Chapter 2
Nasa labas sila at kumakain sa isang restaurant ay para siyang pinanginginigan ng laman sa takot. Kaharap niya ang mga lalaking hindi niya kilala at pati na ang matandang don na ngising impakto pati na ang anak no’ng si Vincent na kanina pa tingin nang tingin sa kanya.
Hinahanap niya sa paligid ang ama na inutusan ni Don Ignacio pero hindi niya iyon makita kaya nag-aalala na siya na sobra.
She’s not a fool but she always wants the truth to be delivered exactly as it is. Ayaw niya ang daanin siya sa pasakalye pero kilala niya ang ama niya, hindi iyon magsasalita kapag ayaw na magsalita. Parang mas matimbang pa roon ang mga sinumpaan kay Don Ignacio kaysa sa kung ano. Mas mabuti pa raw na matuklasan niya sa sarili niyang paraan ang katotohanan kaysa sa malaman niya galing doon at ikalagay pa sa panganib ng buhay niya.
“Bakit umiiyak ka?” biglang tanong sa kanya ni Vince habang magkaharap sila sa mesa.
Napaangat s’ya ng ulo at bahagyang sinulyapan ang lalaki. Medyo pormal ito ngayon kesa noong huli silang nagkaharap at pinagtangkaan siyang gahasain. Alam niyang lasing ito noong araw na ‘yon pero ngayon ay hindi na. Pero hindi pa rin ‘yon sapat para mawala ang takot niya rito.
“Sino ba ang hindi iiyak? Ayokong kaharap ka. Ayoko sa’yo. Ayoko sa’yo.” mas lalo na syang napahikbi nang mahina.
Nakita niyang lumiko ang nguso nito at tinapik-tapik ang mesa gamit ang palad. He averted his gaze.
“I’m sorry about that pero wala ka ng magagawa dahil makakasama mo ako araw-araw. Kahit anong gawin ko sa’yo ay magagawa ko na.” ngumisi pa ito at tiningnan ang dibdib niya.
She’s wearing a low cut heart shaped dress kaya naman expose na expose ang dibdib niyang katamtaman ang laki. “Pero hindi naman ako ganoon kasama. Nagkataon lang na galit ako that time at lasing ako kaya nagawa ko ‘yon sa’yo. Pero hindi ko na uulitin.” anito sa kanya kaya bumalik dito ang tingin niya.
Vince smiled at her calmly. Hindi sya nakaimik. Tama ba ang narinig niya? Hindi na nito uulitin na tangkaing gahasain siya? Maniniwala ba siya? Sapat ba ang salita para paniwalaan niya ito?
“Paano kapag nalasing ka? Paano na?” tanong pa niya rito.
Nagkibit-balikat ito saka nanulis ang mga labi.
“Lock the door.” anito sa kanya saka ngumiti pa.
Hindi sya ngumiti. Ayaw niyang magtiwala. Sa ginawa nito sa kanya ay mahihirapan siyang magtiwala rito at kahit pa lumuhod ito ngayon sa harap niya ay hindi niya maibibigay ang ni katiting na tiwala.
“Kain na.” ani pa ni Vince sa kanya. “Posible ba na darating ang araw na magugustuhan mo ako?” tanong pa nito sa kanya pero mabilis siyang umiling.
Oo gwapo ito at pwedeng ihilera sa mga male celebrity pero wala siyang plano na ma-involve sa katulad nitong parang walang disposisyon sa sarili. Halatang - halata kasi na asa ito sa ama at napaka-happy go lucky.
Ayaw niyang magsalita ng tapos pero sana ay hindi niya kainin ang salita niya. Hindi si Vince ang magugustuhan niya. Nathalia wants a man of balls and a man who can stand on his feet without needing a crutch.
Kailangan niyang maging matatag tulad ng sabi ng Papa niya sa kanya. Kailangan na maging marunong siya sa mga pamamaraan kung paano niya ipagtatanggol ang sarili niya.
Wala na siyang naging kaimik-imik pa at nakahinga siya nang maluwag nang makita niya ang bulto ng ama na tumingin naman kaagad sa kinauupuan niya.
“I think it’s time to go.” Ani Don Ignacio at parang mga de susi ang mga kalalakihan na nagsipag-tayuan.
That old man is the law maker and he is the rule himself.
Tumayo na rin si Nathalia at kaagad siyang inakbayan ng Papa niya. Ngumiti siya rito nang tipid at malambing itong niyakap.
“Saan ka galing? Hindi ka na nakakain.” She looked up at her father who just smiled at her.
“Huwag mo na akong intindihin, ‘nak. May inasikaso lang ako. Halika na.”
Iginiya siya nito papalabas ng restaurant at mabilis pa siya sa alas kwatro na sumunod.
Ayaw naman niyang sumama sa kainan na ‘yon dahil hindi lang si Vince ang tingin nang tingin sa kanya kung hindi pati na ang matandang ai Ignacio. Pasimple lang ‘yon pero nakaw nang nakaw ng tingin.
Nathalia continued walking while gluing her eyes on the cemented parking lot. Nang mag-angat siya ng mga mata ay napako ang atensyon niya sa isang lalaking nakatalikod at naninigarilyo habang nakatayo sa may pinto ng isang itim na limousine.
Nakapameywang ang lalaki at paulit-ulit na ibinibuga ang usok ng sigarilyo paitaas. Maangas ang dating ng lalaki at base sa tindig ay mukhang hindi iyon ang tipo ng tao na patatalo.
Ito ang klase ng lalaki na kahit nakatalikod ay masasabi niyang tiyak na ubod ng gwapo kapag humarap. His body was so defined, visibly showcased in his plain black cotton shirt and semi fitted maong pants.
“Mr. de Lorenzo?” narinig niyang tanong ni Don Ignacio sa lalaking nakatalikod.
Kaagad iyong na humarap at hindi na niya ikinagulat nang sumalubong sa mga mata niya ang gwapo nitong mukha. Kahit ang tabas no’n ay ubod ng angas na akala mo ay palaging may ikakasa. Mayabang ang aura ng lalaki pero bumabagay naman sa kapogihan nitong taglay. His pointed nose with his dark brown eyes, thick brows, thin sexy red lips, perfectly defined jaws with stubble say it all. What more can she say?
Perfect?
“Mr. San Andres.” The man’s barritone voice makes Nathalia shiver.
Ewan niya kung bakit pero iba rin ang dating ng pananalita nito, masyadong simple pero mayabang.
His eyes flew to her ang his gaze is different. Sa isang iglap ay parang tumagos sa kaluluwa niya ang tiim ng titig nito, dahilan para mapayuko siya.
“What are you doing here Mr. de Lorenzo? Hanggang ngayon ba ay nagmamanman ka pa rin? Move on. Ilang dekada ng patay ang mga magulang mo at wala ka namang napatunayan sa korte.” ngumisi si Don Ignacio. Ngising aso—ulol.
Parang masu-suffocate ang dalaga sa ambience sa mga oras na iyon sa paligid niya. Oo inosente s’ya pero hindi siya tanga. Ramdam niya ang pagpaplastikan ng dalawang magkausap. Ang hindi niya alam ay tungkol kung saan, tungkol yata sa isang kaso.
Ngumisi ang lalaking kaharap nila na lalong nagpapogi sa awra nitong parang ubod ng sanggano—sangganong perpekto.
“I didn’t say anything. Guilty?” humithit ulit iyon ng sigarilyo at ipinilig ang ulo para ibuga ang usok pero bago bumalik ang mga mata sa matanda ay naningkit muna iyon na tumitig lalo sa maganda niyang mukha.
“Bakit ako magi-guilty ay wala naman kaming kasalanan. Young boy, grow up.” ani Don Ignacio na ngumisi na naman at tinapik pa ang balikat ng lalaki pero kaagad na pinalis iyon ng mga tauhan ng lalaki.
“Filthy hands should not touch a de Lorenzo, especially if it’s a certain Nexus de Lorenzo. Minsan ka lang humawak sa pamilya ko Ignacio San Andres. You could never do it again.” he smirked with satisfaction and insult.
Nexus daw siya.
Nagandahan si Nathalia sa pangalan ng lalaki dahil para iyong kakaiba, parang may ibubuga.
Hindi nito tinatanggal ang pagkakatitig sa mga mata ng matandang Don.
“And to remind you. Just a little info, trespassing ka. You’re standing on my private property. Better get your ass off my parking lot.” parang nang-iinsulto pa ang mga tingin ni Nexus.
Parang gusto niyang tumalon papaalis dahil trespassing daw sila.
Ang yabang ng lalaki pero bakit hindi niya makuhang maasar? May ganito palang tao na nakakahanga ang kayabangan, o baka dahil sa sobrang gwapo nito kaya ganoon?
“Let’s go!” mabilis na sambit ng Don at may bahid na ng inis ang boses.
Napikon na yata ‘yon dahil sa lalaking kaharap nila.
Tumingin pa ulit ang binata sa kanya at ngumiti nang simple, nawala ang bagsik ng mukha at galit saka siya pinagtaasan-baba ng mga kilay pero kaagad siyang hinawakan ni Vince sa braso kaya napaitlag siya.
Sapilitan niya iyong iwinaksi at nagsumiksik siya sa Papa niya.
Hindi siya kailanman pahahawak sa pesteng Vince na ito. Ipaglalaban niya ng p*****n ang puri niya bago man lang makuha ng lalaki na parang ipinagdadamot na siya para parausan.
Sa ama si Nathalia sumabay at nilagpasan ang lalaking sobrang tangkad pala sa malapitan.
Tiningnan pa niya ito at ang mga mata nito ay gumalaw din papunta sa kanya, at kung bakit naman parang kinabog ang dibdib niya sa kaba?
Papasakay na siya ng kotse nang biglang hatakin ang ulo niya papalingon sa Mr. de Lorenzo na naiwan nila.
He tilted his head while licking his lips, gazing at her again. That possessive look of a stranger gave her gooseflesh. He seems territorial but in a handsome way.
Ilang babae kaya ang nagkakandarapa na humabol dito? Sa kutis pa lang nitong mamula-mula ay pihadong naglalaway na ang mga kababaihan, lalo pa kung pagsumahin lahat ng taglay nitong pisikal na kaanyuan?
Nabawi ni Nathalia ang tingin nang maningkit ang mga mata nito at tumaas ang isang sulok ng labi, tanda ng isang misteryosong ngiti.
She immediately looked away, swallowing her anxiousness.
Ang gwapo naman kasi ng sobra at ang angas pa. May tattoo pa sa braso kaya parang lalong ang yabang ng dating.
“Iwasan mo siya. Masama siyang tao.” sabi ni Vince sa kanya pero naitikom niya nang mariin ang bibig.
“Sino ba ang mas masama, ‘yong tao na walang ginagawa sa akin o ‘yong tao na kamuntik akong gahasain?” pasimpleng sagot niya rito na ikinatagis ng bagang ni Vince.
Tama naman siya. Bakit niya hubusgahan si Nexus de Lorenzo base lang sa sulsol ng ibang tao?
Hindi naman siya pinatulan ni Vince nang pukulin ‘yon ng masamang tingin ng sariling ama. Tumingin lang ito sa labas ng bintana ng sasakyan pero ramdam niyang bwisit ito sa sinabi niya.
Bakit naman pati siya ay madadamay sa gulo kung anak lang naman siya ng isang driver?
Ano ba ang pinasok ng ama niya bukod sa pagiging driver ng mga San Andres?
San Andres, one of the wealthiest and powerful names in the business world. Lahi ang mga ito ng pulitiko na nagmamay-ari ng mga magagara at mamalaking kumpanya ng mga lisensyadong baril sa Pilipinas at abroad. Bukod doon ano pa? Ano pa ang meron ang apelyido na iyon at takot na takot ang ama niya?