The Forbidden Fruit
Chapter 2
Naging tahimik lang kami sa paglalakad pauwi ng bahay. Naitanong nyo siguro kung bakit naglalakad lang kami. Malapit kasi ang apartment ko sa University at two blocks away lang ang layo ng bahay naman nina Demon at nang mama nyang si Ms. Suzanne.
Nang makarating kami sa apartment ko ay napaatras pa ako nang buksan ko ang pinto dahil…
“WELCOME HOME LOVERS!!” ang salubong sa amin ni…
MS. SUZANNE?!
Paano sya nakapasok sa bahay ko?!
At ito pa ha! May mga balloons at mga designs everywhere! At nakasuot pa sya ng birthday cap.
Anong nangyayari?
“Mama…what is this?” si Demon na ang nakapagsalita.
Napatawa naman sya ng hilaw.
“Ah…hahahaha! Wala lang, welcome home party ko para sa akin!” ang masaya nya pang sabi.
Huh? Welcome home Party?
At parang ang weird naman nun. Sya pa ang naghanda ng welcome home party para sa kanya?
“Welcome home party?” Demon raised his brow.
“Eh kasi my beautiful and supergwapong anak, I’ve decided na dahil malapit nalang man din ang bahay natin sa bahay ni Jane, then bakit hindi nalang tayo maki-join sa bahay nya? Divvvvvaaaaaa??? Hm? Hm?”
Napakurap ako.
D-dito na sila…
Dito sila…
Dito sila…TITIRA?!
Magsasalita na sana ako pero…
“MAMA…” si Demon.
“Anak, wag kang masyadong high blood. Nasisira ang ka-pogihan mo! Ahahahahaha!” yun lang saka sya lumingon sa akin. “At Jane anak, okay lang ba sayong dito na kami tumira? Wag kang mag-alala, nakausap ko na ang parents mo tungkol dito at pumayag na sila! AHAHAHAHAHA!”
Napakurap ako.
Kinausap nya ang parents ko?!
At pumayag na sila?
Teka lang, paano nya napapayag ang parents ko?
Napangiti nalang ako ng alanganin. “Ah eh…ganun po ba? Pero baka---”
“OKAY! KNIGHTS! DALHIN NYO NA SA LOOB ANG MGA GAMIT NATIN!”
Okay. Hindi na ako mag-i-effort magsalita dahil alam kung wala ng panama ang kahit anong sasabihin ko.
At doon na nagsipasok ang isang hukbo ng mga nakaputing mga taong yun at may mga dala silang mga maleta, mga furnitures, at mga kung anu-anong box.
Napanganga ako.
“Naku, sorry anak ha” ang lingon naman sa akin ni Ms. Suzanne. “Hindi ako masyadong prepared at konting gamit ko lang ang nadala ko dito. AHAHAHAHAHA!”
Seryoso? Konti pa ‘to?
EH HALOS DINALA NA NYA ANG BUONG BAHAY NILA EH!
AT ANO NALANG KAYA ANG ITSURA NG ‘MARAMING’ GAMIT NYA?
Napanganga pa ako nang makitang ipasok din nila ang mga ref, oven, TV set, computers, at halos lumaki ang mga mata ko nang ipasok nila ang isang sala set na yun!
“Naku, pasensya ka na talaga anak ha at konti lang talaga ang nadala ko dito. HINDI KASI AKO NAKAPAGHANDA NG MABUTI. Ahahahahaha!” ang sabi pa nya habang tumatawa.
Ngayon ko lang na-realize pero…
Malaki din pala ang apartment ko para magkasya ang lahat ng ito?
Nagsalubong naman ang kilay ni Demon at nilingon ang mama nya. “I told you already that we’re not supposed---”
“Hildegarde! BRING THE CAKE!!!” ^0^ ang masayang sigaw pa ni Ms. Suzanne.
Okay. Pati si Demon ay wala naring masasabi pa sa nangyayaring ito.
At mula sa kusina ay lumabas ang maid na yun na as usual ay naka-maid costume na naman.
At hindi ko alam kung bakit…
May evil glint na naman akong nakikita sa mga mata nya.
May dala-dala syang cake at may nakasulat pa sa cake na yun na…
WELCOME SUZANNE, MASTER DEMON, HILDEGARDE AND CEDREEC...uh..I mean...CEDRIC.
Halatang namali ang spelling ng pangalan ni Cedric.
At bakit may 'uh...I mean' pa?
“Teka, sino ang nagsulat sa cake?” ang tanong ko.
Her emotionless eyes looked at me. “Me, my lady”
“Teka, kapatid mo si Cedric pero namali pa ang spelling ng pangalan nya?” ang taka kong tanong.
“I always can’t get it right” she answered.
Seryoso?
Magkapatid sila pero hindi pa nya nagagawang isulat ng tama ang pangalan ng kapatid nya?
Pero teka, nasaan si Cedric?
“Nasaan---”
Pero bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na ang ingay na yun sa kusina ko.
Agad-agad naman akong naglakad papunta doon at napanganga ako sa nadatnan.
THE KITCHEN IS IN A BIG MESS! NAGKALAT ANG MGA CELLOPHANE AT BALAT NG PAGKAIN NA INIWAN KO DOON KANINA!
At nakaupo doon si Cedric habang nilalantakan ang mga pagkain na nanduon.
Agad naman syang nagtaas ng tingin.
“You want some?” ang tanong nya habang nakataas ang tinapay na hawak nya.
And I can clearly remember na iniwan ko yun sa ref para kainin mamaya pero nandito sya at nilalantakan yun.
I smiled sweetly. “Hindi na. Nakakahiya naman kasi sayo. Grabe”
“Oh, but you have to taste this one” ang sabi nya saka itinutok sa harapan ko ang isang tinapay doon.
Nabigla naman ako. “Eh? Bakit?”
“It looks delicious so you have to taste it” ang sabi nya lang.
Wow…susubuan nya ako? Teka, bago ito ah. Simula nang magkakilala kami ay ngayon lang sya naging mabait sa akin…
Kaya kahit na nagtataka ako ay kinagat ko nalang yun at teary-eyed pa na nginuya yun.
Samantalang nanatili naman syang nakatitig sa akin.
“So?” he asked.
“Hm? Masarap naman sya” ang sabi ko habang nginunguya yun.
“Oh, then I’ll have some too” ang sabi nya lang saka kinagat din yun.
Bakit feeling ko ay naging guinea pig ako ngayon sa isang experiment?
“Wag mong sabihin na pinakain mo lang yan sa akin para malaman kung talagang masarap yan”
Nagsalita naman sya habang ngumunguya.
“I thought it’s poisonous so I let you have the first bite”
Bwiset.
Akala ko pa naman naging mabait na. Yun pala may balak syang patayin ako?!
“Wow ha. Ang sarap nga ng tinapay na yan.” I said through gritted teeth. “Malason ka sana”
“Jane?” ang sulpot naman ni Demon sa pinto ng kusina.
Sabay pa kaming napalingon ni Cedric at agad namang tumayo si Cedric at yumuko.
“Master” he said.
Pero nang makita ni Demon ang nagkalat na kusina ay agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya.
“Cedric” he said.
Yumuko naman lalo si Cedric. “Yes master?”
“Get out” he ordered through gritted teeth.
“Yes master” ang sabi lang ni Cedric at parang isang mabilis na hangin na umalis doon.
Napalingon naman ako kay Demon na napahawak na sa ulo nya. First time ko tong makita sa kanya uli after nyang maging tao.
Saka sya lumingon sa akin and those beautiful gray eyes looked at me.
“I’m so sorry Jane. I don’t know what’s my mom is trying to do but I can’t persuade her to stop this madness. I’m so sorry” ang sabi nya habang nakatitig sa akin.
Tama.
Ano ba ang iniisip ni Ms. Suzanne at bigla nalang nyang naisipang lumipat sa bahay ko? Bakit pakiramdam ko ay may binabalak syang gawin? At bakit parang kinakabahan ako sa kung ano man yun?
Pero tama din si Demon. Kaya nyang utusan sina Cedric at Hildegarde pero hindi ang Mama nya.
So…
I sigh and smiled. “Well, wala na akong magagawa. Pumayag na ang parents ko at sa paraan ng paghahakot nya ng gamit nya ay parang wala na syang balak na umalis.”
He smiled too. “Yeah. That’s my mom. Our mom”
Napalunok ako sa sinabi nya.
O-our…mom?
Ang mean nya is…mama naming dalawa?
Then I felt his hand on my head. “Then we’re housemates again huh?”
“Okay lovers---“ ang biglang sulpot ng Mama nya pero bigla din syang natigilan at nakangiting nagsalita. “Uuuyyy..! Magki-kiss sila…”
Magki-kiss?
Tama, magkaharap pala kami ni Demon ngayon kaya mukha kaming….magki-kiss!
“Oh sige na, wag na kayong mahiya! Hindi na ako titingin! Pipikit nalang ako! Go on!” ang sabi pa nya at pumikit pa sya.
Pero…
“MAMA!” si Demon.
At nang tignan ko sya…
His face is turning red.
“UUYYY!! NAGA-BLUSH ANG POGING ANAK KO! SIGE NA! MAG-KISS NA KAYO! HINDI NA AKO TITINGIN ULI!” ang mama nya.
At hindi ko mapigilang pamulahan din ng mukha nang dahil sa sinabi ng Mama nya.
Pero namumulang hinila nalang sya sa braso ni Demon palabas ng kusinang iyon.
“NAKU, ANG ANAK KO TALAGA NA ‘TO, NAHIHIYA PA! SAYANG ANAK! MAKAKA-SCORE KA NA SANA! AHAHAHAHAHAHA!” ang narinig ko pang sabi ni Miss Suzanne.
“MAMA!” Demon roared.
Habang naiwan akong mag-isang nakatayo doon at namumula din ang mukha.
But then later on, napangiti rin ako.
Well, atleast, hindi na ako malulungkot sa bahay na ‘to nang dahil sa mga bagong housemates ko.
********************
Kahit na buo pala ang grupo ng Exodus ay may kanya-kanya din silang mga buhay at trabaho. Ang iba ay mga professionals at ang iba naman ay nag-aaral pa. Ang akala ko talaga ay ang isang hukbo ng Exodus ang makikitira sa apartment ko. Si Ms. Suzanne lang pala.
At ngayong gabi ay pinoproblema namin kung paano kami kakasyang lima sa apartment ko na may dalawang kwarto lang.
“Darius anak, sa isang kwarto ka. Samantalang magsi-share naman tayong tatlo Cedric at Hildegarde sa kabilang room” ang arrangement ni Ms. Suzanne.
Pero teka, bakit parang hindi ata kasali sa arrangement ang may-ari ng apartment na ‘to ha?
Napalingon naman sa akin si Ms. Suzanne at parang natauhan.
“Oh! I’m so sorry Jane! Nakalimutan ko kung saan kita ilalagay but wait lang…saan nga ba kita pwedeng ilagay? Hmmm…” at kunyari ay nag-isip pa sya.
Pero pakiramdam ko talaga ay may binabalak sya.
And then…
“AHA! Naku, no choice na anak, maki-share ka nalang ng kwarto sa baby Darius ko.MWAHAHAHAHA!” at nag-evil laugh pa sya ha.
But wait lang…
PAGTATABIHIN NYA KAMI NI DEMON SA IISANG KWARTO?!
“WHAT?!” ang sabay pa naming sigaw ni Demon.
“Nakuuu…okay lang naman sa akin ang magtabi kayo sa pagtulog. Anyway…” she said then grin. “…magiging mag-asawa narin kayo sa susunod na panahon kaya dapat ngayon palang ay nagpa-practice na kayong magsama sa iisang bubong”
“But Ms. Suzanne---”
“Naku, halina nga kayo at matulog na kayo! May klase pa kayo bukas!” ang sabi lang ni Ms. Suzanne saka kami hinilang pareho sa kamay.
At wala na kaming nagawa nang itulak nya kaming pareho sa kwarto na yun.
“Wait lang po----”
“Goodnight lovers. Sweetdreams.” She said then wink saka isasara na sana yun pero parang may naalala pa syang sabihin. “Ay oo nga pala, Darius anak, kung gagawin nyo yun, don’t forget to use protection okay? Masyado pa kayong bata para maging magulang. Pero kung hindi nyo na carry, okay lang naman. Basta’t simula ngayon ay kailangan nyo ng manuod ng free tutorials sa youtube kung paano ba mag-aalaga ng baby. BWAHAHAHAHAHAHA!”
Yun lang saka nya isinara ang pinto at naiwan kaming dalawa ni Demon na nakanganga doon.
OO. NGANGA.
At hindi ko alam pero…feeling ko…ang ini-init ng mukha ko nang dahil sa pinagsasabi ni Ms. Suzanne.
Sinilip ko naman sa dulo ng mga mata ko si Demon na mukhang naninigas din sa kinatatayuan nya. At nakita ko ring…namumula din ang mukha nya.
Kaya napayuko nalang din ako.
Gossshhh…! ANG AWKWARD!!
“J-jane…” he said.
Napalundag pa ako. “Y-yes?”
“I-I’m so sorry about this…” ang sambit nya habang nakayuko.
At parang nahihiya talaga sya sa ginagawa ng Mama nya.
“Ah…eh…okay lang” ang sabi ko.
Doon naman sya napalingon sa akin.
“Really? You’re not scared?” ang tanong nya.
“At bakit naman ako matatakot? Ikaw yan eh. Atsaka nagtabi narin namang tayong natulog noon diba? Remember yung first time na nakilala kita?” I said at hindi ko alam pero unti-unti ng nawala ang kaba sa dibdib ko nang maalala yun.
Napatitig naman sya sa akin and slowly, a smile curved up on his lips.
At…at…ang gwapo nya!
His gray eyes looked at me and he held his hand. “Then let’s take some rest…”
Tinanggap ko naman yun at napatitig sa gwapo nyang mukha. Hay…grabe. Hindi kinakaya ng powers ko ang kagwapuhan ng lalaking kaharap ko. Sa gray eyes palang nya, natutunaw na ako.
He smiled at habang hila ang kamay ko ay sabay na kaming nahiga doon.
Magkaharap kaming nahiga kaya mas nakikita ko ang gwapo nyang mukha na nakatitig din sa akin.
At hindi ko alam pero…gumagaan ang pakiramdam ko ngayong nakikita ko sya.
“Goodnight” I whispered.
He smiled. “Goodnight”
I smiled too and closed my eyes.
Then I felt his warm arms wrapped around me.
“Dream of me, love” he whispered on my ear.
And from there, I fell asleep on the beautiful sound of his beating heart.
Meanwhile…
Nangingiting naglakad nalang pabalik sa sala si Suzanne kung saan nakaupo ang dalawang magkapatid.
But then…
Her smile faded away when she remembered that thing.
Tama. May mas malaking bagay pa syang dapat na isipin.
Saka sya nagtaas ng mukha at tinignan ang dalawa.
“Cedric, Hildegarde” she called them.
Agad naman silang napataas ng mukha.
She sigh.
“There is something I need to tell you…”
to be continued...