Raine's POV
"Ate titigil na lang ako sa pag aaral para matulungan kita sa paghahanap buhay at makatulong na din ako sa pag papaaral kay bunso." Wika ni Raniel na nagpatigil sa paglilinis ko ng isda na uulamin namin ngayong tanghalian. "Walang titigil ng pag-aaral sa inyo ni Roxanne, Raniel. Yan na lang ang kaya kong maibigay sa inyo ang makapag tapos kayo sa inyong pag aaral." Wika ko at namewang pa sa harapan nya. "Pero ate naman naaawa na ako sayo pati ang gabi ginagawa mo ng araw mapag aral mo lang kami, pwede namang huminto muna ako ng isang taon at si Roxanne muna ang pagtulungan natin hindi ba?" Wika naman ni Raniel.
"Hindi mo kaylangang huminto sa pag-aaral mo Raniel, nandito naman ako para tulungan kayo ng ate mo." Biglang wika ni Adrian na nagpagulat sa aming magkapatid. "Adrian nandyan ka pala, nakakagulat ka naman." Wika ko ng tumatawa.
Si Adrian Samaniego ay kababata ko at best friend pa. Lagi syang nandyan upang tulungan kami ng aking mga kapatid, minsan nga ay nahihiya na ako dahil halos araw-araw nagdadala sya ng uulamin namin at bigas. "Napadaan lang ako Ulan." Ani nya, Ulan ang tawag nya sa akin dahil dahil daw tunog rain ang pangalan kong Raine. Nasanay na rin naman ako na tinatawag n'yang Ulan.
"Dito ka na kumain ha." Pag-anyaya ko sa kanya. "Ikaw naman Raniel tigilan mo 'yang mga iniisip mo na maghihinto ka sa pag-aaral dahil hindi ko hahayaan na tumigil ka sa pag-aaral mo." Wika kong muli kay Raniel na napayukyok ang ulo sa lamesa.
"Ulan mamaya dadaan ako dito mga bandang alas siyete ng gabi ha" Saad ni Adrian. "Ha? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong dito. "Ako na maghahatid sayo sa pinapasukan mo, ako na rin susundo sayo pag out mo para tipid ka na rin sa pamasahe." Ani nya.
"Naku Adrian wag na! Ako na lang ang uuwi mag-isa nakakahiya naman sayo, five am pa ang tapos ng trabaho ko." Wika ko sa kanya. "Ano ka ba Ulan ha, gising na ako nuon alam mo namang ganong oras ako gumigising dahil ako na ang namamahala sa business ng daddy ko kaya maaga akong pumapasok ng opisina." Wika pa nya kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya at di ko na pinilit pa ang gusto ko dahil alam ko namang hindi sya titigil ng pangungulit kaya hinayaan ko na lang sya.
Namatay ang mga magulang namin three years ago, I was 17 years old when they passed away in a car accident. I am now 20 years old, mula ng mamatay sila ay ako na ang nagtaguyod sa dalawa kong kapatid. Ako ang naging tatay at nanay nila sa loob ng tatlong taon, at sa loob ng tatlong taon na 'yon walang sawa si Adrian na tinutulungan ako. Talagang nahihiya na ako sa kanya pero s'ya naman lagi ang mapilit kahit anong tanggi ang gawin ko sa kanya. Minsan nga pag uwi ko galing sa trabaho ay inaabutan ko na lang ang mga de lata at bigas na nakapatong sa lamesa namin at may note pa sya lagi na hindi ko dapat tanggihan ang tulong nya kung hindi ay magagalit sya, kaya wala na rin akong magawa kung hindi tanggapin ang mga tulong nya at pasalamatan sya ng buong puso. "Raniel, maghain ka na at malapit na akong matapos sa pagluluto at ng dito na kumain si kuya Adrian mo." Wika ko sa kapatid ko. "Sige ate at tatawagin ko na rin si Roxanne at ng makatulong sya." wika pa nya.
Natapos ang masaya naming tanghalian at nagpaalam na rin si Adrian dahil dadaan pa daw sya sa kanyang opisina.
May kaya sa buhay si Adrian at ang pamilya nya, ang nanay ko at mommy nya ay mag kaibigang matalik kaya din siguro naging malapit kami sa isa't isa at lumaki din kaming parang magkapatid na dalawa. "Ate sabi nga pala ni aling Lorna may bagong bukas na Italian restaurant malapit sa Hamilton hotel baka daw gusto mong mag apply duon at nagha hire daw ng mga tauhan ngayon duon at ang may ari daw mismo ang nag iinterview. LaCuèsta yata yung sinabi nyang pangalan ng restaurant." Mahabang wika ng aking kapatid. Nanlaki ang aking mga mata, tamang-tama tapos na kontrata ko sa isang work na pinapasukan kong restaurant din.
"Sige maliligo lang ako at mamaya-maya ay pupuntahan ko si aling Lorna at itatanong ko ang tungkol dito para mapuntahan ko na." Ani ko sa aking kapatid at nagmamadali ko ng tinungo ang aking silid.
Pumasok ako sa aking silid upang kumuha ng ilang gamit pampaligo, iisa lang kasi ang banyo namin at naduon pa sa may kusina.
Matapos kong maligo ay dali-dali akong tumungo kila aling Lorna upang magtanong tungkol sa trabahong sinasabi nya sa kapatid ko at kung ano-anong dokumento ba ang kailangan ko upang makapag apply.
"Naku ineng bilisan mo at pila yung nag aapply ngayon duon, aabot ka pa naman kung aalis ka na ngayon, maraming bakante tulad ng waitress, helper sa kusina, janitress at cashier kaya magmadali ka na at ng umabot ka." Wika nya sa akin kaya nagpasalamat na ako sa kanya at mabilis na umuwi upang makapag handa ng mga dokumentong kaylangan at nagbihis na din ako. Isang white polo na halatang luma na hanggang siko ang manggas pero hapit sa aking katawan na tinernuhan ko ng isang pencil cut na skirt na kulay black at isang 2 inches na simpleng sapatos.
Humarap ako sa salamin at napangiti ako, nilugay ko lamang ang aking mahabang unat na unat na buhok at naglagay lamang ako ng manipis na make up, pagkatapos ay muling sinuyod ko ang aking sarili sa harap ng salamin at napangiti. Kahit luma na ang aking suot ay hindi maitatago ang aking gandang minana ko pa sa aking ina, may lahi kaming italyano ngunit ang mga magulang ko ay itinakwil ng aming mga lolo at lola dahil sumama ang aking ina sa aking ama na mahirap lamang. Ang buong pangalan ko ay Rhaine Marie Antonetti Atienza. Antonetti ang apelyido ng aking ina.
Nang makuntento ako ay mabilis na akong nagpaalam sa aking mga kapatid at nagtungo na ako sa restaurant na aapplayan ko.
Habang nasa jeep ay panay ang dasal ko na sana ay isa ako sa matanggap kahit na janitress lamang, kailangang-kailangan ko talaga ngayon ng isa pang trabaho dahil bukas na ang huling araw ng kontrata ko sa isa kong pinapasukan na fastfood chain.
Hindi rin nagtagal ay narating ko ang LaCùesta restaurant, Namangha ako sa ganda nito at ang mga nakaparadang sasakyan sa harap ay iiwasan mong mabangga o madumihan man lamang dahil kahit yata buong buhay ako magtrabaho ay di ko kayang mabayaran kapag nagasgasan ko kahit kapiraso ang isa sa sasakyang nasa harapan nito.
Papasok na sana ako sa loob ng mapansin ko ang guard na nakatayo. "Ah manong guard saan po ba ako pwedeng mag-apply?" Tanong ko kay manong guard. "Naku ineng makipila ka na sa kanila!" Sabay turo sa may gawing kanan ko na pila ng mga aplikante. Halos malaglag ang panga ko sa haba ng pila. "Panginoon ko! Matanggap pa kaya ako dito sa dami ng mga nakapilang aplikante?" Tanong ko sa aking sarili ngunit nakipila pa rin ako sa kanila. Bahala na! Makikipagsapalaran pa rin ako tutal naman nandirito na rin naman ako at wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko.