Episode 3

1620 Words
Ryven's POV Pagkalabas ng isa sa aking ininterview ay may napansin akong babae na nakatayo sa may pinto at sinusundan ng tanaw ang babaeng katatapos ko lamang tikman, I mean interbyuhin. Kahit nakatagilid sya at kalahati lamang ang nakikita ko sa kanyang mukha ay masasabi kong napakaganda nya at kahit luma at simple lamang ang kanyang suot ay makikita mo ang ganda at hubog ng kanyang katawan. Dahil gusto kong makita ang kabuuan ng kanyang mukha ay nagsalita na ako. "Tatayo ka na lamang ba dyan ha Miss. Atienza?" Wika ko na nagpapitlag sa kanya at agad-agad ay humarap sa akin. Nabigla ako ng ng humarap sya sa akin. Sobrang ganda nya at hindi sya mukhang purong filipina. Ngumiti sya na nagpalunok ng laway ko, may kung anong nabubuhay sa aking dibdib na hindi ko maintindihan. Sa simpleng pagngiti nya ay parang nagtatambulan sa pagtibok ang aking puso. Pumasok s'ya sa loob ng aking opisina at mabilis akong nagyuko ng ulo at nagpanggap na binabasa ang kanyang mga dokumento pero sa totoo lang ay hindi ko nga maintindihan ang mga nakasulat duon dahil ang isip ko ay punong-puno ng maganda nyang mukha. "Are you done inspecting me?" Wika ko ng makita ko syang nakamaang na nakatitig sa akin at mukhang pinagpapantasyahan pa ang katawan ko ng magandang nilalang na ito na nakatayo sa aking harapan. Nakakatuwa ang reaksyon nya kapag nagugulat sya kaya parang napakasarap nyang asarin. Nabigla din ako kung ano ang kaya nyang gawin, kung susuriin sa kanyang pananamit ay di mo mababakasan na may mga alam sya sa pagluluto ng italian specialty dishes. Nacucurious tuloy ako sa babaeng ito. Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha habang ipinagmamalaki nya sa akin ang mga italian dishes na natutunan nya raw sa kanyang yumaong ina, so ulila na ba sya? Sino ang nag aalaga sa kanya? Teka nga, pakialam ko naman kung sino ang nag-aalaga sa kanya and malaki na naman sya bakit ko pa iisipin 'yun. Wika ng isip ko at natatawa na lang ako sa aking sarili sa mga naiisip ko. Matapos ang mahaba-habang interview ay napag desisyunan kong subukan ang kakayahan nya, ang totoo nyan ay wala naman talagang bakanteng assistant chef pero dahil ayokong masaktan sya kapag sinabi kong hindi sya qualified sa mga posisyong bakante ay para bang may takot akong nararamdaman kung sakaling makikita ko syang masasaktan. May mga napili na kasi ako sa mga bakanteng posisyon na kailangan ko kaya wala na akong paglalagyan sa kanya. Pauuwiin ko na nga sana ang mga kasunod na aplikante at kasama na sya duon pero ng makita ko sya na nakatayo sa may pinto ay may kung anong nag-udyok na tawagin ko ang kanyang pangalan. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag sa aking sarili. Nang makalabas na sya ng aking opisina ay napasandal akong bigla sa aking swivel chair. Shìt ang lambot ng katawan nya at napakabango ng niyakap nya ako, naramdaman ko ang alaga ko na nanikip sa pagitan ng aking hita. Pakiramdam ko ay napakasarap nyang romansahin pero yung may pag-iingat at pagmamahal. Nabigla ako sa aking iniisip. "What the fùck is going on with me? Ano bang pinagsasasabi kong may pag iingat at pagmamahal?" Ani ko sa aking sarili habang napapailing ako. Bakit ganon na lang ang naramdaman ko ng makita ko sya? Imposible namang maiinlove ako sa isang babae sa unang pagkikita pa lamang namin. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. NEVER! Ipinilig ko ang aking ulo at ipinikit ang aking mga mata. "This is all pure lust!" Bulong kong muli sa aking sarili. Nang matapos ang buong araw ko sa opisina ay pagod ang isip at katawan ko na umuwi na ng aking mansyon, habang binabaybay ko ang daang pauwi ay hindi maalis sa isip ko ang magandang mukha ni Raine. "FÙCK!!!" "Shìt! shìt! shìt! Bakit ko ba sya iniisip?" Ani ko sa aking sarili. Nang makarating ako sa aking mansyon ay mabilis akong umakyat sa aking silid at pumunta ng banyo, hinubad ko ang lahat ng aking damit at humantad sa akin ang nag-uumigting kong pagkaĺalake. Shìt at talagang tinigasan pa ako dahil lang naiisip ko ang maganda nyang mukha at magandang hubog ng katawan. Mabilis kong binuksan ang shower at tumapat ako sa tubig upang maibsan ang init na aking nararamdaman. Matapos akong maligo ay nagbihis ako ng isang v-neck white shirt at tinernuhan ko ng isang blue pajama. Pagkabihis ko ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. "Manang anong dinner?" Tanong ko sa aking kasambahay. "Nagluto ako ng ginataang sitaw na may kalabasa at pritong lapu-lapu." Wika nya. "Wow favorite!" Masaya kong ani at mabilis kong hinila ang upuan upang makaupo na ako. "Kumain ka na dyan, masarap ang gulay habang mainit pa ito." Ani pa nya. "Manang sila mommy at daddy?" Tanong ko sa kanya. "Naku umuwi sa kabilang mansyon, duon muna daw sila at may aasikasuhin duon ang daddy mo." Sagot nya sa akin. Tumango tango na lamang ako at mabilis na tinapos ang masarap na hapunan. Pagkatapos maghapunan ay umakyat na ako sa aking silid at humiga ako at tumitig sa kisame. Napangiti ako ng maalala ko kung paano ipagmalaki ni Raine ang mga italian dishes na natutunan nya sa kanyang namayapang ina. Nakakamangha kaya naisipan ko syang gawing assistant ng aking mga chef. Bukas ay magsisimula na syang mag training sa restaurant ko. Hindi ako sigurado kung magkikita kami bukas dahil kailangan kong tumungo sa RJV Corps dahil may importante akong meeting. Dahil sa pag iisip ay hindi ko na namalayan na hinila na rin pala ako ng antok at namigat na ng tuluyan ang talukap ng aking mga mata. *** Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pagkabangon ko ay dumiretso na agad ako sa banyo upang maligo at maghanda na para makapasok sa opisina. Papasok ako ng building ng biglang sumulpot sa harapan ko si George. "Bro, free ba lunch ko mamaya sa resto mo?" Nakangisi nyang ani sa akin. "Ulol! Kahit discount hindi ka magkakaroon sa akin, free pa kaya!" Sagot ko dito habang diretso lamang ako sa aking paglalakad. "Bakit ang aga mo yata ha?" Tanong ko. "May meeting tayo, baka nakakalimutan mo na may mga shares kaming apat dito sa kumpanya mo." Wika pa nya. "Pumunta ka sa office ko mamaya bago mag start ang meeting ay may ibibigay akong dokumento sayo." Ani ko dito at tuloy-tuloy na kaming dumiretso sa private elevator. "Good morning sir." Bati ng aking secretary. "Amanda, ihanda mo ang mga kailangan kong dokumento para sa meeting mamaya." Ani ko dito at mabilis naman itong sumunod sa ipinag-uutos ko. "Yes sir." Ani nya at dumiretso na ako papasok sa aking office ng magsalitang muli ang aking secretary. "Sir si Mam Eunice po kanina pa po tawag ng tawag at on the way na daw po sya dito." Ani nya sa akin. "Okay." Sagot ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng aking opisina. Hindi nagtagal ay biglang tumunog ang intercom. "Sir Miss Eunice Dela Fuente want to see you." Wika nya. "Okay, let her in." Sagot ko naman. Bumukas ang pintuan at iniluwa nuon ang maganda at sexy na si Eunice. Hinagod ko ng tingin ang kabuuan nya at muli ay binalik ko ang aking mga tingin sa harap ng aking laptop. "Hi babe I miss you." Ani nya at dumiretso na sa tabi ko at hinalikan ako sa aking labi. Sumandal ako sa swivel chair at tinignan sya. "What are you doing here?" Tanong ko dito. "I miss you na kasi babe, halos dalawang linggo mo na akong iniiwasan kahit text at tawag ko hindi mo sinasagot, nagtatampo na talaga ako sayo." Maarte nyang wika sa akin habang hinihimas ang aking dibdib. "I'm busy as you can see." Naiinis kong sagot dito. "But I miss you, I want to spend time with you baby, hindi mo na kasi ako pinapansin at puro ka trabaho, napapabayaan mo na ang pangangailangan ng ating mga katawan. " Malandi niyang ani habang hinahagod ng kanyang kamay sa aking dibdib pababa sa pagitan ng aking mga hita. Mabilis kong napigilan ang kanyang kamay at matalim na tumitig dito. "Hey, I said I'm busy!" Asik ko dito. "So?" Ani nya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay. "I have no time for you!" Inis kong ani dito. Magsasalita pa sana ito ng biglang pumasok si George sa loob ng aking opisina. "Woah! Nakakaistorbo ba ako ha?" Nakangisi nyang ani. "No!" Ani ko. "Yes!" Sagot naman ni Eunice. "If you don't mind Eunice, me and George has something important to talk about, you may leave now." Ani ko sa kanya at sabay turo ng pintuan ng aking opisina. Kita ko sa kanyang mukha ang disappointment at pagkainis. Maya-maya ay padabog syang lumabas ng opisina at pabalibag na isinara ang pinto. "Haha mukhang nabitin ang sèx toy mo ha?!" Ani nya sa akin habang malakas na tumatawa. "Tsss nangungulit lang yan." Ani ko naman dito. "Anyway, ano ba ang pag uusapan natin?" Tanong nya. "Here, pwede bang paki check ang background nya dahil gusto kong malaman kung sino sya at saan sya galing" Wika ko. "Panigurado galing yan sa tiyan ng nanay nya kasi imposibleng sa tiyan ng tatay nya hindi ba?" Pamimilosopo nya. "Gago!" Ani ko sabay bato ng pen sa kanya. "Seryoso ako." Wika ko at inabot ko sa kanya ang folder. Binuklat buklat nya ito at binasa. "Bagong biktima mo ba ito bro?" Ani nya at hindi ko na lamang pinatulan ang sinabi nya. "Just do it for me ang thank you, pwede ka na ring lumabas." Ani ko at humarap na akong muli sa ginagawa ko sa aking laptop at naiiling naman siyang lumabas ng aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD