Chapter 14

1284 Words
~Ace De Silva Point of View ~ Nagmamaneho ako ngayon ng kotse ko pauwi ng bahay.Marami pa rin akong mahahalagang asikasuhin dahil may sakit pa si Dad.Si mommy naman kanina pa tawag ng tawag saakin.Papasok na sana ako sa kotse ko kanina noong dumating si Sophie kaya saglit muna kaming nagkausap kanina dahil nagpaalam na siyang lilipad na sila papuntang Paris ni Jerome. Kagabi ay nag usap usap kaming magkakaibigan at nagkaayos na kami ni Jerome.Bumalik sa alaala ko ang napag usapan namin. "Dude akala ko ba tayo tayo lang. "inis at pikon akong tumitig ng matatalim kina Xian Denver at Ken. Niloko kasi nila ako ang= sabi nila ay kaming apat lang pero nandito pala ang walang hiyang si Jerome. "Dude, higit pa sa tunay na magkakapatid ang turingan nating lahat kaya sana kung ano man ang nangyari pag usapan nyo ng maayos." Akmang tatayo ako para umalis na sana pero pinigilan ako ni Ken.Isa isa silang tumapik sa balikat ko at lumabas.Naiwan kami ni Jerome. Wala na akong magawa,kaya ang alak nalang na nasa mesa ang pinagdiskitahan ko. Nagsalin ako ng alak sa baso at nilagok ko kaagad iyon. Mga walang hiyang iyon.Kung alam ko lang sana ganito pala ang balak nila di sana hindi ko sila pinagbigyan dahil sobrang bussy din naman ako. Bumuntong hininga muna si Jerome at tumungga din ng alak. "Dude, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko.Pero sana mapatawad mo parin ako.Minahal ko lang ng sobra si Sophie..." Hindi ako kumibo dahil pinipigilan ko lang ang galit ko. Hindi ko pa rin matanggap na niloko nila ako. "Dude,marami akong kasalanan sayo..Ang tungkol sainyo ni Athena dude alam ko rin.. " Kunot noong tumingin ako sa kanya. "Oo'Ace.." "Anong ibig mong sabihin? " "Dude... Si Athena.. binayaran ko sya para akitin ka---" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanya bago pa man nito ituloy ang sasabihin nito.Bumagsak ito sa sahig at hawak hawak ang panga habang nakangiwi. "Sa tingin mo ba mapapatawad pa kita? " Gigil na gigil akong kinuwelyuhan ito. "Sige!patayin mo na ako Ace kung yan ang makakapagpanatag ng loob mo!sige!patayin mo na ako. " Kuyom ang kamao ko na akmang susuntukin ko sya at bumuwelo. Buong lakas at pwersa ang pinakawalan kong suntok.Pero hindi ito tumama kay Jerome.Sa Sahig ko ito pinatama kaya gabe ang pagdurugo nito.Hindi ko naman iyon iniinda dahil sa emosyon kong nararamdaman. Nanatili parin itong nakapikit at naghihintay kung nais ko siyang patayin. "Tatanggapin ko lahat Ace.Patayin mo ako kung yan ang gusto mo!Pero sana mapatawad mo ako."Nakayuko itong umiiyak at yumuyugyog ang balikat nito. Ito ang pinakamatinding nangyari saamin. Nagkakatampuhan naman kaming magkakaibigan noon pero mga simpleng hindi napapagkasunduan lamang.Pero iba ito ngayon. "Bakit?bakit nagawa mong lahat saakin ito Jerome? " "Dahil sa mahal ko si Sophie,Nag isip ako ng paraan para mapaghiwalay kayo dahil akala ko kapag nangyari iyon mapapasaakin na sya...Lumapit saakin si Athena nong gabi ng party mo.Narinig niya ang biruan namin na reregalohan ka namin ng babae kaya palihim siyang lumapit saakin at nag alok kapalit ng malaking halaga.Dahil sa kagustuhan kong mapaghiwalay kayo ni Sophie kaya nagkasundo kami...." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.Tumayo ako at pinunasan ng kamay ko ang mga pawis sa mukha ko... Bakit hindi ko man lang napansin iyon.. Oo nong una akala ko prank lang nila.Nagugulhan ako.. Walang hiya!Kung Kailan minamahal ko na siya... Pinagsusuntok ko ang pader... Saka pumasok ang mga kaibigan ko kasama si Sophie. Umiiyak na rin ito.Hindi nya alam kung sino saamin ang lalapitan niya. Pero pinili niyang ako ang lapitan. "Ace... patawarin mo kami.. "umiiyak na ito. Sobrang sakit ng mga nalaman ko. "Umalis na kayo dito..."nakapikit matang sabi ko sa kanila. Maang silang tumingin saakin. "Umalis na kayo dito... Pumunta kayo kahit saan nyo gusto...basta umalis na kayo! " "A--ace.... " "Hindi mo ba ako naririnig Sophie? Umalis na kayo ni Jerome.Magpakalayo layo... " Mas mabuti ng ipagtabuyan ko sila Kaysa kung ano pa ang magawa ko sa kanila. Lumapit pa rin si Jerome saakin at paulit ulit na humihingi ng tawad. Pero hindi ako umiimik nakakuyom lang ang kamao ko. Lumipas pa ang ilang minuto at umalis na sila. Inalalayan naman ako ng tatlo. Wala kaming imikan. Inihatid nila ako sa bahay. Uminom ako magdamag kahit na marami akong gagawin kinabukasan. Bumalik ang isipan ko sa kasalukuyan. Maayos na nagkapaalaman kami kanina ni Sophie.. So Jerome naman ay sa text lang nagpaalam. Lilipad na sila mamaya patungong Paris.. Bukas na bukas din ay pupuntahan ko si Athena sa kanilang bahay. Kakausapin ko siya tungkol saaming dalawa.Maskit malaman ang dahilan ng pagkakakilala namin pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya nagyon.Alam kong mahal na rin niya ako dahil ramdam ko iyon noong magkasama kami ilang linggo na ang nakalipas.. Oh s**t!!! Namimiss ko na sya.. Sa sobrang bussy ko, nawalan na ako ng time para sa kanya.Balewala naman saakin kung ano man ang nangyaring pag uusap nila ni Jerome.Dahil nagawa lamang niya iyon dahil sa mama niya.Sa kabilang banda nagpapasalmat din ako dahil nakilala ko siya. Nakauwi agad ako ng bahay at tinapos ko kaagad ang mga naiwan nanamang trabaho ni papa.Kung bakit naman kasi pinagpipilitan nya akong pumasok sa politika Kaysa magmanage nalang ng negosyo namin para hindi na sya mahirapan. Pagod na pagod kong tinapos ang trabaho ko at nakatulog. Shit!!!! panay ang mura ko dahil kung Kelan may importante akong pupuntahan ko saka naman ako tanghali ng gising. Wala din si mommy para gisingin ako. Well nasanay naman kasi ako na maagang gumigising lalo na kapag may pasok. Pumasok agad ako ng banyo at nagshower.Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Nasaana ko si mommy at pinipilit pa akong mag almusal muna pero humalik lang ako sa pisngi niya saaka nagpaalam na aalis na.. Wala naman itong nagawa. Nakita ko pa sa gilid ng side mirror ng sasakyan ko na humabol pa ito.Pero Nagmamadali pa rin ako dahil excited na akong makita si Athena . Wala na akong pakialam kahit malate ako sa munisipyo. Masayaw masaya akong nagmamaneho ng kotse habang sinasabayan ang ang pinapatugtog kong kanta.Pa humming humming pa ako. at minsan ay sinusulyapan ko ang mukha ko sa salamin. Sa wakas ay narating ko ang bahay nila Athena. Napakunot ako ng noo ko ng mapansin kong sarado ang kanilang bahay. Nasaan kaya sila? Ah Baka nasa ospital at Nagpacheckup. Tatalikod na sana ako ng makita ko ang kpitbahay nila babae. "Good morning mayor! "nakangiti pa itong bumati. "Good morning din po, Ah eh... alam nyo po ba kung nasaan ang nakatira dyan? "sabay turo ko sa bahay nila Athena. "Naku, huli na po kayo mayor.Kahapon pa po sila umalis dyan." "Ho'?saan naman daw po sila pupunta? " "Anga alam ko mayor maglilipat na po sila.Ang hindi ko lang po alam kung saan.. Biglaan nga po ang alis nila eh. Wala naman po nakakaalam saamin dito kung bakit. " "Ganon po ba?sige po maraming salamat ." "Walang ano man po mayor. " Nagmamadali ulit akong nagmaneho at pupuntahan ko ang matalik nitong kaibigan.Baka sakaling alam niya kung nasaan ito. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makusap ko si Gelay. Maging ito ay nagulat ng magtanong ako sa kanya. Pinakatitigan ko siya at sinisipat ko kung Nagsasalita nga siya ng totoo. Pero wala talaga. Biglaan ang mga pangyayaring pag alis nito at hindi man lang nagpaalam dito.. "God... baka may nangyari sa kaibigan ko.. "bulalas nito. Nangako din siyang makikipagtulungan saakin sa paghahanap dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Sinisisi ko ang sarili ko.. Kung hindi sana ako nagpabaya sana nandito pa siya. Gagawin ko ang lahat mahanap lang siya at kapag nahanap ko na siya " I swear hindi ko na siya pakakawalan. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD