Episode 2

1348 Words
Rhaine's POV "Miss Atienza?" Tawag sa akin ng isang ginang na sa tantiya ko ay nasa edad na 35 years old. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. "I'm Miss. Atienza po." Magalang kong ani dito. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at ibinalik muli ang tingin sa aking mukha sabay ng pagtaas ng kanyang isang kilay kaya nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya. "Wait here! Kapag lumabas na yung isang nainterview ay pumasok ka na agad, don't wait for someone to call your name, understood? Wika nya na may katarayan. "O-Okay po" Pagsagot ko dito na medyo pumiyok pa ako. Hindi nagtagal ay may lumabas na isang magandang babae na sa tingin ko ay ang ininterview, malalaki ang kanyang mga ngiti kaya medyo nakaramdam ako ng pagkadismaya, mukhang naging maganda ang resulta ng kanyang interview kaya siguro ganoon na lamang ang laki ng kanyang mga ngiti. Sinundan ko ng tanaw ang babaeng kalalabas lamang na halos mag otso-otso ang balakang at pwet sa pagkembot habang papalabas ng building. "Tatayo ka na lamang ba d'yan ha Miss. Atienza?" Isang baritonong boses ang gumulantang sa akin at napatayo ako ng tuwid. Mabilis kong inayos ang aking sarili at tumungo na agad sa loob ng opisina. "Good afternoon sir!" Bati ko sa isang lalake na nakaupo sa swivel chair at nakayuko at may binabasang dokumento. Napatingin ako sa binabasa nya at ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko na mga dokumento ko na pala ang kanyang binabasa. Tumaas ang kanyang mukha at tumingin sa akin, halos malaglag ang panga ko habang tinititigan ko ang mukha ng lalakeng ito sa aking harapan. Panginoon ko ngayon ko lamang nalaman na totoo palang may ganito kagwapong nilalang at ngayon nga ay nasa harapan ko na. Napaka gwapo nya, ang mapula nyang labi na binagayan ng sobrang tangos na ilong, Bilog at kulay berdeng mga mata, perpektong hugis ng kanyang mga panga at maputi at makinis nitong balat. At kahit naka three-piece suit sya ay makikita mo ang matipuno n'yang pangangatawan na para bang kay sarap yakapin. "Are you done inspecting me?" He said. "Hindi pa!" Wika ko na biglang napatakip ako ng kamay sa aking bibig. " I-I mean yes po, I mean hindi ko po kayo iniinspeksyon, sorry po." Napayuko ako at halos hindi na makatingin sa kanya dahil sa sobrang pagkapahiya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago muling nagsalita. "My name is Ryven James Vance. The owner of LaCuèsta italian restaurant, at ako ang mag iinterview sayo." Pagpapakilala nya. "What is your name?" Tanong nya sa akin. "Raine Marie Atienza po sir." Ani ko at hindi ko na binanggit pa ang apelyido ng aking ina. "Ano tinapos mo?" Tanong nya pa sa akin. "Sir high school lang po, mahirap lang po kasi ang pamilya ko at ako lang po ang tumutustos sa mga..." He cut me off. "I don't want to hear your life story Miss. Atienza." He said at medyo napahiya naman ako. "So-Sorry po." Ani ko ng nakayuko. "And stop saying sorry!" Ani niya sa akin. "So-Sorry po" Muli kong paumanhin at pinagtaasan nya lang ako ng isang kilay. "So, ano-ano ang kaya mong gawin, can you cook? Do you know anything about italian food?" He asked. "Marunong po ako magluto ng italian food, marami po akong alam na italian food na natutunan ko pa po sa aking inang namayapa." Proud kong ani dito habang nakangiti na ako. Napatingin s'ya sa aking mukha at kumunot ang kanyang noo. "Really huh!" Wika nyang parang ayaw akong paniwalaan. "Give me 10 of your italian specialty." Ani nya sa akin kaya naman umayos ako ng aking pagkakaupo at nagsimula akong magsalita. "Lasagna Bolognese sir. It’s made with fresh layers of lasagne sheets, bechamel sauce, bolognese sauce, and plenty of parmesan cheese. Whatever the occasion, you can’t go wrong with my classic Lasagna Bolognese sir." "Veal Milanese sir. It is made with breadcrumbs, spices, and herbs and fried in butter to give the veal Milanese an unmistakable flavor, it is one of my mom's favorite." "Gnocchi Sorrento sir. The soft gnocchi are lightly baked, and the bubbling creamy cheese and mozzarella are hard to beat. Once you taste it you will never forget it." "Spaghetti Carbonara sir. Carbonara is another classic Italian pasta dish made with simple ingredients and bursting with flavor. It is made with egg, cured pork, hard cheese, and black pepper. The cheese is usually Pecorino Romano or Parmigiano-Reggiano. The taste and the flavor are strong that you can never go wrong." "Antipasto Italiano sir. Typical ingredients include cured meats, olives, mushrooms, pepperoncini, anchovies, various cheeses, and artichoke hearts. Once you taste it, you will definitely fall in love with the taste." "Cavatelli sir. Cavatelli is small pasta shells from eggless semolina dough commonly cooked with garlic and broccoli. Variants add cheese to the dough mix. It’s simple but made the right way, intensely flavorful. If you want to relax, try my Cavatelli sir." "Fettuccine Alfredo sir. Fettuccine Alfredo is a fresh pasta dish made with fettuccine, butter, and Parmesan cheese. As the cheese melts, it forms a smooth and creamy sauce coating the pasta. You can use Alfredo to coat broccoli and partner with crispy chicken. Just like my wonderful father's name. Alfredo." "Pork Baciola sir. Known in Italy as Involtini, Braciola is a meat chop or cutlet wrapped or rolled around a stuffing. Often browned, then baked or braised in wine or stock, you can fill them with anything. It is combined with breadcrumbs and parmesan cheese and finished in a tomato sauce. Fresh tomato sauce will add more sweet taste to it than the can one. Fresh and sweet like me." "Pizza Margherita sir. To get a full authentic Italian experience, you have to go with the Margherita. Simple, fresh, and flavorful, Pizza Margherita is made with tomatoes, mozzarella, fresh basil, and olive oil and baked at high temperatures for a crispy-on-the-outside crust. Just like how much I want to crust you" " And last but not least." "Ravioli sir. Ravioli is a type of pasta made with filling, usually served in broth or with a sauce. I ravioli you." And then I smiled at him. Nakikita ko ang gulat at pagkamangha sa akin ni Mr Vance. "What the? How did you know all of that recipe?" Manghang tanong nya sa akin. "Natutunan ko po 'yan sa aking ina nung s'ya po ay nabubuhay pa." Wika ko sa kanya. "You mean chef sya dati ng isang italian restaurant?" Tanong nya. "Hindi po, mahabang istorya po pero isa lang po masasabi ko, lahat po ng alam ni nanay sa pagluluto ng italian food ay naituro nya po sa akin." Nakangiti kong wika. Tumango-tango lang sya at may isinulat sya sa hawak nyang dokumento. "Ang mga chef na hinihire ko dito ay yung mga nakapag tapos ng kursong HRM." Wika nya na nagpalaglag ng balikat ko. "Pero pwede kang maging assistant ng mga chef para mas marami ka pang matutunan. You can come back tomorrow para isalang kita sa kusina at ng makita ko kung ano pa ang kaya mo." Wika nya na nagpangiti sa akin. "Ibig nyo po bang sabihin sir tanggap na ako?" Masaya kong ani. "You can say that." Ani nya na nakatitig sa aking mukha. Sa sobrang saya ko ay napatayo ako at tumakbo sa tabi nya at niyakap ko sya ng mahigpit. "Thank you, sir thank you po talaga!" Masayang-masaya kong ani hanggang sa narealize ko ang aking ginawa at dahang-dahan na inalis ang pagkakayakap sa aking bagong amo. "Si-Sir huwag nyo po akong tatanggalin parang awa nyo na po." Ani ko dito, hindi pa nga ako nagsisimula ay may nagawa na agad akong kapalpakan. "You may leave now." Wika nya na di tumitingin sa akin at panay lunok lamang ng kanyang laway. "Sorry po ulit sir na carried away lang po ako. Salamat po." Ani ko at masaya na akong lumabas ng kanyang opisina. "Wooohoooo!" Malakas kong sigaw sabay taas ng dalawa kong kamay pagkalabas ko ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD