Episode 8

1450 Words
Ryven's POV Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko ng makita kong dumating si Raine sa aking restaurant dahil sa mga tingin sa kanya ng mga empleyado kong lalake. Sinipat-sipat ko ang kanyang kasuotan mula sa screen ng aking laptop. Mas lalo akong nagalit ng makita kong nilapitan sya ni Dela Cruz at mukhang nilalandi pa yata si Raine baby ko. Halos gusto kong basagin ang kanyang mukha pero nagtimpi lamang ako at pilit pinapakalma muna ang aking sarili bago lumabas ng aking opisina. Ngunit ewan ko ba paglabas ko ng opisina ko at makita silang magkatabi na nakaupo ay biglang nag init ang aking ulo at nataasan ko sila ng boses. Pasigaw kong inutusan si Raine na pumasok sa aking opisina. Ayoko ng makita pa syang nakaupo sa tabi ng Dela Cruz na yan. Nauna na akong pumasok sa aking office at ng makapasok na rin si Raine at mabilis kong isinara ang pinto na ikinagulat nya. Iniharap ko sya sa akin at mataman ko syang tinitigan, napakaganda nya talaga, bakit hindi mawala ang mukha nya sa aking isipan? Matapos ang mahabang pagtatalo namin ay lumabas na kami ng aking opisina at alam kong ang lahat ng aking empleyado ay nagulat sa kanilang nakikita, nakahawak lang naman ako sa kamay ni Raine habang hila-hila sya papalabas ng building at suot pa nya ang aking coat. Alam kong ilang na ilang si Raine kaya nga mas binilisan ko ang lakad palabas ng restaurant building. Nang makarating kami sa aking sasakyan ay mabilis ko syang pinag buksan ng pintuan, nung una ay nag aalangan pa sya ngunit kalaunan ay sumakay na rin sya. Lumingon syang muli sa loob ng building at nakatingin pa rin ang lahat sa amin. Tumayo ako paharap sa loob ng aking restaurant at matiim silang tinignan kaya mabilis silang nagpulasan at kanya kanya silang naglingunan sa ibang direksyon at ang iba naman ay nagsimulang mag punas ng table at pumunta ng kitchen. "Give me your exact address." Ani ko sa kaniya. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa kanyang tirahan ay wala kaming imikan sa loob ng sasakyan, ramdam na ramdam ko ang pagkailang nya sa akin. "Are you okay babe?" Tanong ko na ikinalingon nya sa akin. "Yes sir." Sagot nya sa akin. "Drop the formality, just call me Rye!" Ani ko habang diretso lamang ang aking tingin sa kalsada. "Boss ko po kayo kaya dapat lang na irespeto ko kayo." Wika nyang walang ka gatol-gatol sa akin. "Go ahead, don't listen to me and matitikman mo ang parusa ko." Ani ko na sa kalsada pa rin ang tingin. "Bakit po ba ninyo ito ginagawa?" Tanong nya sa akin. "Honestly, hindi ko rin alam." Sabi ko sa kanya. "Malapit na tayo, ituro mo na lang sa akin ang tapat ng bahay mo." Ani ko dito. Huminto kami sa isang lumang bahay na sa tingin ko ay isang bagyong may kalakasan ay bibigay ang bahay na ito. "You live here?" Tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kanilang tinitirhan. Tumango lamang sya ng hindi tumtingin sa akin. "Pwede na po kayong umalis dahil naihatid nyo na po ako." Ani nya at hinubad nya ang suot nyang coat ko at iniabot sa akin. Pagkatapos nuon ay diretso na syang pumasok sa loob ng kanyang bahay. "Ate." Wika ng dalawang kabataan na sumalubong sa kanya at kung hindi ako nagkakamali ay mga kapatid nya. "Nandito na ate." Nakangiti nyang ani habang sinasalubong nya ang kaniyang mga kapatid. Napangiti ako, nakikita ko sa kanya na magiging mabuting asawa at ina sya sa magiging anak namin. What the f**k? Ano ba pinag iisip ko? Pinilig ko ang aking ulo at natawa ng pagak dahil para akong tanga. "Sino sya ate?" Tanong ng binatilyo sa kanya. "Ah boss ko, pero uuwi na sya." Ani nya na ikinanuot ng noo ko. "I am not going home yet." Ani ko at pumasok na ako sa loob ng bahay kahit hindi nya ako inaanyayahan. Naupo ako sa kawayang upuan at lumingon-lingon sa kabuuan ng kabahayan. "Sir mainit po dito, walang aircon at electric fan lang po ginagamit namin, baka po hindi kayo komportable kaya pwede na po kayong umuwi." Pagtataboy nya sa akin. Tsk mapapaamo din kita Raine tandaan mo yan! "I'm okay here, can I have a glass of water?" Ani ko dito dahil naiinitan ako. "Hindi rin po malamig wala po kasi kaming refrigerator." Sagot naman nya sa akin. "Okay lang." Ani ko. She rolled her eyes at me ngunit binale wala ko lamang, ang cute nga nyang mainis parang ang sarap halikan. "Raine kayo lang ba nakatira dito?" Tanong ko sa kanya. "Yes sir, patay na po kasi mga magulang ko... Ayy, hindi nga po pala kayo interesado sa istorya ng buhay ko, pasensya na po." Pahayag nya na ikinanuot ng aking noo. "Anong ibig mong sabihin?" Ani ko na naguguluhan. "Ah wala po sir! Naaalala ko lang nung araw po ng interview ko, yung binara nyo po ako na hindi kayo interesado sa istorya ng buhay ko. Pero eto kayo ngayon at nagtatanong." Mataray nyang ani. "Ah, that! Pasensya ka na medyo pagod na kasi ako ng araw na 'yon kaya wala na ako sa mood makinig ng mahabang kwento." Ani ko at nangingiti pa ako habang tinitignan ko ang kanyang nakabusangot na mukha. Napacute nya talaga kapag nagsusungit sya. "Sir may ginataang bilo bilo po kami dito niluto ng kapatid ko baka gusto nyo pong tikman." wika nya sa akin. "Bilog-bilog?" Gulat kong tanong dito. what the hell is bilog-bilog? "Sir BILO-BILO" Ulit nya. "Ah okay, hindi ko alam kung ano ang pagkaing 'yan pero okay titikman ko." Ani ko para di naman magtampo, pero ano nga ba ang bilog bilog? Tumayo sya at nagtungo ng kusina. Naririnig ko pa syang kumakanta kanta kahit mahina lang pero maganda ang boses nya. "Raine sa tingin mo ba uulan?" Tanong ko sa kanya. "Po? Naku wag naman sana! Hindi pa naaayos ang tulo ng bubong namin." Wika nyang may pag-aalala. Natawa ako kaya napalingon sya sa akin. "Kung ayaw mong umulan huwag ka na kasing mag concert, sige ka pag nagalit si San Pedro babagyuhin kayo." Pang aasar ko sa kanya kaya tinignan nya ako ng matalim na ikinatawa ko ng malakas. Maya-maya ay lumapit na sya at may dalang mainit na bilog bilog. "Oh, ayan kumain ka muna at mabilaukan ka sana ng mga bilog bilog dyan!" Wika nyang inis na inis sa akin. "What's in it?" Tanong ko habang hinalo-halo ang laman ng bowl. "Kamote, saging, gabi, bilo, s**o, langka, at kamoteng kahoy. Masarap po yan kuya pogi." Ani sa akin ng bibo nyang kapatid na lalake, bibo kasi tinawag akong pogi. "Maka kuya pogi ka naman Raniel, saang banda? Saka bakit kuya, kapatid mo din?" Inis na saad ni Raine. "Ay naku ate malapit ko na yang maging kuya noh, hindi naman yan magtyatyagang ihatid ka dito at mag stay yan dito sa loob ng mainit nating bahay kung wala yang gusto sayo noh? Tignan mo nga hindi ka ba ate naaawa? Tapatan mo naman ng electric fan at basang-basa na ang polong suot ni kuya pogi, mukha pa namang hindi sanay sa hirap yan sa itsura pa lang yayamanin na." Mahabang litanya ng kapatid nyang nagngangalang Raniel, samantalang si Raine naman ay pulang-pula ang mukha sa hiya. Napatingin sa akin si Raine at nanlaki ang kanyang mga mata ng matitigan itsura ko kaya dali-dali syang kumuha ng electric fan at itinatapat sa akin. My god! thank you Raniel. "So-Sorry po sir." Nahihiya nyang wika. "Ikaw naman Raniel ano ba yang pinag sasasabi mo, walang gusto sa akin si sir Ryven. Nagmagandang loob lang syang ihatid ako, tumahimik ka nga nakakahiya ka talaga." Saway nya sa kanyang kapatid. "He is right, I LIKE YOU." Wika ko na nagpatigil kay Raine at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin. "See ate, tama ako hindi ba? May gusto nga sayo si kuyang pogi!" Tuwang-tuwang sambit ng kapatid nya. "A-Ah... sir papasok muna po a-ako sa aking silid." Nauutal nyang wika at hindi makatingin sa akin. Tumango lamang ako at sinimulan ng kainin ang pagkaing ibinigay nya sa akin, hmm masarap pala, masarap pala itong bilog bilog na ito. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Inihatid ako ni Raine sa labas at gulat na gulat sya ng bigla ko syang hinalikan sa kanyang labi. "I will see you tomorrow babe." Ani ko sa kanya habang s'ya naman ay parang nanigas na sa kanyang kinatatayuan at natatawa akong pumasok na sa aking sasakyan. "Pumasok ka na sa loob o d'yan ako matutulog?" Pananakot ko sa kanya at mabilis syang tumakbo papasok sa loob ng kanyang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD