Episode 4

1201 Words
Ryven's POV Hapon na ng matapos ang last meeting ko sa mga investors. Tumingin ako sa aking orasang pambisig at mag aalas singko na pala. Naisip kong bigla si Raine kaya dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na sa silid ng opisina. "Amanda, you can go home now!" Wika ko at mabilis kong tinungo ang elevator. My new restaurant is only five minutes away kaya hindi rin naman nagtagal at nakarating agad ako dito. "Good afternoon po sir." Bati sa akin ng mga empleyado ko pagkarating ko sa aking restaurant. Dumiretso agad ako sa aking opisina at nagmamadaling binuksan ko ang cctv ng kitchen at pinanood agad ito. Napakunot ang aking noo ng makita kong magiliw na nakikipag-usap si Raine sa aking mga chef. Bigla akong tumayo at tumungo sa kitchen area, I really have no idea what's got into me at bigla akong napasugod na lang sa kitchen ng may galit na nararamdaman. "I am not paying you here para maglandian kayo!" Galit kong ani sa kanila. Halos hindi sila magkanda ugaga sa pag hihiwa-hiwalay matapos na marinig ang galit kong boses. "Si-Sir sorry po may napag usapan lang po." Wika ni Chef Raymond. "Nagkukuwentuhan kayo sa oras ng mga trabaho ninyo? Ganyan ba lagi ang ginagawa nyo kapag wala ako ha?" Galit kong ani habang nakatitig kay Raine. "N-Naku sir hindi po! Pasensya na po talaga kayo hindi na po mauulit." Sagot naman ni Chef Anthony. "Kapag nahuli ko pa kayo na nagdadaldalan sa oras ng trabaho ninyo lahat kayo tanggal sa trabaho nyo. Nagkakaintindihan ba tayo ha?" Galit kong ani habang titig na titig pa rin ako kay Raine na ngayon ay nakayuko na. "Yes sir!" Sabay-sabay nilang sagot. Tumalikod na ako upang bumalik sa aking opisina ngunit napahinto ako at lumingon muli sa kanila. "Raine, follow me in my office!" Utos ko sa kanya. Pagpasok ko sa office ay mabilis kong pinatay ang monitor ng aking laptop at umayos ng upo habang hinihintay na dumating si Raine. Hindi ako mapakali, maya-maya ay kumuha ako ng magazine at nagpanggap na nagbabasa, ngunit parang hindi naman ako komportable kaya binalik ko na lang ang magazine at binuksan kong muli ang laptop at tumingin-tingin sa ibang site at sya namang katok nya sa pinto ng opisina ko. "Come in." Ani ko. Pagbukas ng pintuan ay nakayukong pumapasok si Raine na tila ba ninenerbyos. "Sit down!" Maawtoridad kong utos. "Bakit nyo po ako pinapunta dito sir?" Tanong nya na kinakabahan. "May boyfriend ka na ba Raine?" Bigla akong natigilan sa aking tanong, what the fùck did i just ask her? Bakit ba 'yun ang biglang natanong ko. Shìt! Ano ba nangyayari sa akin? Nanlaki naman ang mga mata ni Raine matapos marinig ang aking tanong. "P-Po? Kaylangan ko po bang sagutin 'yan, napaka personal naman po yata ng inyong tanong?!" Sagot nya na may pagtataka. "Uhm... gusto ko lang malaman dahil ayoko sa lahat na ang mga empleyado ko ay may mga boyfriend na nang-aabala ng kanilang mga girlfriend sa trabaho, oo yun nga ang dahilan." Wika ko na napahilot pa ako sa sarili kong sintido. "Aah... huwag po kayong mag-alala sir, kung tungkol po sa bagay na 'yan ay wala pong mangungulit sa akin sir, sa trabaho po ako naka focus at sa mga kapatid ko na binubuhay ko." Seryoso nyang wika. Ewan ko pero nakaramdam ako ng saya sa aking puso na malamang wala pa syang nobyo. Tama yan Raine dahil ako ang unang titikim sa katawan mo. Wika ng aking isip na napapangisi pa. "B-Bakit po kayo ngumingisi?" Ani nya na ikinagulat ko. "Ha? Ngumingisi ba ako? Masaya lang ako dahil maganda resulta ng meeting ko kanina." Ani ko. Fùck! Why do I have to explain myself to her? Naguguluhang tanong ng aking isipan. "Raine, ayoko sa lahat na ang mga empleyado ay nakikipag landian o harutan sa oras ng trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo? Wika ko na nakatitig sa kanyang magandang mukha. "Sir wala naman pong landian o harutan ang naganap. Masaya lang po kami dahil nagustuhan ng mga customers ang mga niluto naming pagkain para sa kanila, yun lamang po 'yun." Pagpapaliwanag nya sa akin. "Bitter, baka iniwan ng gf." Bulong nya na dinig na dinig ko. "What did you just say Miss Atienza?" Galit kong ani. "P-Po? Wala po sir, sabi ko po hindi na po mauulit." Ani nya at sabay yuko. Nakakunot pa rin ang aking noo dahil narinig ko ang sinabi niya. "Get out!" Galit kong ani dito. Tumayo sya at nagmamadaling lumabas ng aking silid dahil alam niyang guilty siya. 'The nerve of that woman.' Galit kong ani pagkalabas niya. Alas-sais ng gabi ay natapos ko ang mga ginagawa ko sa opisina, tumayo ako at nag inat-inat at kinuha ang gamit ko at lumabas na upang makauwi, napakunot ang aking noo ng matanawan ko si Rhaine sa labas ng pinto ng restaurant na may sumalubong na lalake. Nabigla ako ng bigla syang yakapin at gumanti din naman sya ng yakap na nagpalaki ng aking mga mata. What the f**k? She told me she is in no relationship status but what was that? Galit na ani ng aking isipan habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Tang-ina totoo ba talaga ang love at first sight? Bakit ganito na lang ang galit ko na makita siyang may kayakap siyang iba? Naiinis akong lumabas at hinarap sila. "Miss. Atienza, I don't think this is the right place for both of you para magyakapan." Inis kong wika. Napatingin sa akin si Raine at nagulat ng makita ako. "Uhm sir this is..." I did not let her finish her sentence. "I don't care who that guy is!" Ani ko at nilagpasan ko na sila at sumakay na ako sa aking sasakyan na 2021 Bentley Bacalar. Pinaandar ko ang aking sasakyan at mabilis ko itong pinasibad. Nang malayo na ako sa kanila ay nagpupuyos ako sa galit na iginilid ang aking sasakyan at walang sabi-sabi ay pinaghahampas ko ang aking manibela. "GOD DAMN IT!!!" Malakas kong mura habang hinahampas ang manibela. "Why am I feeling this way?" Galit na tanong ko sa aking sarili. Tumingala ako at ipinikit ang aking mga mata, gusto kong kumalma ang sarili ko. Galit na galit ako sa lalaking yumakap kay Raine, gusto ko syang suntukin kanina at pagapangin sa lupa. Tang ina ano ba itong nararamdaman ko? Nang pakiramdam ko na umayos na ang pakiramdam ko ay dahan-dahan na muli akong nagmaneho pauwi sa aking mansyon. Sinalubong ako ni Mommy ng makarating ako sa bahay. "Son, I miss you." Ani ng aking ina. "Geez mom, one day lang naman tayong hindi nagkita nagkakaganyan ka na? But I miss you too mom." Wika ko naman ng nakangiti. "Hey something happened?" Tanong nya sa akin. "What do you mean?" Tanong ko. "I know you son, alam ko kung kailan may gumugulo sa utak mo o kung may problema ka man." Ani nya sa akin. "Hahaha I'm okay mom, don't worry okay." Ani ko at humalik na ako sa kanyang noo. I need to rest. It was a long day and I'm so tired." Ani ko pa kaya hinayaan na lamang ako ng aking ina na tumuloy sa itaas upang magpahinga na sa aking silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD