Chapter Eleven

628 Words
Pria Residence April 02, 2015 10:00 AM   Natulala si Inspector Zapanta sa kanyang nasaksihan. May sa-demonyo nga itong si Rick Pria, iyon ang unang pumasok sa isipan niya. Ngayon lang niya gustong maniwala sa mga pinagsasabi ng media. Nilingon siya ng kasa-kasama niyang si Detective Andy. Nakapameywang ito. “Oh, anong masasabi mo?” Hindi siya makapagsalita. Umabante siya at nilibot ang kanyang mata sa buong sulok ng kwarto. Hindi lang silang dalawa ni Andy ang naroroon. May dalawa ring officer na nagche-check ng mga gamit. Isa sa kanila ay kumukuha ng mga larawan. Puno ng mga itim na kandila ang kwarto ni Rick Pria, may iba pa ngang nakabaliktad ang pagkatayo. May mga nakapintang mga simbolo sa dingding gaya na lang ng simbolong naukit sa binti nung bata: iyong baliktad na bituin. Pero hindi lang iyon, naroroon din ang tanyag na triangle na may mata sa loob (all-seeing eye), ang numerong 666, iyong magkapatong na dalawang triangle (hexagram). Nang isara kaunti ni Homer ang pintuan ng kwarto, kanyang nakita ang nakasabit na baliktad na krus. Pinutakte ng iba’t ibang klase ng simbolo ang kwarto ni Rick Pria. Ang ilan doon ay kilala ni Homer, nakita na kasi niya ang mga iyon sa balita. Ang iba naman ay bago lang sa kanyang mga mata. “Inspector,” tawag nung isang officer sa loob. Sabay na lumapit sina Andy at Homer. Isang spot sa sahig, malapit sa isang desk ang itinuturo sa kanila nung officer. “May bakas ho ng dugo rito.” Nilapit ni Homer ang mukha niya. Sinuri ang parang natuyong lupa na kulay dark red. Napatango nito si Homer. “Dugo nga iyan.” Pinindot niya ang kanyang dispatcher at nakiusap sa iba niyang kasama. “Magpapasok kayo ng mga forensics dito sa loob, sa kwarto ni Rick Pria.” Naka-cross-arms na nagsalita si Andy, “Ngayon pa lang, malakas ang paniniwala kong si Rick Pria nga ang salarin.” “Andy, hangga’t wala tayong matibay na ebidensya, wala pa tayong maidedeklarang suspek.” Napangiwi nito si Andy, “Huwag mong sabihing nagdadalawang-isip ka pa rin? Tignan mo nga itong paligid Homer.” Tinuro niya ang star na symbol. “Recognize that? Iyan ang Sigil of Baphomet, na siyang bigla na lang lumitaw sa binti ni Rick kagabi. At ang pagsunog mismo kay Diane? Iyong dalawang incident na iyon ay nangyari sa loob ng isang araw. It’s obvious Homer. Magkakonekta ang dalawa. Doesn’t it ring a bell to you?” “Oo, alam ko Andy. Huwag mong ipalabas na mahina akong mag-isip. Noong i-turn over pa lang itong kaso sa akin, naisip ko na iyan. Ang punto ko lang, paano ko naman ito gagawan ng report? Isang satanic na bata, sinunog ang kanyang madrasta gamit ang apoy ng impyerno? Tch. Alam mong hindi pupwede ang ganoon. I need more solid proof.” “Basta, ngayon pa lang, duda na ako sa batang iyon.” “Ano naman ang magiging motibo niya aber?” Nangiti si Andy, “Kung akala mo, ikaw lang ang nakapagtanong-tanong, pwes para sabihin ko sa’yo, parehas na tayo ng mga nalalaman. Alam kong pinagmamalupitan itong si Rick Pria ng madrasta niya. Doon pa lang, maiisip mo na ang buong kwento.” Tumabi sa gilid ang dalawa nang dumating na ang isa sa mga forensics. Tinitigan ng dalawa ang mga ito sa pagkuha ng sample. “Inspector,” sambit naman ng isa pang officer, ang isang nangangalkal ng gamit. May hawak-hawak itong notebook. Ibibigay na sana ito sa dalawa nang may nagsalita sa dispatcher ni Homer. “Inspector, narito na po ang hinahanap niyo.” Napatingin si Homer kay Andy. “Alin doon?” sabi niya sa kausap. “Renz Pria.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD