KABANATA 4

2127 Words
***EYRNA*** Alas otso pasado ng gabing iyon ay gumayak na si Eyrna, kahit pa ang sabi sa natanggap niyang mensahe sa kanya ni Miss Erika na meet up nila ay alas nuebe y medya. Sa sobrang excitement niya ay gusto niya agad na magpunta sa meeting place nila. Kating-kati na naman ang kanyang mga kamay na makapirma na ng kontrata. Umaasa talaga siya na mas magiging stable ang kanyang career kapag nasa pangangalaga siya ni Miss Erika. “Saan ka, ‘Te? Papasok ka sa bar?” tanong sa kanya ng kapatid nang lampasan niya ito sa lababo. Tinungo niya ang kanilang lumang ref. Nauhaw siya kaya uminom muna siya. “Hindi. Makikipagkita ako kay Miss Erika,” sagot niya pagkatapos niyang ibaba sa folding table. Maliit lang ang inuupahan niyang bahay. Sing laki lang ng mga kuwarto ng may kaya sa buhay kung kaya lahat ng gamit niya ay kailangang hindi nakakakain ng espasyo. “Tutuloy ka talaga sa baklang ‘yon?” “Sinabi ko naman sa ‘yo na kailangan ko ang tulong niya para mas makilala ako.” “Pero huwag na roon sa bakla. Mabigat talaga ang pakiramdam ko sa kanya, ‘Te. Wala akong tiwala sa kanya. Parang may masamang gagawin.” Ang akma niyang pagtatanggol sana ulit kay Miss Erika ay napigil sa kanyang lalamunan. Ang weird pero naramdaman niya na kumabog ang puso niya. Kabog ng natatakot o ng nag-alala, hindi niya sigurado. “Madami pa namang ibang manager. Sa kanila na lang. Maghintay ka ulit ng offer,” pangungumbinsi pa sa kanya ni Emmil. Nakalabi itong nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya. “Aaalis na ako. I-lock mo maigi ang pinto. Huwag mong bubuksan kapag hindi ako nagsalita. Lagi mong iisipin na wala ka na sa probinysa kaya doble ingat ka, okay?” saka habilin na niya. Sa dami ng sinabi ng kanyang kapatid, hindi nagbago ang kanyang pasya kahit katiting. “Bahala ka na nga,” pagsuko na ng kapatid. Nagkamot ito ng ulo. “Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko. Magtiwala ka sa akin,” assurance niya sa kapatid. Isang magaang tapik sa balikat na may ngiti ang ginawa niya rito bago siya tumalikod at itinuloy ang pag-alis. Pilit na binura niya sa kanyang dibdib ang kabang hindi pangkarinawan sa kanyang pakiramdam. Buong byahe ay inabala niya ang isip sa pag-imagine kung sakaling sisikat pa siya lalo kaysa bigyan iyon ng masamang kahulugan. Normal lang siguro na makaramdam siya ng ganoon dahil tinatakot siya ng kapatid. Pagkababa niya sa taxi nang nakarating siya sa El Padrino Restaurant na kanilang meeting place ni Miss Erika ay tinalunton niya agad ang daan patungong main entrance. Tumatagatok ang heels ng kanyang kulay red na stiletto. Naka-sexy dress siya. Hapit na hapit sa kanyang magandang hubog na katawan pero hindi tulad ng mga kasuotan niya sa bar. Mas desente. Nagmukha siyang kagalang-galang kahit papaano. Luminga-linga siya sa paligid. Hinanap niya sa mga kumakain si Miss Erika kahit na alam niyang siya ang mauuna dahil ang aga niya. “Yes, Ma’am?” untag sa kanya ng nakangiting waiter. May kasamang bahagyang tango. “Uhm, reservation by Miss Erika Mharley?” hindi siguradong tugon niya. Buti na lamang at hindi pumalpak ang kanyang English. Alam niya naman mag-English kahit papaano. Natuto siya sa mga foreigner na parokyano niya sa bar, pero mas madalas nga lang na carabao English ang lumalabas sa kanyang bunganga. “This way, Ma’am.” Iginiya siya ng waiter sa isang table na malayo sa mga ibang customer. Gentleman na ipinaghila rin siya ng mauupuan. Ang ipinagtaka ni Eyrna ay sa taas ng restaurant siya dinala kung saan wala man lang kahit isang tao na kumakain gayong sa ibaba ay halos mapuno na. Gusto niyang itanong pero pinili niyang huwag na lang. Siya rin ang sumagot sa kanyang pagtataka. Malamang ay dahil sikat si Miss Erika. Kahit manager lang ito ay parang celebrity na rin kasi ito dahil kilala rin halos lahat ng tao ito gawa na laging nasa TV at social media. Marami rin ang humihiling na maka-picture ito. “Can I give you anything, Ma’am? Wine? Juice?” “Salamat pero hihintayin ko muna si Miss Erika,” sagot niya. Nakangiting yumukod sa kanya ang waiter bago siya iniwanan. Tahimik siyang naghintay sa pagdating ni Miss Erika nang mapag-isa siya. Nang ma-boring ay tumayo siya’t tinungo ang powder room. Nag-retouch siya ng makeup. Tinayak niyang maayos pa rin ang kanyang hitsura na haharap sa kanyang magiging manager. “Aja!” at sabi niya sa sarili. Ninenerbyos siya kaya kailangan niyang palakasin ang loob. Pagbalik niya sa table na pinareserba ni Miss Erika ay muli siyang natahimik. Kasalanan niya dahil excited siyang masyado. Ang aga-aga niya kaya magtiis siya sa paghihintay. Nang sa wakas, natanawan na niya si Miss Erika. Umaliwas ang kanyang mukha. May kasamang mukhang alalay nito na halatang bading din. Sa wakas dumating din makalipas ng halos isang oras niyang paghihintay. At animo’y may spring ang kanyang kinauupuan na agad nagtulak sa kanyang puwetan upang makatayo agad. “Magandang gabi po, Miss Erika,” halos maghugis star ang mga bilog ng kanyang mga mata na bati niya nang makalapit ang manager. Bumalik ang kanyang excitement. “Kanina ka pa?” tanong naman ni Miss Erika nang hindi tumitingin sa kanya. Umupo agad sa upuan na kanyang katapat at naglabas ng mamahaling klase ng sigarilyo. Sinindihan iyon ng tauhan nito at parang wala siya sa harapan niton hinithit iyon. Ang personal assistant na mukha ring sekretarya nito ay umupo sa di-kalayuan. Wala naman iyon sa kanya. Sanay na siya sa mga mayayaman na kung makahithit ay aakalaing mauubusan na ng sigarilyo at kung makabuga ng usok ay walang pakialam sa ibang tao. Pasalamat niya at sanay siya sa usok sa bar kaya nakangiti pa rin siya kahit ganoon ang inasal ng kanyang kaharap. Hayaan na lang niya’t ganoon din naman siya minsan, kapag kabado siya at stress siya roon sa bar. She also smokes but only when stressed. Nakailang buga ng usok si Miss Erika bago siya tinapunan ng tingin. Pataas-pababa. Alangang ngumiti siya. Ang mga daliri niya ay nagkukuskusan sa kanyang kandungan. Kung may makakakita siguro sa kanya ngayon na mga kakilala niya sa bar ay pagtatawanan at aasarin siya ng bongga-bongga. Mistulang vir*gin na vir*gin kasi ang hitsura niya. Hindi makabasag pinggan. Pak! “Wait lang, ha?” sa wakas ay salita na ni Miss Erika na may ngiti. Naginhawaan siya dahil ngumiti na ito. Nakakatakot kasi ito kapag seryoso. Maliban sa kilala itong magaling na manager ng mga artista ay kilala rin ito sa pagkaistrikto. Gayunman, tulad ng kanyang nasabi ay gustong-gusto pa rin itong maging manager ng mga maraming baguhang artista. “May hinihintay pa kasi tayo. Malapit na raw siya,” dagdag ni Miss Erika. “Sino po?” Tila ay noon lang nag-sink in sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Napakadaming katanungan ang nabuo sa isipan na naman niya. Una na ang kapag ba may contract signing ng talent nito ay dapat may kasama sila? Hindi kaya may kasabay siyang magiging talent nito? Sino kaya? “Makikita mo rin siya and I’m sure matutuwa ka.” Napakunot-noo si Eyrna. Hindi siya sigurado kung ngising malademonyo ba ang nakita niya sa mga labi ng kausap o ngiti lamang. “Kung gutom ka na ay mag-order ka na,” sabi pa ni Miss Erika. Ang mamahaling cellphone naman nito ang kinuha sa pouch nito. May binasa roon habang sosyal ang mga daliri na humithit ng sigarilyo. Puno ng mga makakapal na ginto ang mga daliri nito, nagpapakita kung gaano ito kayaman. “Hindi naman po ako nagugutom, Miss Erika,” sagot niya pero nagmistulang parang bingi si Miss Erika. Ni hindi man lang nag-react. Napapakagat-labing iniiwas niya ang tingin. Pinanood niya ang mga daliri niyang patuloy sa pagkikiskisan sa kanyang kandungan. Umabot ng ilang minuto ang katahimikan. Patingin-tingin na siya sa baklang kaharap. Nagtataka na talaga siya. Hindi ba’t siya at ito lang naman ang magtatagpo ngayon? Bakit may hinihintay pa sila? Kung nag-uusap na sila kanina pa ay baka nagpipirmahan na sila. “Baka matagalan pa siya dahil traffic daw. Baka magutom ka?” Madaming iling ang kanyang ginawa. “Ayos lang po ako.” Isang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Miss Erika. Hindi na nagpumilit pa kaya binalot na naman sila ng katahimikan. Tulad kanina ay tumutok ulit si Miss Erika sa hawak na cellphone. Siya naman’y balik sa hindi alam na ikikilos. Titingin siya sa kanyang kanan tapos ay sa kanyang kaliwa na parang shunga. May moment din na napapahimas siya sa kanyang leeg habang pasimpleng sumusulyap kay Miss Erika. Lihim siyang napapangiwi dahil mukhang walang balak talagang ituloy ang kanilang sadya na pag-usapan kapag hindi sisipot ang sinabi nitong hinihintay nila. “Oh, she’s here,” mayamaya ay anunsyo na ni Miss Erika. Nagngitian sila. “Buti naman,” sa loob-loob niya. Wala sa loob na napaismid siya nang tumingin sa likod si Miss Erika. She even rolled her eyes, pero inayos din naman niya agad ang mukha. Mabuti na lamang at sanay na siyang makipaglastikan sa bar. Naiinis na siya dahil kung pelikula na sana ang pinuntahan niya na inakala niyang siya ang bida ay isang malaking pagkakamali pala. May iba pa pala. “Mommy Erika,” boses na ng babaeng hihintay nila. “Darling,” salubong naman ng bakla. Tumayo ito’t sinalubong ng beso ang bagong dating. Napatayo rin siya. Sobrang dahan-dahan nga lang dahil hindi sumagi sa isip niya na ang nakikita niya ay ito ang kanilang hinihintay. Literal na nalaglag ang kanyang panga. Bumakas sa kanyang mukha ang labis na hindi pagkapaniwala na si Lailey Salvador pala ang kanilang hinihintay. Oo si Miss Lailey! Ang kanyang idol! “Sorry, I’m late,” paghingi ng despensa ni Lailey ngunit napakaseryoso ang mukha. Wari ba’y labas sa ilong ang pagso-sorry. Ikinanoot ng noo iyon ni Eyrna, pero sa huli ay inisip na lang niya na baka napagod dahil sa traffic kaya walang mood. “Hindi mo kailangang mag-sorry. Kadarating lang namin,” ani Miss Erika. Kung hindi lang si Lailey ang dumating ay baka nataasan na niya ng kilay ang bakla. Kadarating lang daw? Eh, di wow. “Have a seat.” Animo’y nagbalik sa pagiging lalaki si Miss Erika. Walang arte na ipinaghila nito si Lailey ng isang upuan. Kitang-kita ang pagkagiliw talaga nito sa pinakasikat nitong talent. “Nasabi mo na?” walang emosyon na tanong ng singer at actress na rin nang makaupo. Paminsan-minsan ay napapanood niya ito sa mga palabas sa TV. Unti-unti ay sumasabak na rin ito sa acting-an. “Magandang gabi po, Miss Lailey. Idol na idol po kita,” sabad na niya. Hindi na niya mapigilan na mag-fan girl. Oo nga’t nakikita niya noon si Lailey roon sa MUSIKA TANGHALAN, ang kaso ay hindi naman niya nakakausap. Hindi rin niya nakikita ng ganoong kalapit ang napakakinis at napakaganda nitong mukha dahil papasok agad ito sa dressing room nito kapag tapos na hosting nito o kapag tapos na ang palabas nila. Napakailap nito. Konting smile lang ito sa kanila na mga contestant, saglit na picture-picture, tapos ay wala na. Gayunman ay hindi nakabawas iyon sa kanyang paghanga dahil nauunawaan naman niya na nakakapagod din ang trabaho nito. Kaliwa’t kanan ang engagement nito sa pagkanta kaya normal lang na saglit lang kung makikihalubilo. “Lailey, siya si Eyrna ang sinasabi ko sa ‘yo,” untag ni Miss Erika kay Lailey nang parang walang narinig. Noon lang tinapunan siya nito ng tingin. “Ikinagagalak ko pong makita ka ulit ng personal, Miss Lailey.” Isang puno ng paggalang ang kanyang ginawa bilang pagbating muli sa kanyang idol. Sa halip na batiin din siya o ano pa man ay prenteng sumandal ito sa kinauupuan at humalukipkip. Kung kanina ay parang hindi siya nakikita, ngayon naman ay parang minamaliit siya sa klase ng tingin nito sa kanya. Pataas-pababa. Ang ngiti ni Eyrna ay dahan-dahang napawi habang siya ay paupo. Labis ang pagtataka niya na nakatitig sa mukha ni Lailey. May problema ba o nagkamali siya ng pagkakilala rito? “What?” bigla ay pagtatray na ni Lailey sa kanya. “Ang ayaw ko sa lahat ay tinititigan ako.” Sa kabiglaan ay nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang mga labi niya. She was shock and speechless for a moment. “Hindi ba sabi ko pagsabihan mo siya’t turuan kapag kaharap niya ako?” mataray na rin na baling ni Lailey kay Miss Erika. “Sinabihan ko na pero baka na-starstruck lang sa ‘yo,” pagdadahilan naman ng bakla. “Hoy, ikaw? Ngayon ka lang ba nakakita ng artista, ah? Pinapahiya mo ako, eh! Aissst!” Lalong hindi makapaniwala si Eryna. Umawang na talaga ang mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD