya buamalik? paano kung buamalik man siya ay may iba na.. Napakuyom ako ng kamao ko... Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na namalayan kung ano pa ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lamang ako kinaumagahan na mabigat nanaman ang aking ulo. Wala nanaman akong matandaan kagabi.Ganito rin kung minsan kapag kasama ko ang mga kaibigan ko sa bar. Nagigising na lamang ako kinabukasan dito sa aking kuwarto ng wala ng natatandaan. Lumipas ng lumipas pa ang maraming araw at inabot ng taon. Hanggang sa naging ako na ang Governador dito sa lalawigan namin. Sinusunod ko palagi si dad..Binabalak pa niyan tumakbo ako bilang congressman at senador. Ayos lang naman saakin iyon dahil ayuko din namang mapunta sa kamay ng mga kalaban ko ang posisyon ko dahil alam kong gagamitin lang nila sa masasama nilang gawain ang posisyon, kapag sila na ang nakaupo. "Dude lalabas ulit tayo mamaya ha? may ipapakilala kami sayo mamaya." nakangiting lumapit saakin si Ken.Marami ng pinakilala saakin ang mga kaibigan ko pero ilan sa kanila ay nakaka one night stand ko lamang kinabukasan ay wala na.. Naging matigas na ang puso ko. Hindi ko alam kung may mamahalin pa ako bukod Kay Athena na hanggang ngayon ay hawak parin ang susi ng sarado ko ng puso. Wala na siguro akong ibang mamahalin pang iba. "Tigilan nyo na ako mga dude...Wala din namang mangyayari sa mga nerereto nyo saakin. " Bumaling ako sa kanilang tatlo.Gumagawa sila ng paraan para maka move on na ako. Until now kasi ay pinapapahanap ko pa rin si Athena. "Dude.. gusto lang naman namin na buamalik ka na sa dati. " "Sa dati? why?what's wrong with me? "natatawa ako sa sinabi ni Xian. "Dude.. Alam naming lahat na hindi ka pa rin nakaka move, hangang ngayon.Makakalimutan mo din siya dude.. kung ibaling mo lang sa iba .." Kahit ano pang sabihin ng mga kaibigan ko ay mahihirapan akong gawin iyon. Pagbibigyan ko lang sila hanggang sa sila na rin mismo ang magsawa sa pagrereto nila saakin sa kahit na sino. Ganoon nga ang ginagawa ko at kapag nakaalis na sila saka ko naman babayaran ang nireto nila at paalisin na lamang ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD