Episode 7

1531 Words
Raine's POV One-month na akong nagtatrabaho sa LaCùesta kaya gamay ko na rin ang mga gawain duon, kasundo ko na rin lahat ng nasa kitchen area kaya naeenjoy ko na rin ang pagtatrabaho ko sa LaCùesta. Isang linggo ko na ring hindi nakikita ang amo namin, ano na kaya ang nangyari duon o baka naman busy, dahil sya lahat ang humahawak ng business ng pamilya nila. Base lang yan sa kwento sa akin ng mga katrabaho ko. Day off ako ngayon at nagluluto ng agahan namin. "Ate may babayaran po ako sa school na two thousand pesos." Wika ng kapatid kong si Raniel. "Kelan ba ang due ng bayarin na yan?" Tanong ko habang binabaligtad ang piniprito kong daing na bangus. "Hanggang bukas na lang po ate, nabanggit ko na po ito sayo last week pa." Wika muli ng aking kapatid. "Ah ganoon ba! o sige huwag kang mag-alala sweldo ko naman ngayon, mamaya pupunta ako sa opisina ng boss ko para kuhanin ang sweldo ko." Wika kong muli sa kanya at ngumiti lamang sya sa akin. "Maghain na kayo ni Roxanne at nakaluto na ako." Utos ko naman dito kaya mabilis na siyang kumilos. Matapos naming kumain ng agahan ay mabilis na akong naligo dahil pupunta pa ako sa opisina ng boss ko upang kumuha ng sweldo at mamimili pa ako ng aming stocks na pagkain at pangangailangan dito sa bahay. Isang oras na mahigit lang ang inubos ko sa paliligo at pag aayos sa aking sarili at ngayon nga ay nakasakay na ako sa pampasaherong jeepney patungo sa LaCùesta Building. Nagsuot lamang ako ng hapit na skirt na hanggang ibabaw ng aking tuhod na may slit sa harapan ng aking kaliwang hita. na tinernuhan ko ng isang kulay beige na crop top at white sneakers. Napaka sexy ko sa aking suot kahit mga luma na ito at medyo kupas na. Pagbaba ko ng jeepney ay napapalingon sa akin ang mga kalalakihan na may mga paghanga na makikita sa kanilang mga mata. Pagpasok ko sa loob ng building ng LaCùesta ay sinipulan agad ako ng pabiro ni Raymond. "Wiiit wiit!" Sipol nya sabay tawa. "Haha baliw baliwan ka naman!" Ani ko habang tumatawa. "Kapag ganyan naman ang makaka date ko sisiguraduhin kong dudukutin ko bawat mata ng titingin sayo!" Natatawa nyang ani at nilapitan na ako. "Ay may ganon?" Wika kong natatawa na rin. Anyway, kukuha ka ba ng sweldo?" Tanong nya. "Oo sana, nandyan na ba si boss?" Tanong ko sa kanya. "Oo pero ingat lang at mainit ang ulo nyan kanina pa ng dumating sya." Wika nya pa. "Ha? Bakit naman? Ayoko na muna yatang pumasok sa loob." Nag aalangan kong wika kay Raymond. "Hinahanap ka nga nyan kanina pa, ng sinabi naming wala ka pa abay nagalit, dapat daw maaga pa lang nandito na para marami daw syang oras para sa ibang bagay. Nagtataka nga kami dyan dati namang ang manager ang nagbibigay ng sweldo ewan bakit ngayong buwan na ito sya ang magbibigay ng sahod natin." Mahaba nyang sabi. Napakibit balikat na lang ako sa sinabi ni Raymond. Pero kinakabahan akong pumasok sa loob ng opisina ni sir Ryven, pakiramdam ko nga hihimatayin na ako sa sobrang kabang aking nararamdaman. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng boss namin at nagulat pa kami ng magtaas ito ng boses. "Hindi ba sinabi ko na ayokong makakakita ng naglalandiang empleyado sa loob ng aking building?" Galit at pasigaw nyang wika. Nabigla kami sa sinabi ng boss namin kaya nagpalingon-lingon kami kung may naglalandian nga bang mga empleyado, pero wala naman kaming makita."Ikaw Miss. Atienza, what the hell are you waiting for huh, Christmas?!" Galit nyang wika kaya napatayo agad akong bigla. "May regla na naman!" Mahinang bulong ni Raymond na hinampas ko ng palihim sa balikat. "Did you say something Mr. Dela Cruz?" Asik ng aming amo kay Raymond. "P-Po? N-Naku sir wala po! sabi ko lang po k-kay Raine na tawag nyo sya." Ani nyang nagkakandautal na sa sobrang nerbyos. Kinunutan lamang sya ng noo ng aming amo at ibinaling na muli ang mga tingin sa akin. "Miss Atienza, in my office NOW!" Sigaw nya sa akin na nagpapitlag sa kinatatayuan ko. Halos malunok ko na ang aking dila at hindi malaman ang sasabihin sa kanya kaya napayuko na lamang ako. "O-Opo sir." Pag sang ayon ko. Nilingon ko ang lahat ng mga kasamahan ko at kahit sila ay halos hindi rin makatingin at nakayuko lamang amg mga ulo maliban lamang kay Raymond. Nang pumasok na si sir Ryven sa kanyang opisina ay dali-dali akong sumunod at baka pag natagalan pa ako ay magbuga na sya ng apoy dahil sa sobrang galit nya. Pagpasok ko ng opisina ay biglang sumara ang pinto. Nabigla ako ng biglang hinatak ako ng boss ko paharap sa kanya at napalunok ako ng makita ko ang madilim nyang anyo. "Bakit ganyan ang suot mo ha? Nililigawan ka ba ni Mr Dela Cruz?" Tanong nya na may galit sa kanyang mukha. "P-Po?" Gulat kong ani. "Don't make me repeat myself Miss. Atienza." Wika nya pang muli. "A-Ah sir naku hindi po! Magkakaibigan lang po k-kami at s-saka kuya na po ang tingin ko sa kanya." Kinakabahan kong ani. Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha nya, ang kanina lamang na mukha na akala mo ay galit na galit na dragon, ngayon naman ay napalitan ng maamong mukha? Tama nga ba itong nakikita ko maamong mukha. Naguguluhan ako sa inaakto ng aking boss. Maya-maya ay hinaklit nya ang aking bewang palapit lalo sa kanya na nagpapitlag sa akin. Halos magkayakap na kami sa sobrang pagkakadikit ng aming mga katawan, jusko lord ramdam na ramdam nya ang t***k ng aking puso. Halos tumalon na ang puso ko palabas ng rib cage ko sa sobrang kabang aking nararamdaman. "Si-Sir ba-bakit po?" Wika kong naguguluhan. "Ayokong lumalapit ka kay Mr. Dela Cruz nagkakaintindihan ba tayo ha Raine?" Utos nya na ikinalaki ko ng aking mga mata. Pilit ko syang itinutulak ngunit jusko bakit naman ganito ito kalakas, parang si superman lang. "Sir bi-bitawan nyo po ako." Nauutal kong ani. "Answer me!" Maawtoridad nyang utos sa akin. "Ba-Bakit naman po sir eh magkaibigan po kami." Naguguluhan kong sabi sa kanya. "Do what I told Miss Atienza!" Tangi nyang sambit at hindi pa rin ako binibitawan at nakatitig pa rin sa aking mukha kaya ilang na ilang na ako. "Okay po." Sambit ko upang matapos na lamang ang kalokohang ito ng aking amo. Akala ko ay bibitawan na ako ng amo ko ngunit mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Maya-maya ay bigla nya akong siniil ng halik at dahil sa sobrang pagkabigla ko ay buong lakas na itinulak ko sya at binigyan ng isang sampal. Halos manginig ang buo kong katawan ng makita kong tumagilid ang kanyang ulo. Nabigla din ako sa aking nagawa pero hindi ako nagpatinag. Hinaplos nya ang kanyang pisngi at dahan-dahang tumingin sa akin na ikinakaba ko pa lalo. "You are the first one who slapped my face." Wika nya sa mababang boses habang hinihimas ang pisngi nya na sinampal ko. "So-Sorry po sir pero hindi nyo po dapat ginawa yun." Naiiyak kong sambit. "I won't say sorry because I don't feel sorry to what I did." Ani nya habang titig na titig sa aking mukha. "Aalis na po a-ako sir." Wika ko at ng akmang lalabas na ako ay hinarangan nya ang pinto ng opisina. "S-Sir lalabas na po ako inaantay na po ako ng mga kapatid ko." Wika ko na naiinis na sa kanya. Hmp hindi sya magpapakita sa akin ng isang linggo tapos ngayon hahalik-halikan nya ako, ninakaw nya ang aking first kiss. Naiinis kong wika sa aking sarili. "I will take you home!" Ani nya. "Hindi na po kailangan sir kaya ko pong umuwing mag-isa!" Wika ko na hindi tumitingin sa kanya. "Kapag hindi mo ako hinayaang ihatid ka hahalikan kitang muli at worse baka mas higit pa duon ang gawin ko sayo." Saad nya na nagpalaki ng aking mga mata. "Bastos!" Naiinis kong sigaw sa kanya. "So, what do you think?" Tanong nyang muli. Bumuntong hininga ako, mukhang wala yata akong kalawa sa amo kong ito ah. "Here!" Ani nya at iniabot nya sa akin ang sobre na may lamang sweldo ko. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Kinabahan ako ng bigla nyang hubarin ang kanyang coat, wtf? anong gagawin nya? Para akong tinulos na kandila ng bila nyang ipinasuot sa akin ang coat nya. "Put it on! I might going to kill someone if you don't wear that." Utos nya at agad ko naman itong isinuot. "Let's go!" Wika nya sabay hawak sa aking kamay at hinila na ako palabas ng opisina. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng kanyang opisina ay lahat ng empleyado ay sa amin nakatingin at may mga tanong sa kanilang mga mukha, mga tingin nila sa mukha ko na bumaba sa kamay ko na hawak-hawak ng aming amo. Ano ba naman tong ginagawa ng amo ko, lintik naman mapag chichismisan pa ako nito bukas pag pasok ko sa trabaho. Yumuko na lamang ako at nagpati-anod sa aking amo palabas ng building. Sa isang banda ay nakakaramdam ako ng kaligayahan sa aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD