Raine's POV Pagka alis ni sir Ryven ay nagkulong na ako sa aking silid. Pakiramdam ko nasa labi ko pa rin ang kanyang malambot na labi. Napangiti ako at nagtakip ng unan sa aking mukha saka sumigaw ng napakalakas. Sobrang kilig na kilig ako. Nang hinalikan nya ako kanina pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko, kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katauhan ko kaya hindi na ako nakakilos at nagmukha na akong tuod sa harapan ni Ryven kanina. Tinignan ko ang aking orasang pambisig, at mag-aalas sais na pala ng gabi, kailangan ko pang magluto ng hapunan namin. Tumayo ako at mabilis na lumabas ng aking silid at nakasalubong ko ang aking kapatid na may ngiting panunukso na nakatingin sa akin. "Si ate napakaganda ng ngiti, bakit kay?" Panunukso sa akin ni Roxanne. "Lagi nam