Ryven's POV Alam kong nagulat si Raine ng malaman n'ya na s'ya na ang magiging secretary ko, ginawa ko lang naman ito dahil ayoko na s'yang makikitang kinakausap pa ang Dela Cruz na iyon at baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at gawin ko pang adobo ang kusinerong 'yon. Batid kong hindi karaniwang tao si Dela Cruz, sa tindig at pananalita n'ya mukhang may ibubuga, sa pangangatawan naman ay talagang palaban din at sa itsura? Huh! Syempre mas gwapo ako kaysa sa kanya, kaya hindi ko hahayaang mapalapit s'ya kay Dela Cruz. Possesive na kung possesive pero akin lang si Raine. Isang linggo na rin ang lumipas at matiyaga ko namang naituturo kay Raine ang mga dapat n'yang matutunan. Matalino si raine kaya naman mabilis lang din siyang natuto at alam na agad niya ang mga pasikot-sikot ng kan