Chapter Twelve

612 Words
Pria Residence April 01, 2015 7:59 AM   Narito na si Diane. Naririnig ko na ang mabibilis niyang paglakad sa ibaba. Patay ako niyan. Kapag pangalan ko agad ang sinigaw niya, alam ko na agad ang dahilan. Posibleng nakita na niya ang katamaran ko, na hindi ko tinabunan iyong pusa. “Justin?!” dinig kong sigaw niya. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang din at isa si Justin sa mga bukambibig niya. Binalik ko ang lata ng paint sa ilalim ng kama at nag-alcohol na lang. Ayokong pumaibaba para maghugas ng kamay at baka makita na naman ako. Umupo ako sa may desk. Nilabas ko ang journal ko—hindi diary, tunog pambabae kasi. Binuklat-buklat ko ang mga pahina at binasa ang ilang pahina sa huling entry. Siyam na taong nakalista, in-order. Siyam na taong maghahatid ng kaguluhan sa mga utak ng mga imbestigador. Nangingiti ako sa magiging reaksyon nila kapag nakita nila ito—baka bukas, o sa makalawa? Tinignan kong muli ang kwarto ko. Napangisi ako nitong muli. Perfect na nga ang palabas ko. Nakapameywang ako mula sa pagkamangha sa silid ko nang maistorbo ako sa narinig kong yabag sa hagdan, paitaas. Napalingon ako sa ingay. “Diane, ayoko nang gawin ito.” Boses iyon ni Justin. “Anong ayaw mo? May pang-bayad naman ako ah? Anong akala mo sa akin?” At umabante uli ang paglakad nilang dalawa. “Ano? Eh isang linggo mo na kayang dini-delay ang bayad mo. Saka iyong sa bakery, iyong sweldo ko, hindi mo pa rin binibigay.” Iba pa ang hinihingi niyang sweldo mula roon sa nauna niyang hinihinging bayad? Bayad saan? “Ang kulit mo.” Dinig kong napabuga si Diane ng hangin. “Okay, magwi-withdraw ako nito siguro bukas o sa makalawa. Okay na, masaya ka na?” Doon ko na narinig ang agresibong paghalik ni Diane kay Justin. Nadama ko rin ang malakas na pagkasandal ng kung sino man sa kanilang dalawa sa pader. Napuno ng hmmm-hmm na ingay ang tabi ng kwarto ko. Napakunot-noo ako. Hindi na bago para sa akin na nagtatalik sila nang madalas. Hindi man nila aminin, madali pa rin iyong mapansin sa kung paano nila tratuhin ang isa’t isa sa ibaba, kapag nasa harap na sila ng ibang tao. Pero ang buong akala ko ay ginagawa lang nila iyon nang dahil gusto nila ang isa’t isa. Hindi ko naman alam na may dawit pa palang pera rito. Sabagay, sino ba namang lalaki ang magkakagusto sa tulad ni Diane? At sa hitsurang meron si Justin, natitiyak kong mas gugustuhin nito ang magkarelasyon ng kapantay nito, hindi ng isang matandang halimaw na gaya ni Diane. “Huwag,” sabi ni Justin papakuwala sa mga halik sa kanya. “Hindi ko ito gagawin kung wala ka pang binibigay na—” “—binibigay na ano? Pambayad? Bakit ba atat na atat ka?” Napabuntong-hininga si Justin. “Iyong kapatid kong si April, nasa ospital, kailangan niya ng pambayad.” Katahimikan. “At kung tatakas ka na naman sa mga utang mo,” patuloy ni Justin, “hindi ko na gagawin ito, sumusobra ka na. Nagsasayang lang ako ng oras sa iyo.” Pababa naman ang tunog ng paa. “Okay, kailangan mo ng pera? Sige. Mayro’n pa naman ako kahit papaano,” sabi ni Diane. Nagmadali ito sa pagpasok sa kanyang kwarto at nangangalkal sa kanyang mga drawer. Ang lalakas ng paghugot at pagsara ni Diane sa kanyang mga drawer. Maya’t maya, maririnig ko ang, “Asan na iyon? Asan na iyon?” Hanggang sa narinig ko na nga ang isa na namang bangungot ko. “RICK!!!”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD