Chapter 4

1076 Words
Chapter 4 ~Athena's Point of View ~ Matapos akong ihatid ni Jerome kanina ay tumungo agad ako sa banyo ,kailangan kong maligo nanlalagkit na ang buong katawan ko . Nagsabon ako ng buong katawan ko. Nakakaramdam ako ng kalungkutan dahil wala na ang iniingatan ko.Pero may saya din dahil maipapaopera ko na ang mama ko. Hindi ako nawawalan ng pag asa na gagaling ang mama ko. Napatingin ako sa dibdib ko,hindi nga ako nagkamali maraming kiss mark ang naroon. Bwesit na yun a. Parang walang kasawaan naka 2 rounds pa. Pero inaamin ko nasiyahan naman ako sa ginawa namin.Iyon nga lang masyado akong nahihirapan magkikilos at maglakad dahil sa pagkapunit ng p******e ko. Naalala ko si Mayor.Sobrang guwapo nya at ang bango nya pa.Hindi ko inakala na mangyayari iyon .Sa dinami dami ng tao si mayor talaga na, noong una ay kinaiinisan ko at kinatatakutan simula noong makita ko kung paano ito magwala.Pero kagabi ibang iba na mayor ang nakasama ko. Napaka gentlemen nya sa kama lalo na nang malaman niyang first time ko. Kahit noong una inakala nya siguro na isa lang akong mababa ang lipad. Naalala nya pa kaya ako? Siguroy hindi na.,malapit na din naman siyang ikasal eh. Bigla akong nalungkot.. Ang plano ko kapag magaling na si mama aalis na kami sa lugar na ito pupunta kami sa probinsya ng papa ko magpapakalayo layo para makalimot. Nagbibihis na ako ng may mga sunod sunod na katok ang narinig ko. Sinipat ko ang orasan sa kwarto ko. 5:30 palang ng umaga sino kaya ang bisita ko? Si sir Jerome kaya? bakit naman sya babalik? Paika ika kong tinungo ang pintuan. "Best! "bungad agad saakin ni Gelay. "Pasok ka best."matipid na sabi ko. "Okay ka lang ba? Marami kang ipapaliwanag saakin."nahalata nya yata ang kilos ko. Napahagulgol ako na yumakap sa kanya. "Bakit ano ba ang problema ha? "pagaalo nya saakin hinahagod nya ang likod ko. Pero panay ang iyak ko,nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Kinailangan nya muna akong pakalmahin at hinintay na magkwento . "Makikinig ako best,kung ano man yan." Naawang sabi ni Gelay.. "Best,wala na...wala na iyong iniingatan ko .."pag uumpisa ko magkwento.. "H__ha? Linawin mo nga,di kita maintindihan.. " "Best,mangako ka wala kang ibang pagsasabihan. " "Natural best friend kita Athena.Kaya nga sinadya kong pumunta dito ng maaga kasi kagabi pa ako nagtataka sayo.Ano bang nangyari?hindi ako kay sir Jerome na walang ibang makakaalam ng ginawa namin pero malaki ang tiwala ko sayo kaya___"pinutol nya ang sasabihin ko. "Wait lang!"Jerome?As in Jerome Montecillo? ang kaibigan ni Mayor? " Sunod sunod ang pag tango ko.. "Oo best,Nakipagkasundo ako sa kanya na aakitin ko si mayor kapalit ang malaking halaga ng pera. " "Ano?Nababaliw ka na!ikakasal na iyon best! alam mo gustong gusto kitang sabunutan.."parang nanggigil ito saakin at akmang sasabunutan ako. "Best wala na akong ibang choice, tsaka ako naman ang lumapit sa kanya pagkatapos kong marinig ang usapan nilang magkakaibigan na gusto nilang regalohan ng babae si mayor. " "Naloloka kana ata..errrrrr! " "Best,kailangan na ni mama maoperahan sa lalong madaling panahon.,alam mo naman di ba na wala na akong ibang mapagkukunan. Isa pa hindi ko naman na dapat panghinayangan ang nawala saakin ang mahalaga madugtungan ang buhay ng mama.."naiiyak na sabi ko sa kanya. "Naiintindahan naman kita Athena kaya lang.. Hay Naku, bakit kasi kailangan pang mangyari ito sayo.. " "Eh, iyong iba nilang kaibigan? alam din ba nila?" Umiling iling naman ako. "Hindi,Kaming dalawa lang ang nakaka alam at kasama ka na din doon ngayon. " "Si mayor? " "Wala din syang alam dito.. " "Hayyyy kalerke na itich..Pero si mayor ano? "sinadya niyang bitinin ang sinasabi. "Ang ano best? "taas kilay kong tanong. "Ano,I mean yummy ba? "na shock ako sa tanong niya at biglang akong nag blush. "Hoy! Bakit nagba blush ka dyan ha? Parang inamin mo din na yummy sya di ba? sabagay iyong itsura nya guwapo na maganda ang pangangatawan tapos iyong abs nya ilan ba best..?" Parang kinikilig pa ito. "Malay ko.Hindi ko naman binilang eh." nagulat ulit ako ng kinurot nya ako. "Arayyy! "biglang daing ko.Bumaon yata ang kuko nya sa tagiliran ko kasi kanina pa sya nanggigil saakin. "Ang landi mo kasi,Nandon ka na hindi mo pa tinadaan.Alam mo namang maraming babaeng nagpapantasya doon. "iiling iling na sabi nya. "Wala na best.Di ko na naisip iyon, kasi alam mo na mang takot ako sa kanya di ba? "sumang ayon naman siya sa sinabi ko lalot nakita namin kung paano ito magalit noon. "Pinahirapan ka ba nya best.Ni rape? " "Hindi noh! ibang iba sya kagabi.." "Ayyy ang landi talga! "sabay halakhak. "Ang swerte mo naman at natikam mo sya."dugtong pa nito. "Bakit pinagpapantasyahan mo din ba sya? " "Dati oo pero kagabi nakilala ko si Ken.Ang bait nya kaya sya nalang.. " "Ano? Eh alam naman natin na babaero yon do ba? «" "Hoy,hindi noh! ang bait bait kaya nya at ang guwapo pa.. Sabagay lahat naman sila guwapo pero ang nagpapatibok na ng puso ko Ay si Ken. " "Tsk! Tsk! Tsk! loka loka,eh paano na si Jackson? " Ang tinutukoy ko ay ang nobyo nito. "Malapit na kami magbreak, salawahan yon eh. "parang ang dali lang dito magpalit ng boyfriend, pero okay lang iyon basta hindi nya pa isinusuko ang Bataan.. Napabuntong hininga ako.Saakin kaya may tatanggap pa na lalaki kung malaman nitong hindi na sya ang nauna? Bahala na basta ginawa ko ito para sa mama ko. "Hoy! ang layo ng iniisip mo " Untag nya saakin. "Wala yon best, huwag mo nalang akong pansinin. " "Sya nga pala,kinausap ako ni Yunky kagabi bago ako umuwi."ang tinutukoy nito ay ang kaibigan pa nitong bading na kumuha saakin magperform ng sayaw sa birthday ni mayor. "Bakit ano daw? " "Baka puwedi ka daw ulit magperform sa event nila Gov.kasi maraming natuwa sa performance mo kagabi kaya kinausap sya na kung puwedi ka daw ulit kunin.Umuo na ako best kasi di ba nga kailangan mo ng maraming raket dati, kaya lang.. " "Okay lang iyon Best. Sige payag ako.. " Bigla nya akong niyakap. "Salamat best! The best ka talaga. At dahil dyan ako ang bahala sayo ipagluluto muna kita at huwag kang tatangi, matulog ka din muna maghapon at mamaya ako na ang pupunta Kay nanay Sabel sa Ospital. " "Salamat,Gelay..suwerte ko at naging bestfriend kita.. " "Magdadramahan pa ba tayo ngayon."natatawang sabi niya .Parang magkapatid na kasi ang turingan namin simula noong mga elementary pa kami .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD