Raine's POV
5:40 pa lang ng hapon ay dumating na si Adrian upang sunduin ako at dahil 6:00 pm ang out ko ay naghintay na lamang sya sa kanyang sasakyan sa labas ng restaurant. Maya't maya ay napapatingin ako sa aking orasan kaya ng makita kong alas sais na ay mabilis kong ini-scan ang aking id upang mag log out. Kinuha ko ang mga gamit ko sa locker at mabilis na akong lumabas ng building. "Adrian?!" Tawag ko sa kanya na ikinalingon nya kaya mabilis syang umibis sa kanyang sasakyan at sinalubong nya agad ako. Nabigla ako ng yakapin n'ya ako pero dahil magkaibigan naman kami ay binale wala ko na lamang ito at yumakap na lang din ako sa kanya ng bahagya. Bahagya lang naman noh kasi hindi ko sya feel kayakap, sana kung si sir Ryven pa ito hihi.
Habang magkayakap kami ay biglang may nagsalita sa aming likuran dahilan upang magbitaw kami at tumingin ako sa pinanggalingan ng baritonong boses.
"Miss. Atienza, I don't think this is the right place for both of you para magyakapan." Ani nya na pakiramdam ko ay galit, pero bakit naman sya magagalit wala naman kaming ginagawang masama ng kaibigan ko. Halos mamula ang mukha ko sa hiya dahil nakatingin na sa amin ang guard at ibang lumalabas ng building, ugh nakakahiya baka kung ano pa isipin nila tungkol sa amin ni Adrian. "Uhm sir this is..." Hindi na nya pinatapos pa ang sasabihin ko at pinutol na nya agad ito.
"I don't care who that guy is!" Wika nyang may galit sa kanyang tono. Lalo akong napayuko at napapaisip na rin kung bakit nagagalit ito. Hmm... bakit naman sya magagalit wala naman kaming masamang ginagawa ni Adrian.
Lumakad na sya at nilagpasan lang kami at tuloy-tuloy na pumasok sa napakagara nyang sasakyan, habang lumalakad sya ay pinagmamasdan ko ang kanyang katawan, napaka kisig ni sir Ryven at kahit nakatalikod sya ay pagpapantasyahan mong makayakap ang lalaking ito. Bago sumakay sa kanyang sasakyan ay biglang sumulyap muli sa gawi namin si sir Ryven at pabalya nyang sinara ang pintuan ng kanyang sasakyan at biglang pinaharurot ito na nagpagulat sa amin ni Adrian.
"Boss mo?" Tanong sa akin ni Adrian. "Oo." Sagot ko naman. "Mayabang at bastos ha, at kung titigan mo Ulan ang boss mo ay parang wala ng bukas." Ani nya at hindi ko na pinansin pa ang kanyang sinabi, baka pagod lang kaya mainit ang ulo. Ani naman ng aking isipan. "Tara na at nag hihintay na ang mga kapatid mo." Wika pa nya at inalalayan na nya ako papunta ng kanyang sasakyan.
Habang binabaybay namin ang daang patungo sa aking bahay ay hindi ko maiwasang isipin ang aking amo.
Kanina ng naglalakad sya papunta sa kanyang sasakyan ay pinagmamasdan ko sya, napakakisig nya at talaga namang napaka gwapo. Para syang isang modelo ng isang sikat na magazine. Napangiti ako ng maisip ko kung paano ko tignan ang maumbok nyang pwet. Habang nakangiti ako ay biglang narinig ko ang pangalan ko. "Raine, Raine naririnig mo ba ako ha?" Wika ni Adrian.
"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ko naman dito. Tinignan nya ako saglit at umiling-iling. "Never mind, mukhang ang lalim ng iyong iniisip kaya hindi mo na naririnig ang mga pinagsasasabi ko, hinay-hinay lang sa kakaisip sa kanya at baka naman mauntog ulo nun habang nagmamaneho." Ani nya na may halong sama ng loob.
Napatingin ako sa kanya at diretso lang ang tingin nya sa kalsada ngunit makikita sa mukha nya ang galit kahit naka side view lang sya. "So-Sorry Adrian pagod lang kasi ako kaya siguro hindi ko na namalayan na kinakausap mo pala ako. Pasensya na!" Ani ko ngunit di na ako pinansin pa ni Adrian.
Nang makarating kami sa aking bahay ay hindi na rin bumaba pa si Adrian. "Gusto mo bang dito kumain?" Tanong ko.
"Hindi na, inaantay na ako nila mommy sige mauuna na ako." Ani nya at umalis din agad. Pagpasok ko ng bahay ay sinalubong na agad ako ng aking dalawang kapatid. "Ate kamusta trabaho mo? Ani ni Raniel. "Okay naman, masaya at may mga natutunan ako." Wika ko sabay yakap sa mga kapatid ko. "Ate papasok ka ba mamaya sa isang trabaho mo?" Tanong ni Raniel.
"Hindi na, maganda kasi sweldo ko ngayon dito sa bago kong trabaho kaya nagresign na din ako sa isa kong trabaho." Ani ko sabay gusot ng buhok nya. "Mas mabuti 'yan ate para nakakapag pahinga ka ng maayos, naawa na din kasi ako sayo lagi kang pagod at wala ng pahinga." Ani pang muli ng aking kapatid. "Huwag kang mag-alala, mas malakas pa kaya ako sa kalabaw at mas mabilis pa sa kabayo." Pagmamayabang ko pa sa kanila. "Hay naku ate! Tara na nga at kumain na tayo, gutom lang yan!" Ani pa nya na ikinatawa ko. "Ano ba ulam natin?" Tanong ko. "Adobo ate." Nakangiti nyang Ani.
"Wow! Adobong manok, ayos mukhang mapaparami yata ako ng kain nito ah!" Ani ko na natatakam pa.
"Hala ate, sino ba may sabi sayong manok yan? Adobong kangkong lang ulam natin, saan ako kukuha ng manok ha, duon sa kulungan ni mang Pedring? Eh di nalatigo ako nuon!" Ani nya sabay tawa at nagtawanan na rin kaming tatlo.
Naging masaya ang aming hapunan, kahit mahirap lang kami ay masaya naman kami at laging nagtutulungan, kapos man kami sa ibang pangangailangan ngunit busog na busog naman kami sa pagmamahal namin sa isat isa.
Masayang natapos ang aming hapunan at ako na rin ang nagligpit at naghugas ng aming pinag kainan.
Matapos kong gawin ang mga gawaing bahay ay naligo na ako at pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking silid upang magpahinga.
Pagkahiga ko sa aking munting papag ay kinuha ko ang aking phone at nagpatugtog ako upang kahit paano ay makapag relax at baka sakaling makatulog din agad. Habang nakikinig ako ng music ay biglang tumunog ang aking phone.
"1 message received!"
Pag silip ko ay kumunot ang aking noo. Galing ito sa unknown number.
"Hi! Gising ka pa ba?" Unknown number.
Hindi ko ito pinansin at nakinig lang ulit ako ng music ng maya maya ay tumunog muli ito kaya napatingin akong muli.
"I know gising ka pa Raine." Unknown number.
Dahil sa pagbanggit nya ng pangalan ko ay napabalikwas ako ng upo sa aking higaan.
"Sino ka ba?" Reply ko.
"You don't have to know but rest assured I am not a bad guy! :)" unknow number.
"Stop texting me because I am not interested! " Reply ko at humiga akong muli at naglagay ng earphone.
Sinasabayan ko sa pagkanta ang musika ng tumunog na naman ang aking phone.
"Goodnight Raine, I miss you!" unknow number.
Hmm dami talagang may saltik sa utak, bulong ng isipan ko.
Pumikit ako at inaalala ang mukha ng aking amo kanina, napaka gwapo nya talaga, hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto ko syang nakikita. siguro nga dahil sobrang gwapo nya talaga.
May nobya na kaya si sir Ryven, tanong ng isip ko.
Sana wala pa. Ewan ko ba at parang naiinis akong isipin na may kasintahan na si sir Ryven. Ni ayoko ngang isipin na maglakakad sya na may nakapulupot na sawa sa kanyang braso, na love at first sight ba ako kay sir Ryven? "Oh my god! Na love at first sight ba ako sa kaniya?" Ani ko sa aking sarili habang nakatakip pa ng kamay ko ang aking bibig.
Hala ano ba nangyayari sa akin? Bakit ganoon ang mga naiisip ko?
Kinuha ko ang unan na yakap-yakap ko at itinakip ko sa aking mukha at duon ako sumigaw upang ilabas ang nararamdaman kong inis sa mga naiisip ko, upang hindi rin marinig ng mga kapatid ko. Nakakainis bakit parang gusto kong nakikita ang amo ko at bakit pakiramdam ko at na love at first sight ako? Jusko ang amo ko pa talaga ang pagpapantasyahan ko eh mukhang malayong-malayo ako sa mga tipo nyang babae. Nakakaloka.
Sa sobrang pag iisip ay unti-unti na akong nakaramdam ng antok at para na akong pinag hehele ng mga anghel sa kalangitan kaya ipinikit ko na ang namimigat kong talukap ng mga mata at hindi na namalayang nakatulog na pala ako.