Chapter 5

1128 Words
Chapter 5 ~Athena's Point of View ~ Alas dos ng hapon naka schedule ang operasyon ni mama kaya nagayon palang ay sobrang kinakabahan na ako,kaninang umaga pa ako hindi mapakali panay ang dasal ko at ngayon ay ala una na ng hapon kaya mas lalong hindi ako mapakali..Hindi na rin ako masyadong nakakain kanina,masyado akong nag aalala para sa mama ko,alam kong kakayanin nya ang operasyon na ito pero kailangan kong masyadong higpitan ang pananalig ko sa itaas.Sumapit nga ang oras na pinakahihintay ko at sa labas ng operating room panay ang lakad ko at hindi mapakali. Dasal ako ng dasal ng paulit ulit at panay ang tingin ko sa aking suot na relo, ilang oras na din ang lumipas,pero hindi pa rin lumalabas mula sa kwartong iyon ang doctor na nagopera sa mama ko.Muli akong naupo,maya maya ay may humawak sa balikat ko at nakita ko si Gelay.Mababakas sa mukha niya ang ang labis na pag aalala.Ngumiti ako sa kanya na ibig sabihin na okay lang ako. "Kumusta si Nanay Sabel?sorry kung nalate ako nagka emergency din sa bahay at ngayon nandito din si Gina sa ospital dahil nanganak na sya."ang tinutukoy nito ay ang nakababatang kapatid nito na sa edad na disisyete ay maagang nabuntis. "Okay lang naman best Maya maya lang din ay lalabas na din ang doctor,Si Gina Kumusta na rin? " Naupo siya sa tabi ko. "Maayos na sya,hindi naman sya nahirapan maglabor kahit pa nga panganay.Teka kumain ka na ba? nagugutom ka ba? gusto mo ibili kita sa labas ng makakain? " Sunod sunod ang pag iling ko sa kanya.Ang totoo hindi pa ako nakakaramdam ng gutom kanina pa.Hinihintay ko ang resulta ng operasyon n mama. "Hindi ako nakakaramdam ng gutom best,"matipid kong sagot sa kanya "Eh baka mamaya nyan mag collapse ka nlng dito bigla..dapat kahit papaano may laman yang sikmura mo.Hintayin mo ako dito at bibili ako sa baba okay? huwag ka nang tatangi dahil sasabayan na rin kitang kumain.Hindi din ako nakakain kanina sa sobrang taranta ko sa kapatid kong iyon. Sila mama naman sobrang taranta din at unang apo rin nila iyon,kulang nalang nga suntukin n papa ang nakabuntis sa kapatid ko kanina pero nooong nakita nila ang apo nila parang naglaho nalang bigla ang galit nila.. "sunod sunod na kwento nito.Kahit na minsan magulo ang pamilya nila hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Pangarap ko rin kasi magkaroon ng mga kapatid iyon nga lang maagang nabyuda si nanay at ako lang ang naging anak nila kaya Ingit na Ingit ako sa pamilya nila. Sabagay kapag naroon naman ako sa bahay nila ay hindi naman nila ako itinuturing na iba. "Sige na nga...Wala na din naman ako magagawa."nakangiting sabi ko."Pag tapos ng operasyon n mama sisislipin din natin yong baby ha,? " "Oo ba! Mas excited pa nga ako sa kanila sa baby..ang cute naman kasi mana sa tita ." Natatawa ako sa sinabi nya,di naman ako makatanggi sa sinabi niyang iyon dahil maganda rin naman itong bff ko. "Syempre naman, tayo pa ba ang maglolokohan. "natatawang biro ko sa kanya. Naiwan ulit ako ng ilang sandali dahil umalis na ito at bumili ng makakain namin.Nagpaikot ikot uli ako ng lakad dahil naiinip na ako at hindi ko rin maipalaiwanag ang nararamdaman ko. Dasal ulit ako ng dasal dahil labis akong nag aalala sa mama ko. "Lord...pagalingin nyo po ang mama ko.. "Mahina kong usal.. Maya maya pa'y nakita ko na paparating si Gelay at may dala dalang supot. Nakangiti siyang Lumapit saakin. Noong makalapit na siya'y sakto namang bumukas ang pinto ng operating room at niluwa roon ang pawisang doctor na nag opera Kay mama. Agad ko siyang sinalubong..sobrang saya ng pakiramdam ko. "Doc Kumusta ang mama ko? "sobrang excited ako. Tinangal niya ang kanyang face mask at ngumiti sya saakin. Guwapo pala ito at bata pa.Nakaka hanga naman ito pero napigil ang paghanga ko sa kanya dahil hindi ko pa alam ang resulta ng operasyon sa mama ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Ngumiti sya saakin. "Good news!Successful ang operasyon ng mama mo, kailangan nalang ang tuloy na tuloy pa niyang gamutan.Pero stable na siya ngayon. "sa sobrang tuwa ko ay nagtatalon ako sa tuwa at biglang napayakap ako sa doctor na nagopera sa mama ko. "Thank you so much lord! thank you so much doc!" Nasa ganoong posisyon kami ng biglang may pasimpleng tumikhim sa likod ko ,napaisip pa ako dahil si Gelay lang naman ang naroon at boses lalaki ang narinig ko. Kunot noong napabalikwas ako at lumingon ako,una kong nakita ang madilim na mukha ni mayor at ng kaibigan nitong si Xian. shocks!nakilala nya kaya ako? Biglang kumabog ang dibdib ko.Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito ngayon? "kuya!," parang gulat din ang doctor at nakatingin ito Kay Xian. "Congratulations bro! "sabi ni Xian. "Thanks kuya, "nakangiti at tipid naman nitong sagot. Maang akong napapatingin sa kanila at lalo na kay mayor na titig na titig saakin at parang napapatiim bagang ito. Parang galit ito dahil iyon ang nakikita ko base sa ekspresyon ng mukha nito. Kanina pa kaya sila nandito? di ko na napapasin sa sobrang pag aalala ko. "Napadaan lang kami dito bro at may dinalaw lang kami ni mayor.Baka Pwedi tayong magcelebrate mamaya pagtapos ng duty mo? "sabi ni Xian. "Sure kuya,"bumaling ito saakin"Miss Samonte will you excuse us? " "S-sure Doc,no problem."nakangiti kong sabi sa kanya at lumapit ako kay Gelay, pasimple akong kumapit sa kanyang braso dahil pakiramdam ko parang matutumba ako at bigla akong nanghina. Sa dinami dami ng makikita ko ngayon bakit si mayor pa?mukhang natatandaan nya nga ako. Sobrang nagulat talga ako ng makita ko sya. Pagkatapos ng mga itong magpaalam ay parang sinadya pa ni mayor na magpahuli at parang gusto nya akong kausapin nag alangan lang ito dahil naroon ang kaibigan ko. Nakaalis na sila pero di pa rin nawawala ang kaba ko. "Okay ka lang ba? "nagaalalang tanong saakin ni Gelay dahil alam na nito ang nangyari saamin ni Mayor. Para akong pinagpapawisan ng malamig . "K-kanina pa ba sila?" tumango tango ito at natampal ko naman ang aking noo. "Nakilala nya kaya ako best? " "Hindi ko din alam best blangko ang mga tingin nya sayo at ang hirap hulaan kung ano ang iniisip nya." "Di mo ba napansin parang galit sya saakin? pero bakit naman diba? Hindi mo napansin?,parang lulunukin nya ako ng buhay." "Ganoon naman sya pag galit di ba naalala mo noon? " "Oo nga best kaya lang bakit naman sya magagalit saakin? " "Tara, sundan natin at tanungin natin."natatawang sabi nito para pakalmahin ang nararamdaman ko. "Sira!"sabay irap ko sa kanya . "Halika na nga kumain na tayo." Oo nga pala nakakaramdam na ako ngayon ng gutom dahil alam kong ligtas na ang mama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD