Raine's POV Para akong natauhan ng bigla na lamang akong tinalikuran ni Rye at mabilis na lumabas ng aming bahay. Habang naglalakad s'ya papalayo at tinatawag ko s'ya upang humingi ng tawad tungkol sa mga nasabi ko ngunit hindi n'ya ako nililingon. "Rye, Rye I'm so sorry nabigla lamang ako bumalik ka dito please." Sigaw ko habang tinatawag ko s'ya. Tumakbo ako palabas ng bahay ngunit mabilis na n'yang pinaharurot ang kanyang sasakyan. "Ryeeee!" Tawag ko dito habang nag-uunahan ang aking mga luha sa pag-patak. "Ulan tama na yan!" Ani sa akin ni Adrian. "Hayaan mo na ang gagong 'yon Ulan." He added. "No Adrian! Ma-Mahal ko na si Rye" Wika ko dito habang walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha. "Ma-Mahal mo na ang lalaking 'yon?" Tanong n'ya na nabigla sa aking pinagtapat. "Oo mah