Chapter 1
Chapter 1
Kanina pa pansin ni Nathalia na walang humpay ang pagtitig sa kanya ni Vince na anak ng amo niya habang nagsasalansan siya ng mga plato sa platera. Kadarating lang niya noong isang araw galing sa probinsya. Namatay na kasi ang lola niya at wala na sa kanyang mapag-iiwanan kaya napilitan siyang lumuwas at sumama na sa ama niya na kahit na ayaw siya no’ng maglagi sa Maynila noon pa man ay napilitan na rin na kunin siya.
Nasurpresa ang Papa niya nang makita siya at para iyong namutlang ipis.
Hindi nga alam kung bakit takot na takot ‘yon na makilala siya ng amo no’n.
Ang ama niya ay driver ng mga San Andres, isa sa mga pinakamayamang tao sa buong Pilipinas.
Dalawang taon na lang naman ay magtatapos na siya ng Business Administration, major in Marketing kaya doble sipag siya ngayon para naman makapagpahinga na ang papa niya sa pagtatrabaho. Isa pa ay ang Don Ignacio ang may gusto na maglagi na siya sa mansyon kaya hindi na rin nakaimik ang Papa niya.
Umalis si Nathalia sa kinatatayuan niya dahil ilang na ilang na siya kanina pa dahil sa tindi ng titig ni Vince. Parang gusto na no’ng hubarin ang suot niyang pantalon at blouse. Umikot siya papunta sa kusina para lumabas sa exit at pumunta na sa maid’s quarter pero nasa may dulong pasilyo na si Nathalia ay biglang sumulpot ang lalaki na iniiwasan niya.
Hindi siya nakahuma nang bigla siya nitong hawakan at isandal sa pader. “Nathalia, ‘di ba?” inilapit ni Vince ang mukha sa mukha niya kaya napaatras ang ulo ng dalaga, dahilan para mauntog pa siya sa pader.
Biglang kumabog ang dibdib niya lalo na nang idikit ng lalaki ang katawan sa kanya. Mainit ito na animo ay nilalagnat pero parang wala namang sakit.
“S-Señorito, pakawalan niyo po ako.” aniya rito sabay pilig ng ulo niya dahil parang hahalikan na siya.
Pogi naman ito at ang laking tao pero ang tingin niya rito ay wala itong sariling disposisyon sa buhay. Ilang beses na niya itong napagbuksan ng pinto kasi mag-uumaga na kung umuwi. Lagi na lang lasing. Tapos heto ngayon at may balak yatang gawin na hindi maganda sa kanya.
Pumalag si Nathalia pero lalong dumiin ang pagkakahawak ni Vince sa kanya kaya nakaramdam siya ng sakit sa pulsuhan.
Wala pang lalaki na nakalalapit sa kanya ng ganoon kalapit at mas lalong wala pang humahawak ng ganoon na parang dudurugin na siya.
Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. May manliligaw naman pero kapag nalaman niya na may gusto sa kanya ay kaagad niyang iniiwasan. Gusto kasi niyang makapagtapos na muna kaya wala siyang panahon sa mga ganoong bagay.
Pinahahalagahan niya ang pagod ng Papa niya at sakripisyo para lang mapagtapos siya at magkaroon ng magandang kinabukasan.
“Ang ganda mo. Pwede yata kitang maging girlfriend. Mabait naman ako, Nat.” anito sa kanya kaya lalo siyang napaiwas.
Amoy na amoy niya ang bibig nito sa may ilong niya at siya naman ay nakatago ang mga labi.
She wanted to hurt him, but how? Nakadikit na husto ang katawan nito sa kanya at may nararamdaman siyang matigas na bagay na tumutusok sa kanyang tiyan.
“Ayoko po.” matigas na sabi niya at tinangka niya ulit pakawalan ang sariling mga braso, kaya lang ay matigas ang lalaki at hindi siya nakagalaw nang bigla nitong pihitin ang mukha niya at hinalikan siya nang mariin sa labi.
She struggled and hit Vince. Malalakas na pagbayo ang natanggap nito mula sa kanya pero manhid yata ito at bawat sampal niya ay mas lalong mariin ang nagiging paghalik ng lalaki sa kanya, hanggang sa maramdaman niya ang kirot sa labi niya kaya napaiyak ang dalaga.
Pinagsawa muna ni Vince ang sarili sa paghalik sa kanya at ang isang kamay ay kaagad na humawak sa dibdib niya at minasahe iyon.
Kasabay no’n ang daing na lumabas sa bibig ng lalaki.
Nanlaki pa ang mga mata niya dahil sa ginawa nito kaya napahagulhol siya ng iyak. Impit iyon at puno ng pandidiri.
“Oh s**t, you’re good.” anas nito nang pakawalan ang labi niya.
Natikman niya ang dugo sa sarili niyang labi pero parang walang pakialam si Vince sa ginagawa sa kanya dahil tinakpan nito ang bibig niya nang tangkain niyang sumigaw, at saka siya nito hinila papasok sa bahay kubo sa likod bahay.
It was made of Anahaw leaves and bamboos. Kaagad syang inilapag ng lalaki sa sahig na kahoy habang takip ang bibig niya at ang isang kamay ay hinuhubad ang pagkakasara ng pantalon niya.
Ayoko…
Hindi siya makasigaw dahil ipit-ipit nito ang mukha niya gamit ang kamay. Tumtulo ang luha niya at patuloy ang pagpasag-pasag niya para makawala pero walang pag-asa ng natitira sa kanya.
“Shh, you’ll love it. I swear baby.” Ani pa ni Vince sa kanya kaya lalong lumakas ang iyak ng dalaga pero wala naman yatang makarinig sa kanya, hanggang sa maramdaman niyang nasa kalahati na ng hita niya ang pantalong suot kasama pati ang underwear niya. At mali yata na pumasag-pasag siya dahil lalong napabilis ang pagkahubad niyon sa kanya.
Papa! Papa! Humagulhol si Nathalia ng iyak pero walang mangyayari.
“Ang ganda mo kasi. ‘wag ka ng umiyak. You’ll be my girl from now on. Tahan na ha. This is good, I promise.” Ani Vincent nang dapaan siya at pilit na pinaghiwalay ang mga hita niya habang tinatakpan pa rin ang kanyang bibig.
Nang tanggalin ni Vince ang kamay para halikan siya ay noon siya nakasigaw.
“Papaaaa!” sigaw niya na may kahalong iyak pero nakulong ang labi niya sa bibig nito.
Iniyakap nitong pilit ang binti niya sa bewang nito at naramdaman ni Nathalia ibinababa nito ang boxer na suot kaya kinalmot niya ito nang husto sa mga braso at likod, hanggang sa biglang mapaalis ito sa ibabaw niya sa hindi niya malamang dahilan.
Kaagad siyang napabangon at dinampot ang pantalon niya. Sumiksik siya sa isang sulok at tinakpan ang kahubaran.
“Hayop ka!” sigaw ng Papa niya nang sumulpot iyon mula sa kung saan, sabay suntok sa lalaki.
“Walang galang!” dugtong pa ang ama niya na kahit may katandaan na ay malakas pa rin ang pinakakawalan na suntok.
Natigil lang ang ama niya nang biglang dumating na rin ang ama ni Vince na si Don Ignacio. Masama ang tingin niyon sa sariling anak na nakadapa sa frog grass habang sapo ang gilid ng bibig. Tumingin iyon sa kanya kaya lalo siyang napasiksik sa gilid ng kubo. Mabilis na dinaluhan ng Papa niya si Nathalia at ito na mismo ang nagsuot ng pang-ibaba niya.
This is the first time she saw her Papa cried after her Mama died. Simula nang mawala ang ina niya dahil sa sakit sa atay dahil sa kawalan nila ng pera ay parang nawala na ang buhay ng ama niya. May mga pagkakataon na iniisip niyang di na siya nito mahal kasi iniwan na siya sa lola niya pero sa nakikita niya ngayon ay mahal na mahal siya nito.
Hinaplos nito ang mukha niya kaya napayakap siya sa ama.
“Papa.” iyak niya rito.
“Tahan na anak.” hinaplos nito ang likod niya saka ito bumaling sa amo.
“Don Ignacio, wala akong karapatan na magsalita pero iba ang usapan kapag anak ko ang nasa peligro. Alam kong hindi niyo ako pakakawalan dahil sa lahat ng alam ko pero hindi ako papayag na mauulit ito. Itatago ko ang dapat na itago tungkol sa inyo pero kapalit ng kaligtasan ni Nathalia.” mariin na sambit ng ama niya na inilingan niya ng husto.
Sana huwag na itong magsalita pa. Alam niyang may hindi magandang ginagawa ang pamilya San Andres dahil iyon sa kwento ng lola niya at natatakot siya para sa ama niya.
Ayaw niyang mapikon ang matandang don na parang susunog ng kaluluwa ng tao kung makatitig.
Matatalim ang palitan ng tingin ng mga matatanda at parang nakakamatay. Parang may mga itinatagong lihim ang mga mata ng Don na hindi niya kayang arukin kung ano. Parang mas malala iyon sa kwentong narinig niya at ayaw niyang alamin.
Ang alam niya ay tatakbong bise presidente ang matanda pero bukod doon ay wala na syang iba pang alam sa mga ito. Marumi raw ang mundo ng mga San Andres pero hindi niya masukat kung gaano.
“Sige.” matigas na sabi ng lalaki sa ama niya.
Napatingin si Vince sa ama na parang tutol pa pero walang nagawa nang biglang suntukin iyon ni Don Ignacio.
Natutop niya ang bibig sa sobrang pagkabigla at walang imik na yumakap siya lalo sa Papa niya.
Nang maglakad papalayo ang sina Vince at Don Ignacio ay natingnan niya ang ama.
“Pa, natatakot ako sa kanila.” hinila niya ang laylayan ng t-shirt ng Papa niya na medyo may edad na.
Kung pwede lang niyang sabihin na umalis na sila roon pero alam niyang hindi gaanon kadali. Nakatali na yata pati kaluluwa ng ama niya kay Don Ignacio.
Tiningnan sya nito ng husto at parang nakita niya ang lungkot sa mga mata ng ama niya. Parang may inililihim ito sa kanya.
“Mali ka kasi na pumunta rito anak. Maling-mali ka pero hindi kita pababayaan. Dito lang ako para bantayan ka hangga’t buhay ako.”anito sa kanya kaya napahikbi siya.
“Pero ipangako mo na kahit anong mangyari, ipaglalaban mo rin ang kaligtasan mo at ang lahat ng matutuklasan mong iyo sa bandang huli.” anito pa sa kanya.
Ano? Wala naman silang yaman. Ano naman ang ipaglalaban niya?
“Tatagan mo anak. Kaya mo alam ko. Wala na akong ibang maisip na paraan para maging maayos ang buhay mo. Ito na lang ang maisusukli ko sa lahat ng hirap na dinanas mo sa amin ng Mama mo. Mahal kita anak, sana makaya mo na dito lang sa tabi ko. Hindi na kita pwedeng ipagkatiwala sa iba at kahit ayoko na nandito ka, wala na akong magagawa kung hindi ang protektahan ka.” anito sa may ulunan niya.
Nagsumiksik si Nathalia sa dibdib nito. Wala syang maintindihan at alam niya na kahit magtanong siya ay walang sasabihin ang Papa niya.