Chapter 4

1010 Words
"I miss you too, baby." Agad na niyakap ni Celestine ang anak matapos isara ang pinto ng sariling kotse. "Did you already eat your breakfast?" Hinalikan niya ito sa pisngi. Mag-aalas diyes na ng umaga. "Yes, mommy. Yaya feed me," saad nito saka biglang sumimangot. Hindi na nagtanong pa si Celestine. Sinenyasan na lang niya ang yaya ng anak na huwag ng magsalita pa. Kilala niya ang sariling anak. Masyado itong maldita at tanging ang ama lang ang nakapagpapatahimik dito. Unang tingin niya pa lang sa anak ay nahuhulaan na niya na hindi umuwi si Daniel. Daddy's girl ang anak niya at nag-aalburuto ito kapag hindi nakakasabay ang ama sa almusal o kaya sa hapunan. Kinarga na niya si Dianne at pumasok na sila sa bahay dahil masyado ng mainit ang sikat ng araw sa labas. Isa pa ay nagugutom na siya dahil tinanggihan niya ang imbitasyon ni Edward na kumain muna sila sa restaurant bago siya umuwi. Mabuti na lang at sa Indang Cavite sila nakatira kaya mabilis siyang nakauwi galing Tagaytay. Dumiretso siya sa komedor habang nakasunod sa kanila ang yaya. Gusto na niyang kumain dahil kahapon ng hapon pa ang huling kain niya. Early dinner iyon kasama si Edward. Kanina naman ay tinanggihan niya ang almusal na pinadeliver nito sa kuwarto ng hotel kung saan sila nagpalipas ng gabi. Bukod kasi sa hindi siya nakaramdam ng gutom ay nag-aalala siya na baka naroon din sa hotel na 'yon nag-check-in si Daniel at ang babae nito. "Do you want mommy to feed you? It's already lunch time, baby." Tumango lang si Dianne matapos maibaba sa bakanteng upuan. Si Celestine naman ay tumulong na sa kasambahay at sa yaya sa paghahain ng pagkain sa mesa. Ramdam niya na pinagmamasdan siya ng anak at tila naiibahan ito sa kilos niya. "Let's eat," saad niya at naupo na sa tabi ni Dianne. Nilagyan niya ng pagkain ang plato nito subalit wala pa rin itong imik. "Sumabay na kayo sa amin, yaya, Inday." "Mamaya na lang po kami kakain, ma'am," sabay na wika ng dalawa saka nagpaalam na lalabas muna para asikasuhin ang mga gawaing-bahay na hindi pa natatapos. "So, baby, did you sleep early last night? Did yaya read bed time stories for you?" Tila hindi siya nito narinig. Patuloy lang ito sa pagnguya ng pagkain at nakatingin sa kaniya. Tila sinisipat ang bawat sulok ng mukha niya. Ngumiti siya. "Why are you staring at me, baby? Do I look like a witch in those books that I used to read to you?" "You look so beautiful today, mommy," komento nito matapos uminom ng tubig. "Did Tita Mario do something in your face?" tukoy nito sa bakla niyang kaibigan na employee niya rin sa pag-aari niyang beauty salon. "I can see that you are happy today. I should thank Tita Mario." Natigilan si Celestine. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa anak. Kaninang umaga pagkagising niya ay napansin niya rin na tila may kakaiba sa kaniya. Sa kaibuturan ng kaniyang puso ay naroon ang saya na hindi matatawaran dahil nakasama niya kagabi si Edward. Hindi niya lang maipaliwanag kung bakit napansin iyon ni Dianne sa kabila ng edad nito. For goodness sake! Apat na taong gulang pa lang ang anak niya at marunong ng magbasa ng nararamdaman ng isang tao. "Birthday ko kahapon, right?" Tumango ito. "That's why I am happy. And besides I am done renewing my driver's liscense." Sumigla ang boses nito. "Really, mommy?" "Yes, baby." "Happy birthday again, mommy. I am just so sad there's no big party on your birthday." "It's okay, baby." Lihim siyang napangiti. Mabuti na lang at hindi siya pumayag na magpa-party kahapon. Hindi niya sana makakapiling si Edward. Halos taon-taon tuwing sasapit ang kaarawan niya ay lihim niyang hinihiling na sana ay magkita sila ni Edward. At kahapon ay natupad iyon. Sapat na para sa kaniya na makapiling ang lalaking mahal sa gabi ng birthday niya. "I am always happy as long as you are here with me, baby." Niyakap niya ang anak at hinalikan ang noo nito. "Yes, mommy. And daddy of course." "....and daddy," usal niya at pilit na pinasigla ang boses para hindi ito makahalata sa inis na namamayani sa dibdib niya. Ilang beses na niyang nahuli na nambababae si Daniel. At sa tuwing kokomprontahin niya ito ay palaging sa kaniya pa ang sisi. Ang rason nito ay, "Lalaki ako, Celestine, kaya huwag kang magtataka kung nambababae ako. Magtaka ka kung nanglalalaki ako." Tila ipinagmamalaki pa nito ang pagiging babaero kaya minsan ay naiiisip niya na makipaghiwalay na lang, subalit iniisip niya ang kapakanan ni Dianne. Ayaw niya na lumaki ito na hindi sila buo bilang isang pamilya. "Daddy didn't go home yesterday, mommy," wika ni Dianne mayamaya. "Did you two have a date last night? Daddy said he is going to treat you on your birthday." Mas lalong nadagdagan ang inis sa dibdib niya dahil sa narinig. Gusto niya sanang sabihin sa anak na nakipag-date nga ang ama nito, pero sa ibang babae at hindi sa kaniya. Subalit ayaw niyang masaktan ang anak. Napakataas ng pagtingin nito sa ama. Para kay Dianne ay ulirang ama si Daniel. Matapos silang mananghalian ay inutusan niya ang yaya na linisan si Dianne. Natapunan kasi ng tubig ang damit nito. Umakyat naman siya sa pangalawang palapag ng bahay at pumasok sa kuwarto. Bukas na lang siya pupunta sa beauty salon. Pagod siya kaya magpapahinga na lang siya buong maghapon. Humiga siya sa kama at napatitig sa ceiling ng kanilang kuwarto. Tila nakikita niya roon ang mukha ni Edward. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa kaniyang isipan ang pinagsaluhan nila buong magdamag. Kung pahihintulutan ng tadhana, ay gusto niya na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila ng lalaking iniibig. Papikit na ang mga mata niya nang bigla na lang tumunog ang cellphone na naroon sa loob ng purse. Agad niya iyong kinuha sa pag-aakalang si Edward ang tumatawag. Kinuha kasi nito kanina ang number ng cellphone niya at nangako na tatawagan siya. Napasimangot siya nang mabasa sa screen ang pangalan ni Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD