Chapter 3

1577 Words
“Bagay talaga silang dalawa ano, Rosalyn?” Maribeth giggled while looking at her son and Rose descending from the staircase. Nakaalalay ang kanyang anak kay Rose habang pababa ang mga ito sa hagdanan. Nakikita niya ang kasiyahan ng anak habang may sinasabi sa anak ng kaibigan. Marahil ay gumagana na naman ang pagiging pilyo nito at napagdiskitahan na naman nito si Rose. “Oo nga, Beth. Kung may gusto man ako para sa anak ko, si Loui na ‘yun,” sagot naman ni Rosalyn sa kanya na nakatingin rin sa dalawa na pababa ng hagdanan. Nakangiti rin ito sa eksena ng dalawa. “Then let’s compromise,” sabi niya. Mukhang magandang ideya itong naiisip niya at sana ay sang-ayunan din ng kaibigan. Para rin naman ito sa kanilang mga anak. Para sa kinabukasan ng mga ito. “Let’s arrange their marriage now. What do you think?” tanong niya kay Rosalyn. Mukhang natuwa naman ang kaibigan niya sa sinabi niya rito. “Sure! Payag ako riyan,” sang-ayon naman nito sa kanya. May idaragdag pa sana ito ngunit nagsalita na ang asawa nito. “Hindi maganda ‘yang naiisip niyo, Hon,” sabad ng asawa niya sa binabalak nila ng kaibigan. “Let them decide when time comes. Mga bata pa ang mga iyan. Marami pa ang maaaring magbago.” “Oo nga naman, sweetheart. Siguradong gulo lang ang dala niyang pinaplano niyong dalawa in the future. I wanted Loui for our daughter too but we don’t hold their hearts. At tsaka thirteen palang ‘yang anak natin, kasal na ang iniisip mo,” segundo naman ng asawa niya. “Let them grow. And I bet sila rin naman ang magkakatuluyan in the end. So don’t worry,” Armand said to them. Tama nga naman ang mga ito. Pero excited na kasi silang dalawa ni Rosalyn. Pero sana pagdating nang araw ay magkatotoo ang pangarap nilang dalawa para sa mga anak. Mas maganda na rin kasi ang ganito dahil alam nilang nasa mabuting kamay ang kanilang mga anak, pero tama ng ana hindi rin nila hawak ang tadhana at kapalaran ng dalawang iyon. They may love someone else and what they’re planning may ruin them and they may hate them for doing that. “Oo na wala na kaming masabi ni Rosalyn sa inyo. But I hope and I wish that those two will end up together para naman hindi na tayo malayo pa,” natatawang sabi niya. “Oo nga. Nasa mabuting kamay ang anak ko kapag sila ni Loui ang magkatuluyan lalo’t mabuting bata si Loui. Sana hindi ito magbago,” sagot naman ni ni Rosalyn. Sakto namang nakababa ang dalawa nang matapos ang usapan nilang iyon. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaction ng mga ito kapag narinig ang ganoong klaseng usapan nila. “So, let’s go?” masayang sabi ni Rosalyn habang hawak ang kamay ng anak. “You look beautiful, hija,” puri niya kay Rose. Siguradong sasakit ang ulo ni Carmelo kapag tuluyang nagdalaga ang anak nito. Ngayon palang ay makikita na ang kagandahan nito kahit hilaw pa ang katawan. What more kapag hinog na ito? Excited din siyang makita ang reaction ng anak kapag dumating ang panahong iyon. Kanya-kanya na silang sakay ng sasakyan at nag-convey papunta sa restaurant na pina-reserve ng asawa. They reached their favorite restaurant in no time. Pangarap niyang magkaroon ng ganito but she doesn't have time to do so lalo na’t busy silang dalawa ng asawa sa kani-kanilang business. Ipapamana na lang niya sa anak ang pangarap niyang iyon. Business minded din naman ang anak niya kaya wala siyang magiging problema kung sakali. They already have a reservation in this restaurant so when they arrived the waiters immediately assisted them and guided them on their table. She looked at her son who was glancing at Rose occasionally. Nababakas ang paghanga sa mga abuhing mata nito habang nakatingin sa dalagita. She was aware that her son has admiration to the girl, but she knew na higit pa roon ang nararamdaman ng anak para sa anak ng matalik niyang kaibigan. Maybe he hasn’t realized it yet but soon he will at nagugustuhan niya ito. Mabait na bata ang anak ng kaibigan aside from maganda ito at matalino. She can't ask for anyone fits for her son. And she will sure help him when the time comes that they realized what they both have deep inside them. Napangiti siya sa naisip. Oh! She's excited now and she was sure that Rosalyn will be excited too. "Hija, huwag ka sanang magagalit sa itanong ko ha?" magiliw niyang tanong sa dalagita. Tumingin naman ito sa kanya and smiled sweetly. "Yes, Tita, ano po ‘yun?" "Sa ganda mong ‘yan, wala ka pa bang boyfriend?" patay malisya niyang tanong rito. Nagkatinginan naman ang mga magulang nito pagkatapos ay tumingin sa anak at sa kanya na nginitian lang niya. Maging ang kanyang asawa ay napatingin din sa kanya. Kinindatan lamang niya ito na dahilan para umiling na lang ito sa kanya. Tiningnan niya ang dalagita at namula naman ito at mukhang hindi ata nito inasahan ang klase ng tanong niya rito. Even her husband stilled and her friends but most of all, her son. Nabitin ang pagsabi nito ng order sa waiter na nakatayo sa harapan nila. Nakakunot na ang noo nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa dalagita. "Ahm--. Wala pa po sa isip ko ‘yan, Tita. Studies po muna ako, Tita," nahihiyang sagot nito sa kanya. Nakita rin niyang nakahinga nang maluwag ang mga kaibigan sa sagot ng anak. Halos pigil na rin kasi ang paghinga ng mga ito dahil sa paghihintay sa sagot ng anak. Pero mas nakahinga ata nang maluwag ang anak niya. She can see the side of his lips stretched up, maging ito ay nakitaan niya ng kasiyahan. Muli nitong kinausap ang waiter pagkatapos ay humarap at makisama sa usapan. "Walang manliligaw, hija?" sunod na tanong niya rito. "Ah. Eh," hindi malamang sagot ng dalagita sa tanong niya. "Sa ganda mong ‘yan hindi ako maniniwalang wala. Right?" muli niyang tanong sa dalagita na namumula na ngayon. She was the center of the discussion now at walang imik ang mga magulang na nag-aabang din sa magiging nito. "Meron naman po, Tita. Pero--” "Bata ka pa kaya hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend. Stay away from them because they are just distractions,” sabad ng anak niya. Mukhang tama nga talaga ang sapantaha niya. Ngayon pa lang ay binabakuran na nito si Rose. Bigla siyang kinilig. Nang tingnan niya si Rosalyn ay ganoon din ang reaksiyon nito sa sinabi ni Loui sa anak nito. Lihim silang napangiti ni Rosalyn. "Listen to you Kuya Loui, anak. He's right. Studies muna ang priority, okay? Darating ka rin sa point na iyan at hindi ka naman namin pagbabawalan basta priority ang pag-aaral," sabi ni Carmelo sa anak. "Opo, Daddy. Tatandaan ko po iyon, Daddy,” sagot ni Rose na ikinangiti naman ng mga magulang nito. She just smiled. "But what is your ideal man, hija?” tanong niya sa dalagita. Then she looked at her son. “What do you think is the ideal man for Rose? Do you have any idea, son?” Her son looked at her and then to everyone in the table before his gaze landed on Rose. Mukhang iniisip nito ang tamang sagot para sa tanong niya. Then he sighed and looked at Rose. "Someone like me!" ‘Yun lang ang sagot nito before he continued his food. Rose stared at his son deciphering what he had said in front of them. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanyang anak. Sa murang edad nito ay alam niyang naguguluhan pa ito. But when she age, she will understand and she hoped that she will remember this night. ------- MASAYANG natapos ang dinner nilang mag-anak. He enjoyed every moment of it. Kahit na hindi masyadong nagsasalita ang dalagita ay ayos lang sa kanya. Ang importante ay nakasama niya ito. Nakasama niya ito bago siya umalis. "Flower? Remember ‘wag kang mag-bo-boyfriend hanggat crush mo ako ha?" sabi niya sa dalagita bago ito pumasok sa loob ng bahay. Tumango naman ito sa kanya na ikinangiti niya. He looked at her face memorizing every detail. “Flower?” muli niyang tawag sa dalagita. Tumigil naman ito sa paglalakad at hinarap siya. Lumapit siya kinaroroonan nito at hinila ito palapit sa katawan niya upang yakapin. Mahigpit ang yakap na iginawad niya rito na labis na ipinagtataka ng dalagita ngunit hindi naman nagsalita. He waved his goodbye to her. "Always take good care of yourself, Flower." Nagtataka man ito sa sinabi niya ay tumango pa rin ito ay pumasok sa loob ng bahay. His parents were busy saying their goodbyes too. Hindi na nila sinabi sa dalagita ang plano nilang pag-alis dahil ayaw niyang malungkot ito kapag nalaman nito ang balitang iyon. He walked towards their car and stopped infront of it. Then he looked up at the moon. It was so bright lighting this side of the world. He bitterly smiled at it. "Mawawala muna ako sa tabi niya. Hindi naman ako magtatagal, babalik din naman ako. Kaya pwede bang ikaw muna ang magbantay sa kanya habang wala ako?" With that he went inside the car. He will surely miss her. But he will be back and claim her soon. For now, he will let the moon guide her for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD