Chapter 2

1011 Words
Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ni Celestine. Naroon sa tabi niya si Edward, nakapulupot ang isa nitong kamay sa tiyan niya. Mahimbing ang pagtulog nito at humihilik pa. Muli ay hindi niya mapigilang mapangiti. Tila wala pa ring kupas si Edward pagdating sa kama. Hindi niya mabilang kung nakailan sila. Ang alam niya lang ay masaya siya sa nangyari sa kanilang dalawa ngayong gabi. Nagkasya na lang siyang pagmasdan ang mukha ng lalaking iniibig. Wala siyang maipintas sa hitsura nito. Guwapo ito. Katunayan ay iilang babae na rin ang naghahabol dito noong sila pa at kadalasan ay napag-iinitan pa siya ng mga iyon. Minsan ay nagsisisi siya kung bakit hindi niya naipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Kung bakit bigla na lang siyang umalis at nagpakalayo-layo. Tuloy hanggang ngayon ay hindi siya maka-move on kahit siya pa itong nang-iwan kay Edward. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Pasimple niya iyong pinunasan at bahagyang ngumiti. Gamit ang kabilang palad ay marahan niyang pinasadahan ang malagong buhok ni Edward. Dahan-dahan niyang inilapit ang labi sa noo nito at kinintalan iyon ng masuyong halik. "I love you, War," usal niya. "Please forgive me." Umunan na siya sa braso nito at ipinikit ang mga mata. Sari-saring alaala ang nagsasalimbayan sa utak niya at kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Tila mailap sa kaniya ang antok. "Babe...hmmm," usal ni Edward nang nakapikit ang mga mata. "Please try to sleep." Hinaplos niya ang braso ni Celestine saka kinabig ito payakap sa dibdib niya. Napangiti siya nang maramdaman ang isang matigas na bagay na tumutusok sa kaniyang tiyan. Nakadapa na kasi siya sa ibabaw ni Edward. Wala pa rin silang saplot at tanging isang malapad na kumot lang ang nakatakip sa kanilang katawan. Komportable naman siya sa kanilang posisyon kaya inilapat niya ang kabila niyang pisngi sa didbib nito at pinilit na makatulog. "I love you, Ce," bulong niya. Kahit narinig iyon ni Celestine ay mas pinili niyang huwag magsalita. Nanatili siyang nakadapa sa ibabaw nito habang iniisip kung paano bubuksan ang paksa tungkol sa totoong nangyari sa nakaraan. Kung bakit bigla na lang siyang nawala na parang bula matapos ang gabi ng kaniyang pakikipaghiwalay. Mahal niya si Edward. Mahal na mahal. Ito ang una niyang pag-ibig. At hanggang ngayon ay ito pa rin ang laman ng kaniyang puso. Alas kuwarto ng umaga nang magising siya. Nakadapa pa rin siya sa tiyan nito at ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Muli ay hindi na naman niya mapigilan ang sarili, hinaplos niya ang mumunti nitong balahibo sa dibdib pataas sa leeg nito hanggang sa dumako ang kamay niya sa maliliit na buhok na tumutubo sa baba nito. Kusa siyang umalis sa ibabaw nito. Humiga siya nang patagilid paharap kay Edward nang sa ganoon ay makapag-usap sila nang maayos. Balak niya na kasing lisanin ang hotel mayamaya. Kailangan na niyang umuwi at baka naghihintay na sa kaniya ang sariling anak. Tuluyan ng nagising si Edward. Ngumiti ito saka hinaplos ang likod ng babaing mahal. "You are still the Celestine I love before. Ang babaing hanggang ngayon ay itinitibok pa rin ng aking puso." "Thank you," masaya niyang tugon. "I am happy to know that I still have an effect on you." Hinawakan ni Edward ang kamay ni Celestine at idinampi iyon sa sariling dibdib. "Kahit iniwan mo ako noon ay hindi ka nawala rito." Nagbago ang reaksiyon ng mukha ni Celestine. Oo, inaamin niya na siya ang nang-iwan, subalit nagsisisi na siya. Kung alam niya lang na napakahirap ng buhay na makisama sa taong hindi niya mahal ay hindi na siya pumayag sa plano ng kuya niya na magpakasal sa isa sa mga kaibigan nito. Muling nakatulog si Celestine. Nanariwa sa alaala ni Edward ang kanilang nakaraan habang hinahaplos niya ang likod at braso nito. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang babaing pangarap niya kahit na nagpakasal ito sa iba. Ngayong nagkita silang muli ay hindi na siya papayag na mahiwalay pa ito sa kaniya. Kung kinakailangan niyang magmakaawa para lang balikan siya nito ay gagawin niya. Sampung taon na ang lumipas simula nang hiwalayan at iwanan siya ni Celestine. Sampung taon na dumaan sa buhay niya na tila isang masamang panaginip. Isang bangungot na pilit niyang tinatakasan. Gumalaw siya mula sa pagkakayakap ni Edward. Napangiti ang huli saka tumingin sa nakapikit pa ring mga mata ni Celestine. Bumaba ang kaniyang paningin sa mala-rosas nitong labi at muli ay naramdaman niya ang pagdaloy ng init sa buo niyang katawan. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto sa kaniya ng babaing kayakap. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Celestine. Napakunot ang noo niya nang masilayan ang mukha ni Edward. Segundo lang ang dumaan nang maalala niya na narito sila sa isang hotel. "Good morning, Ce," masiglang bati ni Edward sabay halik sa labi nito. "Happy birthday again." "Tapos na ang birthday ko, War. Kahapon pa and I am glad I got to spend it with you." Tinapunan niya ng tingin ang isang bote ng mamahaling alak na nakapatong sa bedside table katabi ang lampshade at dalawang baso. Kahapon ay hindi sinasadyang magkita sila ni Edward. Birthday niya kasi kahapon at kailangan niyang i-renew ang driver's liscense niya kaya nagpunta siya ng Tagaytay. Plano niya rin kasi na mamasyal mag-isa pagkatapos ma-renew ang kaniyang lisensiya bilang regalo na rin sa sarili. Kararating pa lang niya sa LTO Tagaytay nang matanaw niya ang kotse ng kaniyang asawa na naka-park malapit sa Mahogany Market. May nakasandal na babae sa hood niyon kaya nagtaka siya dahil tila ito ang may-ari ng sasakyan. Lalapit na sana siya nang mapansin niyang papalapit na rin ang asawa niya sa kinatatayuan ng babae. Bumangon ang galit sa dibdib niya nang agad na hinalikan ng asawa niya ang babaing iyon sa mismong labi. Kumapit pa ang babae sa batok ng asawa niya at ilang minuto rin ang itinagal ng halik na iyon. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Hindi niya matanggap na hanggang ngayon ay niloloko siya ng sariling asawa. "May problema ba, Ce?" nag-aalalang tanong ni Edward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD