“SABAYAN mo ‘yung beat niya. That’s count sixteen,” PJ said and instructed her while they were practicing her drums.
PJ was a year older than her and Angela pero kasama nila ito sa isang organization sa school nila. That’s when the three of them became friends. Kay PJ rin siya natutong mag-drum dahil member ito ng banda sa school nila. At the age of fourteen ay marami na ang nagkakagusto rito dahil sa kagwapuhan nito at sa galing sa pag-drum.
PJ has straight black hair na kahit anong ayos nito ay bagsak pa rin. Maayos ang manipis nitong kilay na bumagay sa singkit nitong mga mata. Katamtaman ang tangos ng ilong nito at may mapupulang mga labi. He’s also tall for his age ngunit may kapayatan ang katawan. Maputi rin ito at kung titingnan mo ay mukha itong koreano. Pasok sa masa ang kagwapuhan nito.
Sinunod niya ang itinuro sa kanya ni PJ ay mabilis naman niyang nasundan ito. She’s a fast learner after all. Sinabayan niya ang tugtog na ipinatugtog nito. Masigla ang pagpalo niya sa mga drum. Nadadala na siya sa ginagawa niya kaya naman ay napapa-head bang na rin siya. She was lost now. Feel na feel niya ang ginagawa niya and she closed her eyes para mas madama pa niya ito hanggang sa natapos na ang tugtog.
Puno ng pawis ang buong mukha niya ngunit hindi niya iyon alintana dahil sa kasayahang nararamdaman. She was grateful to receive this kind of gift from her parents kaya ipinangako niyang mas pagbubutihin pa ang pag-aaral. Next school year ay Grade eight na siya kasama si Angela at Grade nine naman si PJ.
“Wow ang galing mo na, beshy!” malakas na turan ni Angela at may kasama pang palakpak. Malapad ang ngiti nito sa labi at nanlalaki pa ang mga mata. Nakaupo ito sa kama niya kasama si Arch, the teddy bear.
“Oo nga, Rose. Konting practice pa pwede na kitang isama sa banda namin,” masayang turan ni PJ sa kanya. Kita ang mga mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin nang ngumiti ito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at napatakip siya ng sariling bibig. “Talaga, PJ? Isasama mo ako?” hindi makapaniwala niyang tanong rito.
“Oo naman. Ako ata ang nagturo sa’yo kaya dapat isama ka talaga.”
Mabilis siyang tumayo at niyakap ang binatilyo. Nagulat ito sa ginawa niya ngunit hindi na lang umimik. “Promise mo ‘yan ha, PJ?”
“Oo naman. Basta lagi kang magpa-practice. Next school year pwede ka nang mag-try out at sumama sa banda,” may pagmamalaki nitong sabi sa kanya.
Sobrang saya niya sa ibinabalita nito sa kanya. Since she received this gift from her parents ay halos araw-araw na siyang nagpa-practice. At sobrang nag-e-enjoy talaga siya. Madalas ding nandito si PJ para turuan siya maging si Angela na moral support daw. Kung hindi lang niya alam na si PJ talaga ang sadya nito kaya lagi itong nandito.
“Magpa-practice talaga ako.” Determination was written on her voice. She will surely perfect this skill. She wanted to be one of the best drummers even though she was a girl. She will outwit those arrogant male drummers. And she will be as good as his idol drummer. And she promised that one.
After their practice, they went to the garden to have their snack at the same time to continue their bonding this summer break. PJ was seated beside her while Angela was seated beside PJ. Ang nangyari napagitnaan nilang dalawa ang binatilyo na busy sa pagkalikot ng cellphone nito. Marami pa namang bakanteng upuan ngunit hindi nila magawang umupo roon dahil may bagong ibinibida na namang game app si PJ.
“Here try this,” PJ said sabay abot sa kanya ng cellphone.
He was busy coaching her that their faces were almost inches away from one another. Magkadikit din ang mga katawan at braso nila. Habang si Angela naman ay parang ninakawan ng candy habang nakatingin sa kanila. Para itong na out of place dahil sa closeness nilang dalawa ni PJ. PJ’s full attention was all on her. Parang silang dalawa ang nasa paligid at wala si Angela.
“May I join?” said the baritone voice that took their attention.
She snapped her head sideward and saw her Kuya Loui looking at them particularly on PJ. Seryoso ang mukha nito. Papalit-palit din ang tingin nito sa kanya at sa binatilyo. Gwapo sana ito kaso napakaseryoso nito at nagtaka siya dahil naman ito ganoon. He was jolly and with mischievous smile always.
“Kuya Loui! Si PJ pala, friend namin ni Angela. PJ, si Kuya Loui,” nakangiting sagot niya pero hindi naman ito ngumiti sa kanya.
“Hello po,” PJ said to her kuya Loui pero dedma naman ito. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin o kaya naman ay tumango man lang sana ito. But nothing like that happened. Masama pa ang tingin nito sa kanya kanina.
“May I talk to you, Flower?” seryosong tanong nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Ano na naman kaya ang gagawin nito sa kanya?
“Sige, Kuya!” She moved away from PJ and started walking towards the door. Her Kuya Loui followed her as she entered the manor.
“May sasabihin ka, Kuya?” tanong ni kay Loui.
“Who was that? Your boyfriend?” tanong nito sa kanya. His gray eyes were scrutinizing her. Hindi ata maganda ang timpla nito ngayon. Sana lang wala itong gagawing karumaldumal sa kanya. Anong prank na naman kaya ang naiisip nito?
“No, Kuya. Si PJ po ang nagtuturo sa aking mag-drums, Kuya,” mahinang sagot niya rito. Hindi siya makatingin sa mga nito dahil parang nakakatakot ito. Ngayon lang kasi ito ganoon sa kanya at parang galit ito.
“Kung hindi mo ‘yun boyfriend bakit sobrang dikit niyo naman ata kanina? Ang bata-bata mo pa. At lalaki ‘yun, Flower. Hindi ka pwedeng magdikit ng ganoon. Babae ka, lalaki siya. Hindi magandang tingnan na ganoon ka-close ang mga katawan ninyo,” litaniya nito sa kanya.
“Eh, Kuya, tinuturuan ----“
“Kahit na. Ano na lang ang sasabihin ng mommy at daddy mo kapag nakita nilang ganoon kayo?” tanong nito hindi pa rin mawala sa boses nito ang bahid ng pagkainis o galit.
“Eh pumayag naman---“
“Pumayag si Tito na turuan ka niyang mag-drums. Hindi para magdidikit ka roon,” pigil ang boses nitong bulyawan siya.
“Wala naman kaming ginagawa, Kuya,” mahinang sabi niya rito. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit siya nito pinapagalitan dahil lang sa nakita niyang magkatabi sila ni PJ.
“Wala pa sa ngayon paano kung meron na? At wala akong tiwala sa lalaking iyon. Kaya ‘wag kang magdidikit doon.”
“Mabait naman si Pj, Kuya,” giit pa rin niya rito.
“Pinagtatanggol mo pa!” bulyaw nito sa kanya. Natakot siya sa lakas ng boses nito. At hindi na rin niya mapigilang mainis dito dahil hindi niya maintindihan ang ipinagpuputok ng butse nito sa kanya, sa kanila ni PJ.
“Ano bang pakialam mo? At bakit ka ba naninigaw, Kuya? Wala naman akong kasalanan sa’yo ah!” Tumaas na rin ang boses niya dahil hindi niya talaga maintindihan ito. Ano bang pinaghuhugutan nito?
He stilled and he looked at her. Mukhang hindi nito inaasahan na sigawan rin siya nito. Mabuti nga iyon dahil wala naman siyang ginagawang masama. Hinilot nito ang sentido at kinagat ang ibabang labi. Ang hot nitong tingnan. Mas nadagdagan tuloy ang pagka-crush niya rito. Ang gwapo-gwapo talaga nito.
“Alam kong gwapo ako, Flower,” sabi nito sa kanya nang nakita siyang nakatitig rito. Pinamulahan siya ng mukha dahil dito. Ganoon na ba siya ka-obvious?
She started pinching her fingers and looked down on the floor. Hindi siya makatingin rito. Nakakahiya. Kinabahan tuloy siya. Paniguradong magsisismula na naman itong tuksuhin siya. Eto kasing makasalanang mata niya. He pulled his hand on her chin and forced her to look at him.
“Look at me, Flower,” utos nito sa kanya. “You still have a crush on me, isn’t it? Don’t deny it.” His gray eyes were searching for her eyes. When he caught it, a mischievous smile appeared on his face. Nagningning din ang abuhing mata nito. “Remember, Flower. Hindi ka pwedeng mag-boyfriend hanggat crush mo ako,” he said those words with full intensity.
Tumango lang siya rito. Wala naman siyang masabi dahil wala naman siyang boyfriend at wala pa siyang balak magka-boyfriend. At tsaka crush naman niya talaga ito kaya tumango na lang siya para matapos ang usapan. Sigurado naman siyang hindi siya nito tatantanan. Buti nga at hindi na siya masyadong ginagawan ng kalokohan. Pero mas lumala naman ang panunukso nito sa kanya.
“Good,” sabi nito at ginulo ang buhok niya. She slapped his hand, but it was a bad move because he started pinching her cheeks.
“Kuya!” anggil niya rito ngunit hindi siya nito tinantanan.
“Oh! Andito lang pala kayo,” her mom said when she saw them. “Baby, magbihis ka na. May pupuntahan tayo,” sabi nito sa kanya.
“Whereto, Mom?” tanong niya. Mukhang biglaan ata itong lakad nila ah.
“Let’s have dinner kasama sila Tito Armand mo,” sagot nito. She looked at Loui who was just staring at them. “Hijo, hinahanap ka ng mommy mo. Muntik ko nang makalimutan.”
“Sige, Tita. Susunod na ako,” magalang na sagot nito sa mommy niya. He then looked at her. “Remember, Flower,” paalala nito sa kanya. “And tell them to go home now,” he said and walked away from her.
She sighed. Hindi niya talaga maintindihan ito. Magulo talaga. Napailing na lang siyang bumalik sa garden para sabihin sa mga kaibigan na aalis sila. Hinatid niya ang mga ito hanggang sa gate at dali-daling umakyat sa kwarto para maghanda.
Nagulat siya nang makita ang Kuya Loui niya na nasa labas ng pinto ng kwarto niya nang lumabas siya. He was leaning on the wall. His head was leaning back while his one knee was up. Para tuloy itong nag-pi-pictorial para sa isang magazine. He stood straight when he saw her. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Then she saw a smirked on his face. Na-conscious tuloy siya sa sarili at tiningan ang damit niya.
She was wearing a blue floral dress. It was few inches above the knee. She paired a beige wedge on it. Sa tingin naman niya ay okay ang damit niya dahil regalo ito ng mommy niya.
“You look beautiful, Flower. I wonder how you look like kapag nagdalaga ka na talaga. Sigurado akong marami akong magugulpi niyan,” he said still smirking at her.
“Ano, Kuya?”
“Nothing, Flower. Let’s go, kanina ka pa hinihintay sa baba,” sabi nito at inalalayan syang bumaba sa hagdanan.