***LAILEY*** Tuliro na si Lailey. Wala na siyang nababasa sa social media kundi ang issue ng pagkakaroon niya ng ghost singer. Kanina pa. Tapos ngayon ay meron na rin sa news and sa tabloids. “Mga tsismosa!” gigil na gigil niyang pinatay ang TV. At kulang na lang ay ibato niya roon ang remote. Buti na lang nakapagtimpi siya. Sinabihan na siya ni Mommy Erika niya na huwag munang manonood at mag-internet. Aayusin naman daw nito agad ang problema kaya huwag daw siyang mag-alala. Ang kaso ay hindi pa rin niya mapigilan. Ginusto pa rin niyang malaman kung hanggang saan na ang issue na nag-umpisa kahapon pa. Kung maayos na ba, ngunit lalo namang lumala pala. Tuloy ay hindi na niya makontrol ang galit. “Kasalanan lahat ito ng Eyrna na iyon!” tumataas-baba ang dibdib niya na sabi habang n