Episode 6

1344 Words
Ryven's POV Kakarating ko lang sa aking opisina ng biglang bumukas ang pintuan, iniluwa nuon sina Hanz at George. Napaangat ako ng tingin sa kanila at sumandal ako sa aking swivel chair. "Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito sa opisina ko?" Pang-iinis ko sa kanila. "Oh, bro he doesn't want us here!" George said. "Yup! I don't need you guys here because I am busy like shìt!" Sagot ko naman sa kanila. "Oohh I see... Okay! You know I am so easy to talk to, so I guess you don't need this shìt!" Ani nito sabay taas ni Hanz ng isang folder na ikinanuot ng aking noo. "What's that?" I asked. "Oh, nothing important, it's only Miss. Atienza's background report, wala ito aalis na kami." Wika pa ni Hanz na ikinatayo ko at mabilis na lumapit sa kanila at hinablot ang folder na hawak-hawak nya. "Akala ko ba istorbo lang kami ha?" wika nya. "Oh, shut up!" Naiinis kong ani at bumalik na ako sa swivel chair ko at naupo. Ipinatong ko ang folder sa table at tinitigan ito. "What? tititigan mo na lang ba yan ha? Pinaghirapan ko 'yan!" Ani naman ni George. Dahan-dahan kong binuksan ang folder, inilabas ko lahat ng dokumentong nilalaman nito at pagkatapos ay nagbuntong hininga muna ako at may kasabikang isa-isang binasa ito. "Raine Marie Antonetti Atienza Age- 20 years old Status- Single Mother's Name- Francesca Antonetti Atienza Father's Name - Alfredo Atienza Pagkabasa ko ng kabuuan ng lahat ng report tungkol sa pagkatao ni Raine ay napaisip ako. "Antonetti?!" Wika ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko. "I know right!" Ani naman ni Hanz at George na nag apir pa. "Ano ang relationship nila sa mga Antonetti?" Ani ko na may pagtataka. "Yan ang hindi natin alam, base sa nakalap namin ay masyado ng pribado ang impormasyon ng mga Antonetti, Kahit anong paghahalungkat ang gawin namin ay wala kaming makuha" Wika pang muli ni Hanz. "Mr. Amadeo Antonetti is a well-known business tycoon and multi-billionaire." Ani ko pa sa kanila. "Baka naman ka-apelyido lamang ng nanay nya ang mga Antonetti." Wika naman ni George. "Oo nga, tignan mo dyan, base sa report na yan ay lumaki si Raine sa hirap, kung kamag anak nila yan sa tingin mo ba hahayaan nilang maghirap ang mga 'yan?" Wika pang muli ni Hanz. "Kung sabagay tama ka." Wika ko. "So single talaga sya ha!" Pagbabago ko ng usapan. "Oo bro single na single." Ani pang muli ni Hanz. "Pero sino yung sumundo sa kanya at nakita ko pa silang magkayakap." Ani ko pang muli at nainis na naman ako ng maalala ko ang tagpong 'yun. "Yan ang alamin mo bro." Ani naman ni George. Maya maya ay biglang tumunog ang intercom kaya sinagot ko agad ito. "Yes Amanda?" Wika ko sa aking secretary. "Sir Miss. Eunice want to see you." Ani nito. Napabuntong hininga ako. "Okay, let let her in!" Ani ko at nag kakantyawan pa ang dalawa kong bugok na mga kaibigan. Bumukas ang pintuan at pumasok na sa loob si Eunice, wala syang pakialam kahit nandirito pa mga kaibigan ko, dumiretso sya sa tabi ko at hinalikan ako sa labi na iniwasan ko naman. "What do you want?" Asik ko dito. "Babe, ganyan ba bumati ang nobyo sa kanyang nobya?" Ani nya ng nakanguso sa akin. "Woah! Kelan pa nagseryosong magka nobya ang isang Ryven James Vance huh?" Pang-aasar na wika ni Hanz. "Nobya? Tumigil ka Eunice! What we had was just a pure lust, no feelings involved!" Matigas kong ani na ikinasama ng kanyang mukha. "Ikinakama mo ako tapos libog lang? Akin ka Ryven! Walang pwedeng umagaw sayo dahil akin ka lang!" Galit at walang kahiya-hiya nyang wika na ikinatawa ng dalawa kong kaibigan. "Walang nagmamay ari sa isang Ryven Vance, tandaan mo yan!" Ani ni George na inismiran lamang ni Eunice. Bago umalis si Eunice ay hinagis muna nya ang isang maliit na vase na nakapatong sa aking table. "What the f**k Eunice? GET OUT!!!" Galit kong sabi sa kanya at padabog na syang lumabas ng aking opisina. "Woah! What kind of attitude was that?" Natatawang sabi ni George. "Masyadong baliw na baliw yata sayo yang s*x toy mo na yan ha?" Seryosong ani ni Hanz. "Yeah... matagal ko ng iniiwasan 'yan pero parang kabute na kung saan-saan sumusulpot." Naiinis kong wika. "Paghandaan mo 'yan bro at mukhang iba ang ugali ng isang 'yan." Saad naman ni Hanz. Sumandal akong muli sa aking upuan at ipinikit ang aking mga mata. Biglang lumitaw ang mukha ni Raine habang nakapikit ako na nagpabalikwas sa akin. "Oh, anong nangyari? Bakit para kang nakakita ng multo?" Natatawang sabi ni George. "Wala may naalala lang ako." Sagot ko dito ng hindi makatingin sa kaniya. "Sino? Yung babaeng pinaimbestigahan mo ang background kay George??? Ani naman ni Hanz ng nakangisi sa akin. "Pwede ba magsilabas na nga kayo!" Naiinis kong taboy sa kanila habang sila naman ay panay ang tawanan. Natapos ang maghapon ko at alas singko na, dadaan muna ako sa LaCùesta bago ako umuwi. Habang naglalakad ako sa lobby ay nakasabay ko si Hanz. "Saan ang tungo mo nyan ngayon?" Tanong nya. "Sa LaCùesta bro, may kaylangan akong asikasuhin duon." Wika ko ng seryoso lang ang tingin sa dinaraanan ko. "Good afternoon sir" Bati ng mga empleyado ko na tinanguan ko lamang. "May kaylangang gawin o may kailangang makita?" Wika nyang may panunukso at nakangisi pa. "Shut up dude!" Naiinis kong ani dito. "Pupunta din ako duon." Wika nya kaya napahinto ako sa aking paglalakad at taimtim akong napatingin sa kanya ng may kunot ang noo. "For what?" Naiinis kong ani. "Dude it's a restaurant, so of course mag didinner ako." Natatawa nyang wika na sinang ayunan ko na lamang at pagkatapos nuon ay lumakad na akong muli. "Pagdating namin sa parking lot ay naghiwalay na kami. "I will see you there!" Paalam nya na tinanguan ko lamang. Pagkaparada ko ay may napansin akong isang car na nakaparada sa may harap ng aking restaurant. Pagbaba ko sa aking sasakyan ay napansin ko agad ang sakay nito. God dàmn it! Ito 'yung lalake na kayakapan ni Raine ng gabing 'yun. Pagkakita ko sa kanya ay may umusbong ng galit sa akin. "What are you doing here?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "I am waiting for someone." Ani nya na parang nang-aasar pa ang pag kakangisi nya. "This is not a waiting shed, remove your car because my friend will arrive soon, and they need a parking spot. This area is for customers only and since you are not a customer you can park your car somewhere else but not here." Naiinis kong wika na nakatitig pa rin sa kanya. Nakita ko ang pagtikom ng kanyang mga kamao habang nakahawak sa kanyang manibela ngunit wala akong pakialam sa kanya at hindi ako nagpatinag. Huwag ako ang subukan nya baka kahit isang suntok hindi sya tumama. "Now!" Utos ko at itinuro ko pa ang kalsada upang ipakita sa kanya na pwede na syang umalis. Pagkagkasabi ko ay sabay talikod na ako sa kanya at pumasok na ako sa loob ng building. Pagpasok ko sa aking opisina ay naibalibag ko ang susi ng aking sasakyan. "What the f**k is he doing here?" Bulong ko sa aking sarili. Mabilis akong naupo sa swivel chair at binuksan ang aking laptop at pinanuod kong muli si Raine. Pakiramdam ko ay nagmumukha hna akong stalker sa ginagawa ko. Napaka ganda nya talaga, ano ba talaga ang nangyayari sa akin, bakit nagiging stalker ako pagdating sa babaeng ito? Fùck! This is not good! I think I need to distance myself but how can I do that kung isang araw ko lamang syang hindi makita ay hinahanap-hanap ko na agad sya? Shìt! This is not a good sign. Kahit kelan hindi ako maiinlove lalong-lalo na sa isang crew lamang ng aking restaurant. Isinara ko ang aking laptop at sumandal sa aking upuan. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng aking opisina at iniluwa nuon ang mga kaibigan ko na mga nakangisi na parang tinutudyo ako. What the hell?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD