Raine's POV Habang nag aasikaso kami sa kusina ay lumapit ang isang empleyado sa amin. "Guys dumating si sir Ryven at ang gusto n'ya ay isa sa inyo ang pumunta duon sa table nya at mag serve sa kanila, kayo na din ang magdala ng menu." Wika nya at mabilis ding umalis ng kusina. Tinignan ko si Raymond. "Yeah go ahead," he said na nagpangiti sa akin. Dali-dali akong lumabas at kumuha ng ilang menu book at lumakad na kung nasaan ang table ni Rye. Ngunit laking gulat ko ng makita ko siya na may kasamang napaka gandang babae at nakayapos pa sa kanyang mga braso. Halos nag slow motion ang mundo ko at hindi ko namalayan na nasa harapan na pala nila ako. Halos mag ngilid ang aking luha sa sakit na aking nararamdaman lalo na ng marinig kong babe ang tawag sa kanya ng babaeng nasa harapan k