Ryven's POV "Rye ngayong alam mo na kung saan siya pupuntahan anong plano mo?" Tanong nila sa akin. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanila. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, alam kong nasaktan ko sya sa huli naming pagkikita. Batid ko ang kamaliang aking nagawa. Pero ano pa ba ang magagawa ko, nangyari na ang mga nangyari at hindi na maibabalik pa para itama ang maling nagawa ko. Sobrang selos at galit lang talaga ang lumukob sa pagkatao ko nuon kaya nasabi ko ang mga bagay na hindi dapat. "Pupuntahan ko siya sa mansion ng mga Antonetti." Wika ko. "Mag isa ka lang?" Tanong nilang muli. "Gusto kong ako lang ang kumausap sa kanila lalong-lalo na kay Raine." Muli kong ani sa kanila. "Sasama kami, huwag kang mag-alala mananatili lamang kami sa sasakyan. Gusto lang naming makasi