***EYRNA*** “Eyrna!” “Ay palakang baog!” Napaigtad si Eyrna sa panggugulat ni Darion. Muntik niya pang mabitawan ang hawak na tasa ng kape at kamoteng dalawang piraso pero malalaki. Nagtatawa ang lalaki. “May palaka palang baog?” “Nagulat naman ako sa ‘yo,” angil niya. Paano’y paglabas na paglabas niya sa kanyang kubol ay bumungad ito bigla. “Sorry, sorry, hindi ko sinasadya na magulat ka. Sobrang excited kasi akong makita ka.” Animo’y inosente sa lahat ng bagay na nagkamot sa batok si Darion. Iyong parang walang kamuwang-muwang pero eksperto naman pala sa pagpapaligaya ng babae. And take note sa may taas ng bundok pa, sa may mga bato, hindi sa kama. Yay! She groaned. Napapangiwi talaga siya kapag naiisip niya ang nangyari sa kanila kanina lamang. Ang rupok niya grabe! “Bakit ba?