Ryven's POV Nasa opisina ako ngayong araw dito sa RJV building at wala akong balak na pumunta sa LaCùesta dahil ayoko munang makita si Raine. Maya-maya ay tumunog ang intercom "Sir Miss. Eunice wants to see you." Wika n'ya. "Let her in." Sagot ko dito at hindi ko alam kung bakit pinapasok ko ito. Ilang saglit lamang ay bumukas ang pintuan ng aking opisina at iniluwa nuon ang napaka gandang si Eunice. Halos lumuwa na ang kanyang dibdib sa kanyang kasuotan kaya naman napapailing na lamang ako sa kanya. "Hi Babe, I miss you na." Maarte n'yang wika sa akin. Tinignan ko lamang s'ya at ibinalik na muli ang aking mga tingin sa laptop. "Babe, can we eat lunch somewhere, my treat!" Anyaya n'ya sa akin. Bigla akong napatingin sa kanya at maya-maya ay isinara ko na ang aking laptop at tumayo