Chapter Ten

456 Words
Pria Residence April 01, 2015 7:33 AM   Pinasya ko nang patayin ang computer. Bumalik ako sa kwarto ko, ni-lock ang pinto at nag-squat sa tabi ng kama pakuha sa nakatagong lata ng black paint na binili ko kailan lang. Mamaya o bukas, makikita nila kung gaano kaganda ang kwarto ko. Mamaya o bukas, iisipin na talaga nilang demonyo ako. Sigil of Baphomet, inverted pentagram, ang simbolong baliktad na star. Isang satanic symbol. Iyan pala ang kulang kong simbolo sa koleksiyon ko. Siya na lang ang hinihintay ng nag-iisang space sa dingding ko. Sinawsaw ko ang brush sa lata ng paint at nag-drawing ng mga linya. Hindi ko na pinaganda pa, wala naman ako sa school, hindi naman iyan ge-grade-an. Basta, naiintindihan namang baliktad na star symbol iyan, okay na ako. Hindi ako isang devil-worshipper. Parte lang ito ng aking plano—plano ng panlilinlang, plano ng paghihiganti. Gusto ko lang na isipin nila na isa akong demonyo. At madali lang talaga iyon, makikitid naman kasi ang mga utak ng mga tao rito sa bayan ng San Isidro. Minsan, noong pasukan pa, hindi ko sinasadyang nakabuo ako ng triangle sa dalawa kong kamay, si Dindin, na isa sa mga ispiya ko ay binigyan agad iyon ng pakakahulugan. Tinuro niya ‘yung kamay ko at sumigaw ng ”Anti-Christ!” Hindi lang ata ito sakit ng San Isidro, kung sakit na rin ng halos karamihan sa Pinoy. Ang galing galing ng ilan sa atin sa pagbibigay ng kwento sa bawat simbolo. Makakita lang ng triangle, anti-christ na. Makakita ng numerong 666 o kaya ay 13, mamalasin na raw. Mabalitaan lang na hindi ako nagsisimba, iisipin nang hindi ako naniniwala sa Diyos. Bakit ba lahat na lang ng bagay, kailangang bigyan ng kahulugan? Mga nagsisimba lang ba ang mga mabubuti? E paano ang mga mabubuting taong napadpad sa isang lugar na walang simbahan at hindi nakapagsimba, masama na? ‘Ang mga lumalapit lang daw sa Diyos ang pinagpapala. So, mayroon palang favoritism? Akala ko ba sinasabi nila, lahat ng tao ay mahal ng Diyos? Hindi ako galit sa Diyos. Galit ako sa mga maling pag-iisip ng mga tao. Galit ako sa mga panghuhusga nila. Galit ako sa pag-iisip nilang mas angat sila kaysa sa akin. Na dahil madalas lang silang magsimba, na relihiyoso sila, na memorized nila ang lahat ng mga verses ng Bible, at ako hindi, eh may karapatan na silang alipustahin ako. Na inaasar ako na anong klaseng tao raw ako? Tangina. Kailangan ko silang turuan ng leksyon. Kailangan kong kumilos. At siyempre, hindi ko iyon gagawin nang direkta. May scenario akong naiisip. Isang scenario na gugulo sa kanilang mga isipan. Dadahan-dahanin ko ang pagturo ko sa kanila ng leksyon. Nangingiti ako. Mukhang magiging masaya ito.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD