Raine's POV Sobrang saya ng aking puso ng makita kong nakatayo si Rye sa harapan namin. Ngunit sa isang banda ay may takot din akong nararamdaman kaya napahawak ako sa aking tiyan. Alam na ba nya na dinadala ko ang anak nya sa aking sinapupunan? Halos nanginginig ang buo kong katawan at nanlalambot ang aking mga tuhod. Napaatras ako ng ilang hakbang ng maramdaman ko si kuya Ray ng alalayan nya ako. Nabigla man ako sa kanyang pag sulpot ay hindi ko maitatanggi na nangungulila ako sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin si Rye at wala namang nagbago sa damdamin ko para sa kanya. Kung meron mang nagbago ay yun ay mas lalo ko syang minahal. Nasaktan ako sa mga masasakit na sinabi nya sa pinsan ko tungkol sa akin kaya napayuko na lamang ako, bakit ganon sya magsalita. Para akong itinulos sa aki