Chapter 3

1026 Words
"I have to go." Nakaharap si Celestine sa malaking salamin at sinusuklay ang mahabang buhok. Kanina pa siya nakabihis, ayaw niyang humarap kay Edward dahil nakokonsensiya siya. Ayaw niya itong masaktan sa desisyon niya. "I...I thought we are okay, Ce," nauutal na sambit ni Edward. "You said you still love me. Wala akong nakikitang mali kung itutuloy natin ang naudlot nating pangarap." Pumiyok ang boses niya. Nakabihis na rin siya at nakaupo sa gilid ng kama. "Ce, please? Can we at least try?" Bumuntong-hininga si Celestine saka inilapag sa vanity table ang hawak na suklay. "I have a family, War." Pinilit niyang huwag umiyak nang maalala ang taksil niyang asawa na naging dahilan upang makipag-one night stand siya sa dating kasintahan. "I have a four-year-old daughter. She needs me more than anyone else." "I can be a father to her, Babe. Iwanan mo na ang asawa mo at magsama na tayo. Promise, I can be a perfect husband to you and a perfect father to your daughter. We will be a happy family together." Tumayo siya at dahan-dahang nilapitan si Celestine. "It's not that easy, War," mariing tugon niya. "Kapag nalaman ni Kuya Keith—" "Hindi ako natatakot sa kuya mo." Hindi siya umimik. Hanggang ngayon ay walang kaalam-alam si Edward na ang kuya ni Celestine ang naging dahilan kaya nagkahiwalay silang dalawa. Ito rin ang may pakana kaya siya umalis sa probinsiya nila at nakipagsapalaran sa Maynila. "It is better for us not to see each other again. Hindi mo alam ang ugali ng lalaking pinakasalan ko." Lumuhod si Edward at niyakap si Celestine. Humagulgol siya sa kandungan nito habang nagmamakaawa na makipagbalikan sa kaniya. Mula noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang babaing laman ng puso at isipan niya. Awang-awa rito si Celestine pati na rin sa sarili niya, subalit wala siyang magawa. Kailangang matuloy ang pag-alis ni Edward sa bansa. Alam niya kung paano kumilos ang kuya niya pati na ang sariling asawa. Kapag nalaman ng mga iyon ang tungkol kay Edward ay magkakagulo-gulo ang buhay nila. Ayaw niyang idamay ang sariling anak sa magulo na niyang buhay. "We are really not meant for each other, Babe," usal ni Celestine habang pinapasadahan ang buhok ni Edward gamit ang kanang kamay. "I wish and I pray that you will meet a girl na mamahalin at ipaglalaban ka. Hindi kagaya ko na naging duwag sa pag-ibig at ngayon ay huli na ang lahat." Pinilit niyang maging matatag ang boses kahit nararamdaman niya ang sakit ng napipinto nilang paghihiwalay. Ganito siya noon nang makipaghiwalay siya kay Edward ten years ago. Iba ang lumalabas sa kaniyang labi kaysa sa totoong nararamdaman ng kaniyang puso. Kailangan niyang magpakatatag para na rin sa lalaking iniibig. Tinitigan ni Edward ang mga mata ni Celestine. "You can't fool me, Ce. Ako ang mahal mo, di ba? Bakit hindi mo kayang hiwalayan ang lalaking 'yon?" Nanatili siyang kalmado. "As I have said, I love you, War. Kung sa pakikipaghiwalay ay kaya kong hiwalayan ang asawa ko." Hinaplos niya ang kaliwa nitong pisngi. "My kid is my main concern here. I don't want to drag her in all the consequences that may arise kapag nakipaghiwalay ako sa dad niya. For all you know, she is a daddy's girl. There is a possibility na piliin niya ang dad niya kapag naghiwalay kami." "She is just a four-year-old kid," komento ni Edward. "May batas tayo rito sa bansa na dapat sa nanay mapupunta ang bata kapag wala pa ito sa edad na pitong taon." Umiling siya. "Given our situation, hindi papayag ang asawa ko. Gagawa at gagawa siya ng paraan para pahirapan ako. My daughter is my weakness." Tumayo na si Celestine at kinuha ang purse. Tumalikod siya at tinungo ang banyo dahil naiwan niya roon ang wristwatch niya. Isa pa ay may namumuong luha sa mga mata niya at ayaw niyang makita iyon ni Edward. Sumunod si Edward at nang makapasok sa banyo ay niyakap niya si Celestine habang nakatalikod ito sa kaniya. "Ce," usal niya. "Again, you broke your promise. Please don't make it hard for me this time. I am willing to give up everything just to be with you forever." Ang namumuong luha sa mga mata niya ay tuluyan ng nalaglag. Labis siyang nasasaktan sa sitwasyon nila ngayon. Gusto niyang sundin ang ibinubulong ng kaniyang puso, pero patuloy na nagsusumiksik sa utak niya ang maaaring mangyari kapag pinairal na naman niya ang nararamdaman. "I have already decided, War. I will stay with my family." Halos ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa bibig niya. Kung nasasaktan si Edward ay triple pa ang sakit na nararanasan niya. "Ce..." Tinanggal niya ang mga braso nito sa pagkakapulupot sa katawan niya saka humarap siya rito. Hindi na niya alintana ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya. Ganoon din naman, nakita na 'yon ni Edward kaya wala ng silbi kung itatago pa niya. "Mula noon hanggang ngayon ay ikaw pa rin, War. It's just that hindi talaga tayo ang itinadhana. You are destined for someone else." "I can't imagine my life without you, Ce. Ten years without you is like a worst nighmare." Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito at hinalikan sa labi. Marahan ang halik na iyon. Halik na punong-puno ng pagmamahal. Halik na kayang pawiin ang pangungulila nila sa isa't isa. Ilang minuto rin ang itinagal ng halik na iyon. Parehas silang lumuluha at nanghihinayang sa mga pangarap nila na wala ng katuparan. "Hindi pa huli ang lahat, Ce," wika ni Edward matapos ang pinagsaluhan nilang halik. "I'll give you time to think about it." "War..." Nangunot ang noo niya. "Next week na ang flight ko. Sa Miyerkules at exactly four o'clock in the afternoon. Whatever your decision is, let me know. I'll wait for you at the airport." Napaawang ang labi niya. Hindi siya makapaniwala na binibigyan pa siya nito ng pagkakataon para mag-isip. Tuloy ay parang gusto niyang baguhin ang nauna niyang desisyon. Hindi siya umoo pero hindi rin siya tumanggi. Ngunit sigurado siya na pupunta siya sa airport sa Miyerkules. Sa huling pagkakataon ay nais niyang masilayan ang mukha ng lalaking minahal niya nang lubusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD