Chapter 6

1151 Words
Chapter 6 ~Athena's Point of View ~ Pagkagaling namin sa ospital ay sinamahan at hinatid ako ni Gelay sa bahay. "Best,sa susunod na araw iyong sinasabi ko sayo ha? Panay na kasi ang tawag saakin ni Yunky nireremind nya ako baka daw kasi mag back out ka pa eh mapapahiya daw sya." Nginitian ko siya. "Syempre hindi ko naman kayo ipapahiya dahil malaki na rin ang utang na loob ko sainyo at malaki na rin ang naitulong nya saakin lalo na noong gipit na gipit ako." "Sinabi ko na sa kanya na baka last na rin itong raket mo best.Nalungkot nga yon eh ,kasi Ikaw iyong parang suwerte nya. " Natawa ako sa sinabi ni Gelay,kaya naman pala ang bait bait nya saakin. "Magrerehersal daw muna kayo bukas nila Kelvin at Mira sila naman iyong makakasama mo sa sayaw.Madali lang naman daw ang step ng sayaw niyo kaya, kayang kaya kahit bukas lang ang practice nyo .Masyadong bilib na bilib sayo ang baklang iyon eh, "dugtong pa niya. "Sobra naman yatang tiwala nya saakin " "Natural,kasi kahit gumiling giling ka lang eh,laglag na ang panga ng manonood.."natatawang sabi nito. Napahalakhak ako sa sinabi niyang iyon. "Grabe ka sakin ha? Malaswa ba ang sayaw ko? " Napailing iling naman ito. "Of course not!nakita mo naman siguro kahit babae eh may paghanga din sayo kapag umiindak kana." Sumapit nga ang araw ng event nila Governor.Kasama ko ngayon sina Yunky siya din pala ulit ang mag I-MC nasa loob ako ng isang room na ukopado para saamin at Kasalokuyang nagme-meyk up at nagulat ako ng biglang sumulpot ang baklang si Yunky sa may pintuan. "Guys prepare kayo Ilang minuto nalng ..kayo na ang sususnod na magpe ferform ng sayaw,Guys galingan nyo ha para hindi naman tayo mapahiya sa kanila." sabay sabay na nag thumbs up ang mga kasama ko.Bumaling din saakin si Yunky "Oh,ikaw miss Mariposa galingan mo din ha.. kasi ikaw ang star of the night ngayon." "Oo naman po madam." "Yan ang gusto ko sayo Athena napaka positive mo lagi.O,sige na prepare na kayo."nagpaalam na siya at lumabas na din. Gagalingan ko talaga ngayon dahil ito na ang huli kong raket.Pagkatapos nito ay aalagaan ko na muna ang mama ko. Titigil na muna ako sa pag aaral ko at kapag magaling na magaling n si mama ay uuwi na kami sa probinsya ni papa doon kami magsisimula muli ng bagong buhay kasama si mama. Nagmamadali akong nag make up pagkatapos ay inaya ko na sa labas ang mga back up dancer ko. Nasa likod na kami ngayon ng stage at hihintay ang anoucement ni Yunky na hudyat na kami na ang susunod na magpeferform ng sayaw. "Lady's and Gentlemen! please welcome The Girl on Fire!Miss Mariposa !please let's give it up a round of applause! Namatay ang ilaw at tanging malamlam lamang ang liwanag ng Ilang malililiit na ilaw ang nkabukas.Wala pa man kami ay naghihiyawan na ang mga bisita at nagpapalakpakan.Dahan dahan akong lumabas sa stage at sa unay umiindak ng sayaw.Kasunod ko ang mga back up dancer ko at sabay sabay na kaming nagsasayaw.Mula sa likod namin ay may malaking screen doon at ang nasa larawan ay nagliliyab na apoy. Maslalo kaming ginaganahan sumayaw dahil sa nakikita naming nag eenjoy ang mga naroroon at nagpapalakpakan..binuhat ako ng ilan sa mga kasamahan ko at nagsasayaw ako sa ere.Nagpatuloy ako sa pag indak sa saliw ng tutog at pasimple kong kinikilala ang mga manonood. Mayayaman siguro ang lahat ng naroong mga bisita dahil lahat ng mga ito ay nakapostora at mga sosyal. Pasimple ko lang inilibot ang mata ko habang nagsasayaw at may nahagip akong isang tao na kilalang kilala ko at never kong makakalimutan . "M-mayor.."Mahinang usal ko muntik ko pang makalimutan ang step ng sayaw ko mabuti na lamang at walang nakapansin nito. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan niya at kitang kita kong titig na titig siya saakin.Bigla nanaman ang pagtibok ng puso ko pabilis ng pabilis.. Pagkatapos naming sumayaw ay uuwi din ako kaagad lalot may pakiramdam ako susundan ako ni mayor at kakausapin. Panigurado,dahil sa ospital ay parang gustong gusto nya akong kausapin.Nag alangan lang siguro sya dahil sa sitwasyon namin noon pero pakiramdam ko noong mga time na iyon ay parang gigil na gigil syang kausapin ako at magtatatanong. Ako na mismo ang iiwas,mahirap na baka pag nilapitan nya ako at kausapin baka kung ano na ang isipin ng makakakita saamin at maging isyu pa.Lalo na siguro kung may makaalam sa nangyari saamin.Sikat ito sa social media dito sa lugar namin.Bukod sa siya ang pinakabatang mayor sila din ang pinakamayaman dito.Negosyante ang ama nito at dating sikat din na artista ang mama nito. Lahat ng tao ay humahanga dito.Guwapo kasi ito at maganda ang pangangatawan idagdag mo pa ang mga kaibigan nitong naggagwapohan din. Para silang mga Goddess na ibinaba dito sa lupa at kinakikiligan ng mga kababaihan. Kaya hindi sila nakakaligtas sa mga taong humahanga sa kanila.Sa tuwing nagbubukas pa nga ako ng social media account ko ay mga mukha nila lagi ang nakikita ko.Dahil karamihan sa mga friends koy huamaling na humaling sa kanila kaya panay ang share ng mga ito ng picture nila. Malas nila malapit ng ikasal ang isa sa hinahangaan nila. Oo nga pala ikakasal na ito pero bakit may pakiramdam ako na sinusundan nya ako.Naku!Lagot ako nito. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan nilang apat. "Shocks! bakit kulang sila?wala doon si sir Jerome.?"nasabi ko sa isip ko lamang. Tatlo sa kanila'y nagpapalakpakan at giliw na giliw sa sayaw namin samantalang si mayor ay matamang nakatitig lamang saakin habang nakasalikop ang mga kamay.Animo'y napaka strikto nito. Muli ko pang nasulyapang may ibinulong ito sa kaibigan nitong si Xian.Mukang seryuso ang pinag usapan nila. Ano namang masama sa sayaw namin?Hindi naman Malaswa ang sayaw namin. Ano naman kung hindi sya nag eenjoy sa sa sayaw namin.Sya lang naman kasi yata ang bukod tanging hindi nasisiyahan roon. Sa wakas ay natapos na rin kami magsayaw,agad nagpalakpakan ang lahat. "Thank you so much sa napakaganda ninyong performance ngayong gabi."ang sabi ni Yunky na MC sunod sunod na kaming bumalik sa likod ng stage at nag uunahan ang mga kasamahan kong mkabalik sa ukopado naming room. Inabot yata ako ng kabagalan dahil ako talaga ang nahuli na dapat ay ako ang mauna dahil may iniiwasan akong tao.Hindi ko naman kasi inaasahang naroon din si mayor.Dati rati kasi sa tuwing may ganitong okasyon palagi naman itong wala o di kaya hindi ko lang ito napapansin.Kagaya na lang din noong birthday nito parang hindi ko naman siya nakita noon. Pero bakit nakilala nya ako noong pumasok ako sa room nya? Napapitlag ako bigla noong may humablot bigla sa braso ko. Kinabahan ako at nagulat nang mapag sino ko ang taong iyon. "Can we talk? "Nakakunot ang noo nito habang titig na titig saakin. "M-mayor...? "nauutal ko pang nasambit sa sobrang gulat ko. Ang tanga ko bakit nahuli pa ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD