Ryven's POV Ilang araw na ang lumipas mula ng mahuli ako ni Raine sa aking opisina. Nakainom ako ng araw na 'yun dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko habang pinapanuod ko si Raine at Dela Cruz sa cctv monitor sa aking laptop. Hindi na ako nakapag-pigil kaya nasugod ko sila sa loob ng kitchen. Pagbalik ko ng opisina ay wala akong ginawa kung hindi ang tunggain ang alak na pinakuha ko sa aking empleyado. Halos masiraan yata ako ng ulo ng araw na 'yon lalo na ng makita ko kung paano sya akbayan at yakapin ni Dela Cruz. Parang nakikipag sukatan pa yata sa akin si Dela Cruz at nakikita ko sa kanyang mga mata na kahit anong oras ay hindi n'ya ako aatrasan. Sino ka nga ba talaga Dela Cruz? Nang mahuli ako ni Raine sa aking opisina at tumakbo syang luhaan ay hinabol ko sya hanggang lab