KABANATA 3

1809 Words
***EYRNA*** Mga ilang minuto ang lumipas bago naging maayos ang hitsura ng lalaking guwapo at mukhang mayaman. Hindi lang basta suit ang suot nito, designer suit iyon sa tingin ni Eyrna. Isa itong tycoon businessman, iyon ang tingin niya sa lalaki. Hindi alam ni Eyrna kung paano niya nasambit ang, “S-sorry, sorry po. Hindi ko sinasadya.” “Darn it!” Pumanaywang ang lalaki kasabay nang pagbuga ng hangin sa bunganga. Nasa hitsura pa rin nito na nasasaktan. Kunwari lang ay hindi na dahil dumami na ang taong nakatingin sa kanila. Kagat ang pang-ilalim na labi ay napangiwi si Eyrna. Napurahan nga yata niya ang batuta ng lalaki. Lagot! “Sorry po talaga, Sir,” paghingi na naman niya ng paumanhin. Sana lang umubra. Animo’y mabangis na tigre ang mukha ng lalaki ng balingan siya ng tingin. Naniningkit ang mga mata’t nakatiim-bagang. Paktay talaga siya! Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Hindi nga lang niya na-exhale dahil sa biglang paglukob ng takot sa kanyang buong pagkatao. Iniyuko na lamang niya ang kanyang ulo. “Sir?” Lapit ng dalawang bodyguard sa lalaki. Nakita niya ang mga paa nito na mga nataranta. “I’m fine,” parang walang nangyaring muntik nang mabaog ito na sabi naman ng lalaki. She went still. Hindi na talaga niya maiangat ang kanyang ulo gawa ng kahihiyan, na lalo pang bumaba nang naramdaman niyang palakad ang lalaki palapit pa sa kanya o paalis. Halos matusok na ng kanyang baba ang kanyang dibdib sa kanyang pagkakayuko. “Next time, make sure to take a look around first. Nakakasakit ka ng ibang tao dahil sa katangahan mo. You're lucky and I'm in a hurry,” at nang bulong sa kanya nito nang matapatan siya ay naramdaman niyang parang bumaba lahat ng dugo sa kanyang paanan. Hindi man niya ito tiningnan ay alam niyang inuuri siya ng tingin. “Let’s go,” pasalamat niya at sabi na ng lalaki. Lumakad na ito paalis kasunod ang mga bodyguard. Hindi alam ni Eyrna kung bakit bigla ay nag-angat siya ng ulo. Sa kabila ng matinding kahihiyan ay nilingon niya pa rin ang lalaki. Huli na nga lang dahil likod na lang ng lalaki at ng mga bodyguard nito ang kanyang nakita. Hindi na niya ulit nakita ang guwapong mukha nito. “Ayos ka lang, Miss?” nang may nagtanong sa kanya. Ayaw man niya sana dahil baka lumingon sa kanya ang lalaki ay napilitan niyang ibinaling ang tingin sa nagsalitang security guard ng mall. “Si Mr. Ziegler iyon. Asawa niya si Miss Mia na nagmamay-ari ng Lux Fine Jewelry sa taas. Buti na lang at nagmamadali siya kundi lagot ka sana. Masungit pa naman iyon,” imporma sa kanya nito kahit hindi pa siya nakakapagsalita. Hindi naman halata! sa kanyang loob-loob. Ibinalik niya ang tingin sa main exit ng mall ngunit wala na roon ang guwapong lalaki, wala na si Mr. Ziegler daw. Gusto niyag batukan ang sarili nang parang nanghihinayang o nalulungkot pa dahil hindi niya ulit nakita ang lalaki. Sinungitan na nga siya, eh. Dapat nga ay magpasalamat siya’t wala na ang masungit na iyon. “Sige po,” paalam niya sa security guard. Nang humakbang siya paalis ay noon lang niya napansin na dumami pa pala ang nakapansin sa nangyari. Nakapalibot na sa kanya. “Hindi ba siya ‘yong nasa TV?” nang narinig niyang sabi ng isang babaeng may edad na rin. Kaya naman pala. “Oo, siya nga si Eyrna Arquino. Iyong contestant sa MUSIKA TANGHALAN,” malakas ang boses na patotoo ng isa. Binilisan na ni Eyrna ang lakad nang magbulungan at naglabas na ng mga cellphone ang mga tao. Dineretso na niya iyon nang alis. Ayaw niyang makuhanan siya ng larawan at baka mag-viral pa ang kanyang katangahan. Pinagpaliban na niya ang paghahanap kay Rucia. Babalik na lang siguro siya kapag hindi na siya minamalas. Saglit lang ay nasa labas na siya ng mall. She gasped softly. Dahil sa katangahan niya ay muntik na niyang masira ang pangalan niya bilang magaling na singer. Kaloka. “Ang bilis mo naman?” nagtakang puna sa kanya ni Emmil nang makabalik siya sa bahay. Ang inakala niyang naghihilik na na kanyang kapatid ay hindi pa pala dahil naglalaro pa ito sa cellphone nito. “Bakit gising ka pa? Hindi ka ba inaantok?” pag-iiba niya ng usapan. “Hindi pa ako makatulog,” anito na hindi siya tinitingnan. Tutok na tutok ang mga mata sa nilalaro. Hinayaan na niya. Kahit naman sabihin niyang matulog na ito at napuyat sila kagabi ay hindi naman siya susundin. Isa si Emmil sa kabataang adik na adik sa mga laro online. Tahimik na tinungo niya ang kanyang masikip na silid. Nagbihis at sinubukang matulog. Ngunit dahil ukupado pa rin sa nangyaring pagkadunggol ng kanyang ulo sa junior ni Mr. Ziegler ay ni pumikit ay hindi niya nagawa. Nakipagtitigan siya sa kisame. Kahit nasa loob na siya ng kanyang inuupahang tahanan at milya-milya na ang kanyang layo, pakiramdam niya’y naroon pa rin siya sa mall. Tila ba ay paulit-ulit na nangyayari ang nangyari kaya naman panay ang blush niya. In fairness, mukhang malaki, ano? asar niya pa dahil tukso sa kanya ng isang bahagi ng kanyang utak. “Aisssttt!” Inis na itinaklob niya ang kumot sa katawan hanggang sa kanyang ulo. Matagal na ganoon ang kanyang ayos. The sound of her cellphone wafted into her awareness. Padabog niyang ibinaba ang kumot. Pairap na tiningnan niya ang kanyang bag kung saan naroon ang cellphone niya nang walang balak yatang tumigil kaka-ring. Bumuntong-hininga siya’t salubong ang mga kilay na inabot. “Eyrna?” hindi pa man siya nakakapag-hello ay boses na ng babae sa kabilang linya. “Sino ‘to?” mangha niyang tanong. “Sheb, ako ito.” Awtomatiko ang pagbilog ng kanyang mga mata kasabay nang pagbalikwas niya ng bangon. “Rucia?” May tila umagaw o kumuha sa cellphone ng kanyang kaibigan. “I’ve found her.” At si Ryver pala. Tila ay may nawalang mabigat sa kanyang dibdib. Nangilid ang kanyang mga luha. “Mabuti naman,” saka napakahinang naibulalas niya. “Bakit nagkagano’n si Jella?” boses na ulit ni Rucia sa kabilang linya. “Hindi ko alam. Kasasabi nga kanina lang sa akin ni Ryver.” “Kawawa naman ang bruhang iyon.” “Pupuntahan mo siya?” “Ang sabi ko kay Ryver ay bukas. Bukas pa kasi ang balik ni Aman mula Africa.” “Sama ako,” napakabilis niyang sabi. Napansin niya ang nabanggit ni Rucia na pangalan, pinili lang niya na ‘wag munang usisahin kung sino ba si Aman sa buhay nito. Hindi bale’t magkikita na sila bukas. “Sige. Dadaanan kita. Diyan ka rin ba sa bahay mo?” “Oo.” “Sige.” Ang ngiti niya’y umabot sa kanyang tainga. Sa kabila nang pinagdadaanan ngayon ni Jella ay sobrang natutuwa siya dahil magkikita-kita ulit silang tatlo. Kung hindi siya nagkakamali ay mahigit dalawang taon na ang lumipas nang huling nakita niya si Rucia. Iyon ‘yung nag-resign sa bar ang bruha. Iniwanan sila sa bar. Pagkatapos niyon ay hindi na sila nagkita. Si Jella noon ang nakakita kay Rucia sa mall na pinuntahan niya kanina. “Eh, ikaw kumusta ka?” tanong pa ni Rucia. “Napapanood kita sa TV. Proud na proud ako sa ’yo. Masaya ako na natupad mo ang pangarap mo. Ang galing mo.” Kinilig siya sa pupuring iyon sa kanya ng kaibigan. “Hindi naman.” “Pa-humble ka pang bruha ka.” Parehas silang natawa. “Sana manalo ka,” sabi ulit ni Rucia. “Ang totoo, tapos na ang contest.” “Pero hindi pa sa TV.” Bumakas sa tinig ni Rucia ang pagtataka. “Ganoon talaga. Nahuhuli sa TV.” “Talaga?” “Oo, at first runner up lang ako. Si Yannah ang nanalo.” “Gaga, bakit mo nilalang. Aba’y panalo ka pa rin. Congratulations, sheb!” patili na bati sa kanya ni Rucia. Nagtatawa siya. “Salamat, pero huwag kang maingay r’yan. Bawal pa ipagsabi ang nanalo sa amin hangga’t hindi pa naipapalabas TV.” “Sige, sige.” Marami pa silang napag-usapan na magkaibigan bago sila nagpaalam sa isa’t isa. Sa susunod na araw, kapag nagkita sila ay napagkasunduhan nila na saka nila itutuloy ulit ang kumustahan at kuwentuhan—kapag kasama na nila pati si Jella. Natulog na siyang may ngiti sa labi. Nakalimutan na niya ang nakakahiyang nangyari sa mall kanina. Kinalimutan na rin niya ang guwapong si Mr. Ziegler. Kahit naman isipin niya nang isipin ang lalaking iyon ay imposible nang magkurus ulit ang landas nila. Ilang oras nga lang ang naging tulog niya. Nagising siya sa gitna ng malalim na tulog dahil sa muling pag-ring ng kanyang cellphone. “Ate, cellphone mo! May tumatawag!” umabot sa tainga niyang sigaw ni Emmil. Tingin niya ay nasa kabilang silid na ito at natutulog rin pero dahil sa ingay ng kanyang cellphone ay mukhang nagising din. Pupungas-pungas siyang bumangon. Inabot niya agad sa mallit na lamesang nakadikit sa kanyang kama ang cellphone at napanguso siya nang makitang unknown number ang tumatawag. Hindi naka-save sa kanyang phonebook. “Hello po?” alangan man ay sagot niya. Inisip niya na baka mula sa MUSIKA TANGHALAN ang tawag. Sinabihan silang mga nanalo kagabi ng secretary ng producer ng show na anumang oras ay puwede silang tawagan kapag magkaroon sila ng project, guesting, at iba pa. “Is this Eyrna?” paniniguro ng lalaki na pinilipit maging babae ang boses. “Ako nga po ito? Sino po sila?” “Oh, hi, Eyrna. This is Miss Erika. Naalala mo pa ba ako?” Napadilat ang kanyang mga mata sa narinig. Nakikilala na niya ang kausap. Ang baklang Erika pala na manager. “Ay, sorry po, Mommy... este Miss Erika. Ikaw po pala iyan.” “It’s okay. Anyway, are you free for tonight?” “Bakit po?” “Gusto ko sanang mamayang gabi na tayo magkita para pag-usapan ang bagay-bagay about sa mangyayari sa career mo. Okay lang ba sa ‘yo?” “Oo naman po,” tugon niya agad. Napa-yes siya ng walang boses sa sobrang kasiyahan. “Very good. Ganyan ang gusto ko na talent. Hindi mahirap kausap.” Napakagat siya ng kanyang labi at napapikit sa kilig. Wari ba’y ang crush niya ang kanyang kausap sa mga sandaling iyon. “So, see you na lang mamayang gabi? Ime-message ko sa ’yo ang location ng lugar kung saan tayo magkikita.” “O-opo, Miss Erika.” “Thank you.” Pagkasabi niyon ng baklang manager ay pinatay na ang tawag. “Yes!” Siya naman ay nagsayaw-sayaw sa sobrang kasiyahan. This is pansit, sisikat na siya. Sisikat na siya! Naniniwala talaga siya na sa pamamagitan ni Miss Erika ay matutupad na niya ang pangarap niya na maging ganap na singer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD