The Forbidden Fruit
Chapter 1
“AND IT’S A THREE POINT SHOT THAT’S COMING FROM MONTEZ!!!” ang sigaw ng host.
The crowd gets wild.
At hindi ko mapigilang mapangiti. Ang galing-galing ng boyfriend ko…!
Nasa University gymnasium kami ngayon at nanunuod ng basketball game ng school namin laban sa kabilang university.
Nabigla pa ako nang lumingon sa direksyon ko ang gray eyes na yun. At nang magsalubong ang paningin namin…slowly, a smile curved up on his lips.
I blushed. Ang gwapo nya…!
Ngumiti lang din ako sa kanya at doon na sya nagsimulang tumakbo uli.
“Best, ang galing palang mag-basketball ni Demon kahit na tao na sya noh?” si Carlie na katabi kong nakaupo sa bleachers.
“Oo naman best! Hindi lang sya magaling, POGI PA SYA!” ang pagmamayabang ko naman.
“Wow best…ang yabang din noh? Nakakahiya naman”
“Hmp! Pabayaan mo na ako best. Ganito talaga pag lumalablayp na. Dapat ipagmayabang ko din ang b-boy…b-boyy…”
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Dahil sa totoo nyan, hanggang ngayon ay hindi ko parin masabi-sabi na BOYFRIEND KO ang gwapong nilalang na yun na ngayon ay tumatakbo sa court.
Hindi lang kasi ako makapaniwala na BOYFRIEND KO nga ang hot looking, model like gray eyed ex-vampire’s mate ko na iyon!
“Sige best, kaya mo yan!” ang cheer naman nya sa akin.
“B-boyy…b-boyyy…” ang pilit ko parin.
“Sige best! Malapit na! Ilang letters nalang! KAYA MO YAN!!!”
“B-boy…boy…b-boy…”
“BOYFRIEND best, sige best, kaya mo yan. Repeat after me okay?BOOOOOOOYYYYYFFFRRRRRIIIIIEEEEENNNNNDDDDD….” Ang pag-slow motion nya pa sa salitang yun.
“B-boyyy…b-bbbooooyyyyffffrrrr----“ hinihingal akong napatigil sa pagsasalita. “I give up! Hindi ko talaga kayang sabihin na b-boy…b-boyyy…”
Hinawakan naman nya ako sa magkabilang braso at madramang nagsalita. “Best? Gusto mo samahan kitang magpa-check up? Baka naalog ang utak mo at may naputol na nerve kaya hindi mo mabanggit ang word na yun. Nag-aalala lang ako sa health mo”
“Hindi naman---“
Naputol ang sasabihin ko nang nagsalita na naman ang host ng game.
“A THREE POINT SHOT!! A THREE POINT SHOT AGAIN FROM MONTEZ!!!”
And the crowd gets wild again.
Napatingin ako sa direksyon nya.
He’s sweating on his jersey at hinihingal na pinunasan nya gamit ang damit nya ang pawis na na nasa pisngi nya.
Oh gosh…ANG HOT NYA!!!
“KKKKKKKKKKKKKKKKKYYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!! DARIUS!!!! I LOOOOOVVVVEEE YOUUU!!!” ang tilian ng mga babae na nakaupo sa ibabang bleachers.
Opo, ngayong college na kami ay mas dumami pa ang fangirls nya.
“Ang gwapo talaga ni Darius my loves noh?!!” ang tili ng isang fangirl.
My loves? Did she just called my Darius…my love???
“Oo nga! Pero balita ko may girlfriend na sya!!” si fangirl no. 2.
“Ssssshh…! Wag kayong maingay girls. Nasa itaas ang girlfriend nya” si fangirl no. 3.
“Huh? Nasa itaas?” si fangirl no. 4.
At sabay pa silang lumingon sa direksyon ko pero agad akong nag-iwas ng tingin at kunyari ay hindi ko sila naririnig.
“Saan?!” si fangirl. No. 2.
“Yang babaing naka-stripes ng pink” si fangirl no. 4.
O---kay. Lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon. At ako talaga ang itinuro ni fangirl no. 4.
At pwede mahiya naman sila? Hindi ba nila alam na naririnig ko sila?
“Sya?!” si fangirl no. 1. “Sya ang girlfriend ni Darius my loves?!”
“Oo girls. Sya nga!” si fan girl no. 4. “Lagi ko nga silang nakikitang magkasama eh!”
Okay. Pinagchi-chismisan na nila ako ng harap-harapan ha. Nanadya ba sila?
“So ewwww! Hindi naman pala sya maganda! Mas maganda pa ako!” si fangirl no. 3.
“Mas maganda kaya ako girl noh! Mas bagay pa kami ni Darius!” si fangirl no. 2.
“Mas maganda kaya ako noh!” si fangirl no. 1.
I gritted my teeth.
“Hindi kaya! Mas maganda ako kaya mas nababagay ako kay Darius!” si fangirl no. 4.
And that’s it.
OO NA! KAYO NA ANG MAGANDA! WOW HA! GRABE! NAHIYA AKO SA KAGANDAHAN NYO! PARANG NAHIYA NALANG AKO SA ITSURA KO AT SIGURO HINDI KO NA KAKAYANING LUMABAS NG BAHAY SIMULA NGAYON KASI NAHIYA AKO SA MGA ITSURA NYO! NAKAKAHIYA TALAGA!!
Pero hindi ko parin naisigaw yun.
At hindi ko alam kung bakit parang hinihingal ako ngayon kahit na hindi naman ako sumigaw.
“Naku best…pabayaan mo na sila. Totoo naman talaga na mas maganda sila eh” si Carlie.
Nilingon ko naman sya. “Wow best thank you ha. TRUE FRIEND KA TALAGA”
Walangya. Imbis na i-cheer up ako ay mas kinampihan nya pa ang mga nang-aaway sa akin.
“Oo naman best! Ganyan kita ka-love!”
Bwiset.
*PRRRRRRRRRRRRRRRTTTTTT!!!!!*
Isang huni ng pito ang narinig namin.
Tapos na ang laro.
“Scores! 82-105! Howarth University WINS!” ang anunsyo ng speaker.
Nagtilian ang mga schoolmates ko. Oo, nanalo ang school namin.
“KYYYYYAAAAAAAAAAAAAHHHH!!! ANG GALING TALAGA NI DARIUS MY LOVES NOH?! SYA ANG GUMAWA NG HALOS LAHAT NG POINTS!” si fangirl no. 1.
“Wait girls…OMG….” Si fangirl no. 3. “Papunta sya sa direksyon natin!”
Napataas naman ako ng tingin at nakita ko nga na naglalakad sya papunta sa direksyon namin habang bitbit ang varsity jacket nya at para syang hot male model na naglalakad. Ang gwapo nya kahit na pawis na pawis sya galing sa laro. KYYYYAAAAAAAHHHH!!!!
“Hindi kaya napansin nyang maganda ako kaya pupuntahan nya ako ngayon?” si Fangirl no. 2.
Wow lang ha. AMBISYOSA.
“Hindi noh! I’m sure ako ang napansin nya kaya pupunta sya sa akin!” si fangirl no. 4.
“Hindi! Sa akin sya pupunta!”
“Hindi! Sa akin!”
“Sa akin!”
“Hindi nga! Sa akin nga!”
Hanggang sa nasa harapan na nila si Darius at ang mga malalandi, sabay pa silang ngumiti at nagpa-cute sa harapan ng BOYFRIEND KO!
Urrrrggghh…ba’t ang dali-daling isipin ang word na boyfriend pero ang hirap banggitin?!
“Hi Darius…” ang sabay-sabay pa nilang bati with beautiful eyes kay Darius.
Pero…
Nilampasan lang sila ni Darius at sa akin sya dumiretso.
I almost put on a smirk when I saw their faces. BWAHAHAHAHAHAHA! OO! SA INYO NA ANG KAGANDAHAN NYO! BASTA AKIN LANG SI DARIUS! BWAHAHAHAHAHA!
He poked my forehead.
“Why are you smiling?” ang kunot noong tanong nya sa akin.
EEEEEKKKKK!!! Nasa harapan ko na pala sya ngayon!
“Ah eh…” I cough. “W-wala lang! Masaya ako at nanalo ka! CONGRATULATIONS!!”
He smiled.
And I almost gasped for air. Pakisabi nga, PAANO KO NGA BA ULI NAGING BOYFRIEND ANG GANITO KAGWAPONG NILALANG?!
“Are you proud of me?” he asked and his gray eyes was filled with some emotion.
I smiled. “Oo naman noh! Naks! Ang galing mo ngang maglaro eh!”
He pats my head. “Well, I’m glad you came”
“Ah hello lovers?” ang sulpot naman ni Carlie. “Nakalimutan nyo bang nandito pa ako kasi pati ako nakalimutan ko rin nag-e-exist din pala ako sa lugar na ‘to”
“Ah best! I’m sorry!” ang lingon ko sa kanya.
Pero nilingon nya si Darius. “Wow! Great game! O sige na! Mauuna na akong lumabas! Nakakahiya namang maging kontrabida sa date nyo ng BOYFRIEND MO”
“D-date…?”
“Ah sige! Bye! Ingat sa pag-uwi best ha!” yun lang saka sya dali-daling umalis.
EEEEEKKKK!!! CARLIE!!! WAG MO AKONG IWANG MAG-ISA KASAMA ANG GWAPONG NILALANG NA ‘TO!!
Pero ang walangya, parang tornado sa bilis na nakaalis.
“Well…” then I felt his arm on my shoulder. “Let’s go home, my love”
EEEEEKKKK!!!
***********************
“KYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAHHH!!! DARIUS!!” ang tili ng mga babae nang lumabas kami ng gym.
“Wow Darius! Good game!” ang sulpot ng isang lalaki saka tinapik sa balikat si Demon.
“Thanks” ang walang emosyon nyang sambit.
At bigla nalang syang pinagkaguluhan ng mga estudyanteng nanduon.
Kaya bigla akong naitulak paalis sa tabi ni Demon at naichapwera sa isang sulok.
Oo, iba na talaga pag Varsity player at famous sa university ang naging boyfriend mo. Talagang maicha-chapwera ka.
At opo, classmate ko na naman po sya dahil kumuha din sya ng Hotel and Restaurant Management. Wala daw kasi syang balak na lumayo sa akin.
“Darius! Let’s have a drink!” ang sabi pa ng isang lalaki.
“Waaaaahhh!! DARIUS ANG GWAPO MO TALAGA!!” ang isang fangirl.
Samantalang nanatili lang akong nakatayo sa isang sulok at parang naiwang tuta na nakatingin sa kanya. Ang iba pa ay binibigyan sya ng flowers at kung anu-anong regalo.
Puro babae ang nanduon.
At bakit sumasakit ngayon ang dibdib ko sa eksenang ito?
Tumalikod nalang ako at nagsimulang maglakad paalis.
“Darius kainin mo tong cookies ha!”
“Darius sama ka sa party namin sa---”
“Excuse me” ang biglang sambit nya. “My girlfriend is waiting for me”
Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko yun.
Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong naglakad sya papunta sa akin at umalis sa crowd na yun.
Napatulala pa ako sa gwapo nyang mukha nang i-pat nya ang ulo ko.
“I’m sorry for making you wait” he said then smiled. “Let’s go”
Napalingon ako sa mga fans nya at...
THEY’RE GLARING AT ME!!
Inakay nalang nya ako at naglakad na kami paalis.
Nasa sidewalk na kami ngayon at naglalakad sa gitna ng papalubog na araw.
Hapun na kasi natapos ang game nila.
“What are you thinking?” ang tanong nya sa akin.
Oo. Dahil hindi na kami mate at hindi narin sya bampira ay hindi na nya nababasa ang iniisip ko. Isa ito sa mga naging advantage ko simula nang mawala na ang kontrata namin.
At may bigla akong naisip na kalokohan.
“Ah..wala”
PANGIT KA! PANGIT! PANGIT! PANGIT! BLEH! BLEH! BLEH!
Ang pang-aaway ko sa kanya sa utak ko.
Samantalang nanatili naman kaming nakatitig sa mukha ng isa’t isa at nanatili din akong nakangiti.
MUKHA KANG TANGA! MUKHA KANG TANGA! BWAHAHAHAHA! BLLLLLLEEEEEEHHHH!!!
Ang pang-aaway ko pa.
“You’re thinking something ridiculous, aren’t you?”
Wait, what? Nababasa nya ba ang iniisip ko?
“H-ha? Hindi ah! Sinong nagsabi sayo? Bakit? Nababasa mo pa ba ang iniisip ko?!”
His brows met.
“And now you’re being defensive young lady. What are you thinking, huh? Say it”
“Ah, wala nga!”
INIISIP KO LANG NA MUKHA KANG BALIW. BWAHAHAHAHAHAHA!
I almost laugh by the thought of that.
“And now you’re looking suspicious. You’re really thinking something funny about me”
“H-hindi nga!”
Bigla nyang kinurot ang pisngi ko.
“Say it or I’ll kill you”
EEEEEEKKKKK!!!!
Yan na naman ang famous line nya!!!
“W-wala nga sabi eh!” ang deny ko parin. “Aray ko! Ang peshhhhnnggggeeee kkkoooo!!!”
“Say it!” saka nya mas kinurot ang pisngi ko.
“Wala nga!”
Aray ko!!
Nahawa na ba sya sa pagka-sadista ni Hildegarde?!
“Spill!”
“W-wala nga sabi eh!”
“If you won’t say it, I’ll kiss you”
Bigla akong namula sa sinabi nyang iyon. At mukhang natigilan sya at parang natauhan din na nabitawan ang pisngi ko.
Napatingin ako sa kanya pero agad din syang nag-iwas ng tingin at umubo.
“W-well...I-I’ll only do that i-if you’ll let me…” he stammered.
Napaubo din ako.
Kyyyyyaaaaaahhhh!! Bakit mo kasi sinabi yun Demon?! Tignan mo tuloy! Ang Awkward na ng scene na ‘to!
“A-ah…e-eh…w-wala naman talaga akong iniisip…”
Hindi parin sya makatingin sa akin.
“O-okay…” saka sya lumingon sa akin. “Afterall, I trust you that you’re not really thinking something funny about me.”
EEEEKKKK!!! Bakit parang nakaka-guilty naman ng sinabi nyang iyon?!
“Now take my hand” saka nya inilahad ang kamay nya. “We’re going home”
NApangiti naman ako at kinuha ang kamay nya.
“Okay!”
to be continued...