Raine's POV Nandirito ako ngayon sa Veranda, Nagpapahangin ako at nag-iisip na din. Buhat ng makita kong muli si Rye ay ginulo na naman nyang muli ang aking isipan. Hinimas ko ang aking tiyan at ngumiti, ilang buwan na lamang ay masisilayan na rin kita. "Magkaka anak na tayo Rye, boy sya at ayon sa doctor ay malusog ang magiging anak natin." Bulong ko sa aking sarili. "Anak nakita kong muli ang daddy mo, ang gwapo-gwapo nya talaga, alam mo ba na narinig kong isinigaw nya na mahal na mahal nya ako." Wika ko habang hinihimas himas ko ang aking malaking tiyan. Biglang malakas na pag-galaw ng baby ko ang aking naramdaman na nagpangiti sa akin. Mukhang nasisiyahan ang aking anak na malaman na mahal kami ng kanyang ama. "Raine baby, what are you doing here alone?" Sambit ni kuya Ray sa