Ryven's POV Halos mag pipitong-buwan na rin ang lumipas ng iwan ako ni Raine at sumama kay Raymond, simula nuon ay hindi ko na sila nakita pa. Nasa bar kami ngayon ng aking mga kaibigan at nagpapakalasing. "Bro halos gabi-gabi ka na lang lasing. Nagpapakamatay ka ba?" Wika ni Hanz. "Hayaan n'yo lang ako bro, gusto ko lang na makalimot kahit saglit lang." ani ko habang tinutungga ang alak na nasa bote pa. "Sabi ko naman sayo kung gusto mo ay madali lang namin mahahanap si Raine." Saad naman ni Isaac. "Nah! Wala na akong pakialam pa sa kanila." Wika kong may galit sa aking tinig. "Ayaw mo bang malaman kung bakit ka n'ya iniwan?" Tanong naman ni George. "Para ano pa? Kung ayaw nya sa akin eh di wow!" Wika kong tumatawa ng may pait. Napapailing na lamang sa akin ang aking mga kaibigan