Ryven's POV Isang linggo na ang lumipas at nandirito pa rin kami sa Milan. Tapos na ang business namin dito ay hindi pa rin kami umuuwi. "What? What do you mean you can't find them?" Galit kong ani sa Private investigator na inupahan namin ng mga kaibigan ko dito sa bansang Italy. After namin silang makita sa Lar Netti hotel ay hindi na kami umalis pa sa lugar na ito. Inaantay ko na baka sakaling bumalik sila dito ngunit hanggang ngayon ni anino nila ay hindi namin makita. "Bro may suggestion ako madali lang." Wika naman ni Hanz na natatawa. "Bro kung kalokohan na naman yang tumatakbo sa utak mo pakiusap lang huwag ngayon." Naiinis kong ani dito. "Kung pinakinggan mo lang ako nuon eh baka nga nahanap na natin sila. Baka nakakalimutan mo na peke ang pangalang ginagamit ni Raymond