Chapter 3

1936 Words
The Forbidden Fruit Chapter 3 Next day… “RUNNNNNN!!!” I heard that woman scream. Bigla akong napabukas ng mga mata. Saka ako hinihingal at pinagpapawisan na biglang napabangon sa kama ko. Teka… Ano yun? Ano yung napanaginipan ko? At bakit…sa sobrang lakas ng pagsigaw ng babaing yun ay pakiramdam ko…ay parang hindi sya panaginip? I tried to calm myself. Saka ako napalingon sa paligid ko. Wala na si Demon. Gising na siguro sya at lumabas na ng kwarto. Tumayo nalang ako mula sa kama ko at naglakad papunta sa banyo na nasa loob ng kwarto ko. Tama, masamang panaginip lang yun. Mawawala din yun pag naghilamos na ako. Naghilamos nalang ako at nag-toothbrush saka lumabas ng banyo. Napatingin ako sa orasan. At… “KKKKKKKKKKKKYYYYYYYAAAAAAAAAAHHHH!!!” ang naitili ko. Oo! LATE NA AKO! LATE NA AKO SA FIRST CLASS KO! ALAS SYETE YUN PERO ALAS OTSO NA NGAYON! Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Wala na. Wala ng pag-asang makahabol ako sa first subject ko sa umaga. Pero teka…BAKIT WALA MAN LANG NAGMAGANDANG LOOB NA GUMISING SA AKIN?! Pamartsa akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. At magwawala na sana pero… *sssszzzzzztttt…* Ang tunog ng pinipritong ulam sa kusina. At napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang shirtless na si Demon na ngayon ay nagpi-prito doon ng ulam. Napalingon naman sya sa akin at… At… MAHABAGING DIYOS! ANG ABS! ANG ABS! SIX PACK!!! ANIM NA PANDESAL! HINDI KO ATA KAKAYANIN ‘TO!!! He smiled and I almost faint. “Good morning” I gulp. JANE! MAGHUNOS-DILI KA! KE-AGA-AGA PALANG PERO PINAGNANASAHAN MO NA ANG KATAWAN NG BOYFRIEND MO! WAG IPABABAW ANG HORMONES! SHOO HORMONES! SHOOO!!! Buti nalang talaga at hindi na nya nababasa ang iniisip ko dahil nakakahiya ang mga pinag-iisip ko! Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. “G-good morning…” “Sit down. I’ll get this ready for you…” ang sabi nya saka ibinalik ang mga mata sa niluluto nya. Agad naman akong naupo at nanginginig na kumuha ng baso at binuhusan yun ng tubig galing sa pitcher. Saka mabilis na nilagok yun. Pero dahil sa sobrang pagmamadali ko ay bigla akong nabulunan. Agad naman syang napalingon sa akin at lumitaw na naman ang half-naked na katawan nya na iyon and I almost gasped for air. OXYGEN! I NEED OXYGEN!!! “Are you okay?” he asked looking so worried. “O-okay lang ako” ang sabi ko at iniiwasan kong tignan sya dahil feeling ko ay nasusunog ang mga pisngi ko ngayon. “Oh, just wait for a little bit. It’ll only take few minutes” he said then smiled. “O-okay!” ang nakangiti ko ng alanganin na sagot. Pero agad din akong napalingon sa paligid. “Teka, nasaan sila?” ang tanong ko. “Mom has to go to work while Hildegarde and Cedric went to school” ang sabi nya habang nakatingin parin s a piniprito nya. Tama. Classmate ko si Hildegarde ngayon pero bakit hindi nya ako ginising? GRRRR…! TRAYDOR TALAGA ANG SADISTANG MAID NA YUN! TRAYYYYDDDDOOOOORRR…! Nag-aaral din si Cedric at sa tingin ko ay Civil Engineering ang kinuha nya this sem. Si Ms. Suzanne naman ay nagtatrabaho bilang doctor sa isang Public Hospital sa lugar namin. Samantalang si Demon naman ay sa pagkakatanda ko ay mamayang alas dyes pa ang klase dahil irregular student sya. Late na kasi sya nag-enroll kaya ganun. May mga subjects kaming dalawa na hindi kami magkaklase. Napahinga nalang ako ng malalim at napatingin sa pandesal na nasa mesa. Absentmindedly ko nalang pinulot yun at kinain. And then… Lumingon naman sa akin ang half naked na si Demon saka nya inilapag sa harapan ko ang ini-prito nyang isda. Samantalang naninigas naman akong nakatitig sa anim na pandesal na yun! “Is it delicious?” ang tanong nya sa akin. “Huh?” “The pandesal, is it delicious?” ang tanong nya uli. “Yes…it’s DELICIOUS…” ang absentminded kong sabi habang nakatitig sa abs nya at ngumunguya parin ng pandesal. Pero…CHEH! JANE! ANO BANG PINAGSASABI MO HA?! MAGHUNOS DILI KA! BAKIT MO NASABING DELICIOUS ANG ANIM NA PANDESAL NA YUN?! “Are you okay?” ang tanong nya habang nakatingin sa akin. Agad naman akong napatingin sa kanya. “Eh?” “You’re face is turning red…” he said looking worried. EEEEKKKK!! NAPANSIN NYA KAYANG PINAGNANASAAN KO ANG ABS NYA?! Pero agad akong nag-iwas ng tingin. “Ah Demon…hindi ka ba nilalamig ha?” ang tanong ko looking away. “…alam mo, libre lang magsuot ng damit pag may time” Oo nga, bakit ba sya nakahubad in the first place? May balak ba talaga syang i-seduce ako? KASI KUNG OO, ABA’Y MATINDI! NA-SEDUCE NYA TALAGA AKO! Parang naka-realize naman syang napatingin sa sarili nya. At agad kong nakita ang pamumula ng mukha nya saka sya dali-daling tumalikod. “I-I’m sorry. I forgot to put on my clothes” ang sabi nya saka nagsuot na ng shirt. Huh? Nakalimutan nyang magsuot ng damit? Si Demon? Nagiging ulyanin? Parang ang weird naman ata nun. *************** “I’ll fetch you later” ang sabi nya sa akin nang maihatid nya ako sa classroom. Sabay na kasi kaming pumasok sa school dahil pareho din kami ng oras ng klase. Napangiti naman ako. “Okay!” He smiled too then pats my head. And his beautiful gray eyes looked intently to me. “Be a good girl okay?” ang nakangiting sabi nya. I smiled too. “Ikaw din ha. Be a good boy. Wag mang-chicks, okay?” He smirk. “And now you’re thinking that I’ll look for another woman, aren’t you?” “Hindi naman. Naninigurado lang. Pogi ka pa naman kasi eh” ang sabi ko. At habang nag-uusap kami ngayon ay nasisilip ko na sa dulo ng mga mata ko ang mga babaing halos mag-drool na dahil sa nakikita nilang gwapong nilalang na nakatayo sa harapan ko. “Kyyyaaaaaahhhh…!” ang tilian pa ng mga malalanding babaing dumaan sa classroom namin na nakakita sa kanya. Pero nanatili lang na nakatitig sa mukha ko ang gwapong lalaking yun then he smiled. “You know I will never do that” he said. “Eh?” “I’ll never look for another woman because I have you now” ang sabi nya. Kahit na simple lang ang pagkakasabi nya nun at parang wala lang yun sa kanya ay hindi ko parin mapigilang kiligin. GRABE DIN MAKABANAT ANG EX-VAMPIRE NA ‘TO AH! “O sige na, may klase ka pa diba?” ang sabi ko nalang para makalma ang sarili ko. “Okay, I’ll go now” ang sabi nya lang saka tumalikod pero bago sya umalis ay lumingon sya uli sa akin at nakangiting nagsalita. “You know you’re so pretty in that jeans” Yun lang saka sya umalis. Samantalang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Did he just…said…that…I’m pretty with this jeans? KYYYAAAAAAAAAAAHHHH!!! “Naku best, nagjo-joke lang yun. Naniwala ka din” ang biglang sulpot ng kontrabidang boses na yun. Nilingon ko naman sya at… Si Carlie. Sino pa nga ba ang kontrabida sa kwentong ito? “Teka, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko. At tama bang sirain nya ang kilig moment ko? She smiled sweetly at bakit kinakabahan ako sa ngiti nyang iyon? “Best, love mo ako diba? PAHIRAM NG CALCULATOR!” Sinasabi ko na nga ba. May kailangan lang sya kaya napadpad sya dito. Tourism kasi ang course nya at ang alam ko ay sa kabilang classroom ang klase nya ngayon. “Nanghihiram ka ng calculator pero sinira mo ang kilig moment ko kanina?” She smiled. “Eh kasi totoo naman talaga ah! Hindi ka naman talaga gumanda sa jeans na yan. Anong tingin mo sa jeans na yan? SALON? At gumaganda ka pag suot mo yan? Binibiro ka lang ni Demon noh. I’m just stating a fact here! Duh?” I gritted my teeth. “Wow thank you best ha. NAPAKABUTI MONG KAIBIGAN. PARANG GUSTO TULOY KITANG BIGYAN NG AWARD AS THE BEST FRIEND EVER!” Tumawa naman sya gamit ang evil laugh na yun pero tumigil din at sumiryoso ang mukha. “Hindi best, ang totoo nyan, gumanda ka talaga sa jeans na yan” she said. Natuwa naman ako. “Talaga?” “Pero…JOKE LANG! BWAHAHAHAHAHAHA!” Pigilan nyo ako. Pigilan nyo ako at konting-konti nalang talaga at hahambalusin ko na ang bruhang ito. “Oh! Itong calculator! LUMAYAS KA NA BAGO PA KITA MASAPAK!” ang sigaw ko saka ibinigay sa kanya ang calculator. Tumatawa naman nyang kinuha yun. “BWAHAHAHA! THANK YOU BEST! LOVE TALAGA KITA!” “Oo nga” I said bitterly. “HALATA NGANG SOBRANG MAHAL MO AKO. HALATANG-HALATA!” “Asuz..ito naman---“ Pero hindi nya naipagpatuloy ang sasabihin nang biglang magtilian ang mga babaing nasa hallway rin na yun. “KKKKKKKYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!” Sabay naman kaming napalingon ni Carlie at nakita kong pinagtitilian nila ang gwapong lalaking yun na mag-isang naglalakad sa gitna ng hallway. He has black hair and pairs of emotionless deep blue eyes. At nakita ko din na may suot syang itim na hikaw sa kanang tenga nya na nagpadagdag sa gwapo nyang mukha. Wow. Foreigner kaya sya at ganun ang mga mata nya? “Best…” ang kinikilig naman na sabi ng katabi ko. “Ang gwapo nya noh…?” Hindi nalang ako nagsalita dahil mas gwapo parin para sa akin ang gray-eyed boyfriend ko! BWAHAHAHAHAHA! Pero napalunok ako nang bigla nalang ay napatingin sa akin ang mga asul na mga matang iyon. Huh? Bakit nya ako tinitignan? At hindi ko alam pero…nang magtama ang mga mata namin ay bigla nalang…nalungkot ang mga mata nya… Yun lang saka sya tumingin uli sa daanan at nilampasan kaming dalawa ni Carlie habang nagtitilian parin ang mga babaing nakakakita sa kanya. Eh? What was that? Kinuwit ko naman ang bruhang kinikilig paring nakatingin sa blue-eyed guy na yun. “Best, sino yun? Kilala mo?” ang tanong ko. Oo nga. Kasi parang ngayon ko lang sya nakita. “Sya si Sky Morgan ang bagong transferee na classmate ko” ang kinikilig pa nyang sabi. Nagtaka naman ako. “Sky? Sky as in langit?” ang confused kong tanong. Napalingon naman sya sa akin. “Hindi, Sky as in lupa best. Kasi Sky na ang bagong english ng lupa ngayon. Nakita ko sa revised dictionary of HALATA BOOKS. Nakita ko nga na Earth narin ang bagong english ng langit ngayon eh” This time ay nabatukan ko na sya. “Alam mo kanina ka pa eh! Gusto mo pa ng isa?” Tumawa naman sya ng hilaw habang hawak ang ulo. “Ahahahaha! Hindi na best! Masaya na ako sa isa! Sige, dyan ka na! At magpapacute pa ako sa bagong gwapong classmate namin! BWAHAHAHAHA!” Yun lang saka sya tumakbo paalis. Bwiset. Napahinga nalang ako ng malalim. Pero natigilan din ako nang maalala ang ekpresyon sa mukha ng blue-eyed guy na yun nang magkita kami. Bakit kaya…bigla nalang nalungkot ang emotionless eyes nya nang makita ako? But then I sigh. Hmp. Baka guni-guni ko lang yun. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD