Chapter 3
“Hi!”
Napalingon si Nathalia sa boses na iyon ni Vince sa may likuran niya. May dalang bulaklak ang lalaki at papalapit sa kanya habang nakaupo s’ya sa silya sa lawn, reviewing her notes. Isang linggo ng ganoon ang gawi ni Vince pero nag-iiwan lang ng bulaklak sa may pinto ng kwarto niya. Ngayon ay sa mismong harap na yata niya mag-aabot. Mukhang nagkalakas na ng loob na lumapit sa kanya ang duwag sa loob ng ilang araw lang na pamasid-masid at pasunud-sunod sa kanya kahit saan siya pumunta.
She’s afraid at first but in the past few days she had a sudden change of heart. Nadala siya dahil sa mga ngiti nito sa kanyang bukod sa magaganda ay masyado pang makahuli ng loob. Mabait ito.
Medyo gumaan na rin naman ang loob niya rito dahil wala naman itong ipinakikita sa kanyang kademonyohan at hindi naman siya hinahawakan.
Nginitian lang niya ito nang kaunti saka niya ibinalik ang paningin sa kanyang inaaral na notes.
“Won’t you mind if I join you, baby?” tanong nito kaya umiling siya nang tingalain ito.
Naupo naman ito sa silya sa tabi niya. She glanced at him sideways. Namamanguhan at gwapong-gwapo ang lalaki kahit na ang simple ng dating.
“For you, Nath.” inilapag nito ang pumpon ng mga bulaklak sa metal na mesa kaya tiningnan niya ito ulit.
“Salamat. B-Bakit nandito ka? Hindi ka ba sumama sa kampanya ni Don Ignacio?” kiming tanong niya rito pero natawa ito sa kanya.
She handed the flowers and smelled them. Mga tulips naman ngayon ang bigay nito. Noong mga nakaraan ay puro white roses ang dumarating sa kanya. At this time may chocolates pa.
“Don Ignacio? You call my Dad Don Ignacio? Parang hindi naman kita magiging girlfiend niyan.” anito pa sa kanya habang titig na titig sa mukha niya at parang napakamot pa sa ulo.
Napayuko siya. “Hindi kasi ako sanay na tawagin siya ng iba. Nakakahiya kung Tito man.” naiiling pang sabi niya habang hindi makatingin nang diretso sa lalaking katabi niya.
“It’s fine with me. Whatever that makes you comfortable, I’m okay with it. I like you, Nath. You make me happy. It’s true. I want us to work. Can we give this a chance, please? I’ll respect you. I promise. I’m sorry for what I did to you. I’m sorry, too if… most of the time, sunod-sunuran ako kay Dad.” ang mga mata nito ay lumalam at biglang nagsumamo.
Ilang saglit niyang inaral ang hitsura nito at nakita naman niya na sincere ito sa sinabinagsumamo. Ayaw naman niya itong insultuhin at gusto rin niyang intindihin na nag-iisa itong anak na dapat talaga ay sumunod sa mga gusto ng ama. Pero di ba nga at may banta ang Don sa kanya na hindi sila pwedeng magkamabutihan ni Vincent? Hindi komo at pumayag iyon sa sitwasyon niya sa mansyon kapalit ng pananahimik ng bibig ng Papa niya sa katotohanan daw ay dapat na siyang makipag-ayos kay Vince.
Pero wala naman sigurong masama kung susubukan nila.
Marahan na rin syang tumango at dahil yata sa kabiglaan at katuwaan ay nayakap siya ni Vince nang walang abiso.
Makailang beses siyang napakurap at nangiti.
“Thanks Nath. You won’t regret. I promise.”sabi nito sa kanya.
Medyo nailang pa si Nathalia pero kinalma niya ang sarili at tinanggap ang yakap nito. She let him hug her in fact, she higged him back.
Nang tumingin siya sa may mansion ay sumalubong kaagad sa mga mata niya ang bulto ng Daddy ni Vince na masama ang tabas ng mukha habang nakatingin sa kanila. Kabaliktaran ng ekspresyon ng mukha ng ama niya na nakangiti at parang natutuwa sa nakikita sa kanilang dalawa ni Vincent.
May kasamang babae ang mga iyon; isang babae na matangkad at dinaig ang isang modelo sa postura at tindig. Maganda ang hubog ng katawan no’n at ubod ng puti na parang umiinom ng tatlong bote ng glutathione araw-araw. She’s fair skinned, too but she’s pinkish in color.
Pero bagay sa babae ang kulay ash blonde na buhok niyon na short bob cut ang gupit. May suot iyon na malalaking hikaw na bilog at may tattoo sa isang dibdib. Maliit lang naman ang tattoo pero kita dahil sa damit na suot.
Hindi maiwasan na makaramdam si Nathalia nang panliliit.
“D-Daddy mo, V-Vincent.” aniya kay Vince sabay tulak ng marahan dito na kaagad naman na lumingon sa gawing nilalakaran ng mga bagong dating.
“Alyssa.” parang dismayadong usal nito nang banggitin ang pangalan ng babae na papalapit.
Vince glanced at her again.
“Vincent, baby.” sabi ng babae na ang laki-laki na kaagad ng ngiti.
Vince stared at her and she did the same thing.
Nagbawi na lang siya at wala na siyang nagawa nang lumapit iyon sa kanila at hinalikan sa labi ang lalaki. Nathalia doesn’t even know why she felt irritated, perhaps because she was insulted.
“I’m busy, Alyssa.” ani Vince, matapos na ipagtulakan ang babae na kaagad na umirap at humalukipkip.
Tumingin iyon kay Don Ignacio na parang humihingi ng saklolo roon at ang papa naman niya ay nakamasid lang.
“She’s here to see you. Don’t be so rude, Vincent. Hindi ako makatanggi kasi alam mo kung gaano kalaki ang naitulong ng mga magulang ni Alyssa sa kampanya ko. Magpapasama siya sa’yo.” matigas na sabi ni Don Ignacio saka tumingin sa kanya.
Sa mga mata pa lang ng matanda ay parang natatakot na sya.
Hindi s’ya umimik. Sumulyap lang siya sa Papa niya.
Ano bang karapatan niyang tumanggi kung hindi pa man lang ay parang pipilipitin na ng lalaki ang leeg niya kapag humindi s’ya.
Si Vince ay parang nakabase rin sa sagot niya pero ang babae ay humalukipkip pa lalo at umiling. Parang nagpapakita iyon ng pagkairita.
“Pa, doon na tayo.” Anyaya ng dalaga sa ama saka niya mabilis na kinuha ang mga notes niya, iniwan ang bulaklak na dala ni Vincent.
Iyon ang lalaki, dapat iyon ang manindigan.
Nang tumango si Domeng ay agad na yumakap ang dalaga sa braso niyon pero nang magsimula rin na magsipag-alisan ang tatlo ay napalingon siya at napatitig.
Hinahaplos na ng babae ang panga ni Vincent at yakap na yakap iyon sa braso ng lalaking walang buto.
“Ano ‘yang mga mata na ‘yan? Bakit ganyan?” makahulugang tanong ng Papa niya kaya nabaling dito ang atensyon niya.
“Mabait siya, Papa.” aniya sa ama.
Tumango ito sa kanya at ngumiti. Her father sat her again on the metal chair and occupied the other seat. “Mabait s’ya pero sa sobrang bait niya, wala siyang sariling disposisyon. Duwag siya, anak. Nagugustuhan mo na siya, ‘di ba?” ngumiti pa ng kaunti ang Papa niya pero hindi niya pinansin ang sinabi nito na nagugustuhan na niya si Vince.
“Huwag ‘nak. Masasaktan ka lang.”
Nalungkot siya sa sinabi nito. Pati ba ito ay hadlang din na tulad ni Don Ignacio?
“Ang ibig mong sabihin Pa, sumunod ako sa gusto ni Don Ignacio? Ayaw niyang magkasundo kami ni Vince at ngayon pati ikaw.” aniya sa ama.
“Hindi ko sinasabi na sundin mo siya. Hindi ko rin sinasabi na huwag mong gustuhin si Vince. Pwede mo siyang gustuhin bilang…kuya, halimbawa.” anito sa kanya.
Tumingin lang siya sa ama niya.
“Hindi kita maintindihan, Papa. Nalilito naman ako sa sinasabi mo. Lahat ba ng lalaki dapat kuya lang ang maging tingin ko?” Parang batang napakamot si Nathalia sa ulo.
Para itong makalumang tao na nasa Bibliya na ang hilig sa mga patalinhagang salita.
“Duwag si Vince pero mabait siya. Hindi siya para sa’yo. Kailangan mo ng lalaki na maipagtatanggol ka. ‘wag kang maging duwag anak, wag kang gumaya sa Papa.”Anito pa saka hinaplos ang ulo niya. “Buong buhay ko na yata akong naduwag dahil sa pagmamahal ko sa inyo ng Mama mo.”
Paano naman nito nasasabi na duwag ito? ‘di nga ba at ang tapang nito para humingi ng para sa kanya kahit hindi naman siya natuluyang magahasa ni Vince? At ganoon katapang na napapayag nito ang Don na sumang-ayon.
…
Maghapon na hinihintay ng dalaga si Vincent na dumating pero wala pa rin kahit na mag-gagabi na. Ano kayang ginagawa ng lalaki na iyon at si Alyssa, at saan pumunta?
Kahit na pinagsabihan na siya ng Papa niya na huwag gustuhin si Vincent, hindi niya magawa. Hinahanap pa rin niya ang lalaki sa kabila ng katotohanan na duwag nga ‘yon.
“Nath, bulaklak po para sa inyo.” anang ate Kara niya nang pumasok iyon sa inuukupa niyang kwarto.
Napahinto diya sa paglalakad paroon at parito sa tapat ng pinto ng terrace sa kwarto niya at tiningnan ang babae.
Nangunot ang noo niya kasi dalawang bulaklak na ang natatanggap niya sa loob ng isang araw? Gusto na yata siyang papagtayuin ng flower shop ng ni Vincent.
“G-Gabi na, Ate Kara. Kanino po galing?” takang tanong niya habang nakatingin sa bouquet.
Kay Vince na naman nga yata galing ‘yon. Nasosobrahan sa sorry ang lalaki at panunuyo.
“Wala naman nakalagay. Tulad din ng mga bulaklak na iniiwan ko sa tapat ng pinto natin dito.” aniyon habang inaamoy amoy ang mga white roses.
Laging puting mga rosas ang natatanggap niya noong mga nakaraang araw, ibig sabihin ay hindi si Vince ang nagbibigay ng mga iyon sa kanya dahil iba ang dala no’n kanina.
“Sige ate, salamat.” aniya at kinuha ang bouquet.
Sobrang laki no’n na parang isa siyang kandidata ng pageant para bigyan ng ganoon kagandang bouquet of roses.
Napaangat ang mga kilay niya nang makita ang isang maliit na card sa gitna ng kumpol ng mga bulaklak. Nakatago ‘yon at hindi niya halos makita pero mapula kaya agad niyang napansin sa ilalim ng ilaw. First time na may card ang bulaklak na natanggap niya.
She reads it.
You’re mine.
Nathalia, baby.
Lintik!
Naisalya niya ang note at natitigan ang bulaklak. She has a stalker. Hindi si Vince ang nagpapadala ng bulaklak sa kanya noong mga nakaraang araw. Isang malinaw na estranghero ang nagpapadala ng mga iyon sa kanya.
Nagmamadali siyang pumasok at balak na sanang itapon ang mga rosas pero nanghinayang siya sa ganda. Wala siyang maisip na pwedeng magbigay no’n sa kanya. May mga manliligaw siya but not to the point that they will stalk her and send her flowers.
Gaano ba kamahal ang ganoong bouquet? Hindi magsasayang ang isang estduyanteng lalaki na may crush sa isang babae ng ganoon kamahal.
Napaitlag siya nang biglang bumukas ang pintuan at si Vince ang dumungaw doon.
“I knocked. Hindi mo yata narinig.” sabi ng lalaki sa kanya pero parang natigilan nang mapatingin sa mga bulaklak na hawak niya.
“Kanino galing?” Vince asked. Parang dumilim ang anyo nito sa pagkakatingin doon.
Parang nataranta tuloy si Nathalia at di malaman kung ano ang isasagot. Kahit na hindi pa naman sila talagang nagkakamabutihan, she doesn’t want to be accused cheating. Isa pa ay nakikita na naman niya na mabait naman si Vince.
“P-Pinabili ko k-kay Ate Kara. Nagandahan kasi ako no’ng napadaan ko sa flower shop kahapon.” ngumiti pa siya nang kaunti at inilapag ang bulaklak sa mesita.
Sana lang hindi no’n napulot ang maliit na note. Bukas susunugin niya ‘yon.
“Kakain na.” anito na sinundan pa ng tingin ang bulaklak at lukot pa rin ang noo.
Ewan niya rin kung naniniwala ito pero kapag sinita naman s’ya ay ipagtatanggol niya ang sarili niya.
Pasimple syang naglakad papunta sa may pinto kung saan ito naroon at pagkalabas na pagkalabas niya ay niyakap siya kaagad nito at isinandal nang kaunti sa pader.
Hindi s’ya nakakilos. Nahuhulog na nga yata ang loob niya rito at ganoon kadaling natakpan ang kamuntik ng paggahasa nito sa kanya ng mga ipinakikita nitong paglalambing at kabutihan, kapag sila lang ang naiiwan sa bahay at wala ang ama nito.
“I love you, Nath.” Ani Vince sa kanya saka siya hinalikan sa leeg. She held her breath.
Biglang dumami na naman ang kaba sa dibdib niya at hindi maiwasan na maalala niya ang ginawa nito sa kanya noon.
But he’s gentle this time. Masuyo ang ginagawa nitong paghalik sa kanya at pati na ang paghaplos sa likod niya. It brings her something unexplainable. Nawawala nang tuluyan ang takot niya rito at napapalitan ng paghanga. She wasn’t aware that he’s capable of doing things as gentle as those. She felt respected.
Nathalia immediately holds on his arms for support.
Napatigil ito at tiningnan ang mukha niya saka marahang inilapit sa kanya.
“I’m sorry for hurting you that time I attempted r****g you.” anito sa kanya.
Hinawakan pa ni Vince ang kabilang parte ng mukha niya.
She nodded lightly. He teased her with a soft kiss but ended it too soon. Tiningnan ulit ang mukha niya at nang hindi siya gumalaw ay siniil siya nito ulit ng halik na may kalaliman na ngayon.
Nathalia doesn’t know how to kiss Vince back but she likes it. She’s starting to love it.