The Forbidden Fruit
Chapter 4
Nang matapos ang last subject namin sa hapung iyon ay excited akong lumabas ng classroom. Alam ko kasi na naghihintay na sa labas si Demon.
Nang lumabas ako ay agad kong nakita ang gwapong lalaking iyon na pinapalibutan na naman ng mga babaing iyon.
“Darius, nag-bake ako ng cake para sa’yo”
“Darius, pwede ba mahingi ang number mo?”
“Ang gwapo-gwapo mo pala pag malapitan noh?”
“Teka, may girlfriend ka na ba ha? Pwedeng ako nalang ang girlfriend mo?”
Wow ate ha. At ikaw pa ngayon ang magpo-propose sa boyfriend ko?
Pero agad na nagtaas ng mukha si Demon at nang makita nya ako ay nakita ko ang unti-unting pag-guhit ng ngiti sa labi nya.
Ngumiti din ako ng alanganin.
Saka sya umalis sa nakakumpol na mga babaing yun at naglakad papunta sa akin. Nakita ko pang napanganga ang mga babaing yun. BWAHAHAHAHA.
“Wait, sino sya?” ang tanong ng isa.
“Oo nga, bakit sya nilapitan ni Darius my loves?”
“Baka naman yaya nya or something at may iuutos lang sya”
Yaya?
Mukha ba talaga akong yaya ha?
“What are you thinking?” ang biglang sabi naman ng kaharap ko.
Oo, hindi ko namalayan na nakatayo na pala sya sa harapan ko.
Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. “Ah…wala naman.”
Pero nakita ko ang pag-iba bigla ng ekspresyon ng mukha nya.
“This is really frustrating” ang sabi nya habang nakatingin sa ibang direksyon.
“Eh? Frustrating? Ang ano?”
Then his gray eyes looked at me.
“This is really frustrating not to know what you’re thinking” he said.
Napangiti ako. “Naku, okay lang yan. Wala naman akong itinatago sayo sa isipan ko eh”
At mas mabuting wag mo ng mabasa ang iniisip ko dahil nakakahiya ang mga bagay na minsan ay iniisip ko. NAKAKAHIYA TALAGA. PROMISE.
Napatitig lang sya sa akin then he sigh.
“Well then…” then he pats my head.
At narinig ko naman ang bulungan ng mga babaing yun.
“OMG, hinawakan sya sa ulo ni Darius…!”
“OO nga! Sana ulo ko nalang yan! Darius, hawakan mo rin ang ulo ko please??”
“Wait girls, baka tinitignan lang ni Darius kung may kuto ba sya or dandruff. Don’t overreact. Geez”
At bakit kailangan pa nilang mag-chismisan sa tabi ko ha?
Hindi ba nila alam na dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila?
“…I trust you that you’re really not thinking something weird about me” ang patuloy sa sinasabi ni Demon.
Natigilan naman ako doon at napatawa ng hilaw.
“W-weird? Ahahahaha! Bakit naman kita pag-iisipan ng weird? Ako? Pag-iisipan ka ng weird. Psh! NEVER!” ang tumatawa ko pang sabi.
WAAAAAAHHHH!! KUNG ALAM MO LANG DEMON! PINAG-IISIPAN KITA NG WEIRD SA TUWING NAKIKITA KO ANG ABS MO!
At bakit parang nakaka-guilty naman ata yun?
Pero…
“Why do I always get this feeling that you’re really thinking something weird about me?” si Demon.
I gulped. Wait, napapansin nya kaya yun?
“Ah wala noh! Hindi kita pag-iisipan ng kahit ano!” ang deny ko naman.
Samantalang nanatili lang syang nakatitig sa akin.
WAAHHH!! MANIWALA KA PLEASE! MANIWALA KA NALANG!
But then he sigh.
“Okay…” he said then smiled. “Afterall, I really trust you”
Okay. Kung nakakapatay lang ang guilt ay malamang ay patay na ako ngayon.
“AH…hahahahaha! Oo naman noh! YOU CAN TRUST ME!” ang sabi ko naman.
His beautiful gray eyes looked at me.
“Well then…” he said then smiled.
Wait, nagi-guilty talaga ko…!
“Hildegarde” ang biglang tawag nya.
Eh?
“Yes master” ang biglang sulpot naman ni Hildegarde sa likod ko.
O kanina pa ba sya nakatayo sa likod ko pero ngayon ko lang napansin?
Nilingon naman sya ni Demon. “Go home with her”
Nabigla naman ako. “Ha? Hindi tayo sabay uuwi ngayon?”
He looked at me. “I have a basketball practice today. I’m sorry…”
Nag-pout naman ako.
Hindi ko sya makakasabay ngayon sa pag-uwi?
“Jane…” he mumbled my name.
Napatingin naman ako sa kanya.
Hays, ano pa nga ba?
“Okay!” I smiled. “Galingan mo sa pagpa-practice ha!”
He smiled too and pats my head. At narinig ko naman ang pag-gasp ng mga babaing yun.Teka, hindi pa pala sila nakakaalis doon?
“Please be safe on your way home…” he said and I saw some emotion flicker in his eyes.
I smiled. “Wag kang mag-alala, kasama ko naman si Hildegarde eh”
He sigh and smiled.
“Okay, I think I need to go now.” He said.
“Okay, bye!”
Yun lang saka sya tumalikod pero parang may naalala pa syang sabihin then lumingon uli sa akin.
He smiled and I almost gasp for air.
Grabe, ang gwapo nya talaga.
“See you later, love” he said saka sya tumalikod at naglakad paalis.
Samantalang para naman akong naninigas sa kinatatayuan ko.
Hindi ako maka-move on sa ngiti nya sa akin.
“My lady…” I heard that voice.
Napalingon naman ako and I came face to face with that sadist maid.
“Let’s go home, my lady”
EEEEEEEEEEEEEEKKKKK!!
“O-okay…”
WAAAHHH!! DEMON! BAKIT MO AKO INIWAN SA SADISTANG MAID MO??!
“Best!” ang sulpot naman ng boses na yun.
Napalingon naman ako.
At nakitang si Carlie yun.
“Sabay na tayong umuwi!” ang sabi nya.
OH GREAT! Ang sadistang maid at ang baliw kong bestfriend ang makakasabay ko sa pag-uwi! UWAAAAAAAHHH!! DEMOOOOONN!! BUMALIK KA NALANG DITO PLEASE??!
*******************
Bakit feeling ko ay ang bigat-bigat sa pakiramdam na makasabay ang dalawang ito?
Nasa labas na pala kami ngayon ng campus at naglalakad na sa daanan.
“Alam mo best, may mangyayari palang Exodus Centennial Meeting sa isang araw” ang sabi ni Carlie habang naglalakad kami.
Napatingin naman ako sa kanya.
“Exodus Centennial Meeting?” ang ulit ko.
“Oo, ang meeting na ginaganap ng mga Exodus every 100 years. At sabi ni Ms. Suzanne, pupunta daw ang lahat ng members galing sa iba’t ibang bansa”
“Eh? May ganun pala kayo?” ang tanong ko.
“Oo. Ngayon ko nga lang narinig yun kasi bagong member lang ako” ang sabi nya.
Centenial meeting? At every one hundred years? Kung ganun…mga matatanda din ang dadalo doon? Pero teka lang…
“Best, may itatanong lang ako sayo” ang lingon ko sa kanya.
“YESSS???”
“Ano…kung kasali ka na sa Exodus…eh diba…immortals ang lahat ng members? So? Immortal ka na rin?” ang tanong ko.
She gave me that playful grin. “OO NAMAN BEST! IMMORTAL NA AKO!”
HUUUWAAATTT???!
“Atsaka isa yun sa mga regalo ng Exodus pag naging member ka nila. Ang immortality” she said.
Samantalang hindi naman ako makapaniwalang napanganga.
“S-so…i-immortal ka?” halos hindi na ako makapagsalita sa shock.
Akalain mo yun? Ang bestfriend ko since birth ay isang…immortal na?!
Pinalo naman nya ang braso ko. “Oo best! AYAW MO NUN? HABANG BUHAY NANG MAY MANG-AASAR SAYO? BWAHAHAHAHAHA!”
Oo. Ba’t ang saya-saya nya sa katotohanan na yun?
“Atsaka, pag tumanda ka na best, wag kang mag-alala…” saka nya ako hinawakan sa magkabilang braso at madramang nagsalita. “…ako ang magtutulak ng wheelchair mo at bibisitahin nalang kita sa HOME FOR THE AGED! BWAHAHAHAHAHA!”
Bwiset.
“My lady, don’t worry” ang biglang sabi naman ng kanina pang tahimik na si Hildegarde sa tabi ko. “I will also be there to look after you when you get old”
At hindi ko alam pero…
After nilang sabihin na nasa tabi ko parin sila hanggang sa pagtanda ay parang gusto ko nalang mawala ng maaga!
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang matandang babaing pulubi na iyon na nakaupo sa tabi ng kalsada.
“Wait lang ha” ang sabi ko saka kumuha ng coins sa bulsa ko at lumapit sa kanya at naghulog ng coins sa lata na nasa harapan nya.
“Salamat---” pero hindi nya naipagpatuloy ang sasabihin nang makita ako.
At nabigla pa ako nang bigla sya napaatras at nanlalaki ang mga mata nyang itinuro ako.
“ISA KANG SUMPA!” ang biglang sigaw nya.
Natigilan naman ako sa kinatatayuan ko.
“LAYUAN MO AKO! ISA KANG SUMPA! LUMAYO KA SA AKIN! MAAWA KA!” ang sigaw nya at nagsimulang umiyak.
“Lola---” lalapitan ko sana sya pero…
“LUMAYO KA SA AKIN!” ang umiiyak nyang sigaw.
Saka sya nagmamadaling tumakbo papalayo sa amin.
Samantalang naiwan naman akong natitigilan at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
What…just…happened?
At bakit nya ako tinawag na sumpa?
“Lola! Naiwan nyo ang lata nyo!” ang sigaw naman ni Carlie sa tabi ko. “Akin nalang ‘tong coins nyo ha! Ilang araw na baon ko pa ‘to”
Pero hindi parin ako makagalaw.
Pakiramdam ko ay nanlamig ako sa mga sinabi ng matandang iyon.
“Best” ang pukaw sa akin ni Carlie.
Napalingon naman ako.
“Anong ginawa mo dun sa matanda best?” ang tanong nya. “Mukha ka bang kasumpa-sumpa kaya natakot yung matanda sayo?”
“Sapak? Gusto mo best?” ang tanong ko saka itinaas ang kamao ko.
Napatawa naman sya ng hilaw. “Hahahahaha! Hindi na best! Masaya na ako sa sapak na natanggap ko kaninang umaga sayo”
Hays, baka naman baliw ang matandang iyon kaya kung anu-ano ang pinagsasabi sa akin kanina.
*sigh*
“Tara na nga, umuwi nalang tayo” ang nasabi ko nalang.
“Okay!” Si Carlie.
“Yes, my lady” ang sabi naman ni Hildegarde.
Saka kami nagsimulang maglakad uli.
Pero biglang nalang tumigil sa paglalakad si Hildegarde at mabilis na napalingon sa lugar kung saan tumakbo ang matandang babae kanina.
Nagtataka naman kaming napatingin sa kanya ni Carlie.
“Ano yun Hildegarde?” ang tanong ko.
For a moment ay natitigilan lang sya pero agad din syang lumingon sa amin.
“Nothing, my lady…” ang sabi nya lang. “Let’s go home”
Yun lang saka sya nagpatiunang naglakad paalis.
Nagkatinginan naman kami ni Carlie at sabay nalang na napa-shrug saka sumunod nalang sa kanya sa paglalakad.
Meanwhile…
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!” ang sigaw ng matandang babaing iyon habang tinutupok sya ng apoy.
Samantalang nakatayo lang sa harapan nya ang gwapong binatang iyon at pinatay na nito ang apoy na nanggagaling sa kamay nya.
“Hindi ka na sana nagsalita…” ang walang emosyon nyang sabi saka tumalikod at naglakad paalis.
to be continued...