Raine's POV Mahigit isang linggo na akong iniiwasan ni Rye, hindi ko rin naman sya masisisi dahil kasalanan ko ang lahat. Papasok ako ngayon ng trabaho, paglabas ko ng pintuan ng bahay namin ay nagulat ako na nandirito si Raymond. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong ani. "Well, may dinaanan kasi ako dyan sa kabilang kanto, papasok na rin naman ako sa trabaho kaya naisipan ko ng isabay ka." Wika nya na nagtaas baba pa ang mga kilay. "Weeeh?" Wika ko. "Baliw ka talaga, oo totoo nga." Ani nya pang muli. "Buti na lang makakatipid ako sa pamasahe." Wika ko na may malawak na ngiti. "Ano pa inaantay mo? Kung iniisip mong pagbubuksan kita ng pintuan hoy babae nagkakamali ka!" Pang-aasar pa nya sa akin na ikina nguso ko. "Hmp akala ko pa naman gentleman ka, isa ka palang malaking gentledog