“Bakit kaya hindi ko na nakikita si Kuya Loui? Bakit kaya hindi na siya dumadalaw?” nagtatakang tanong ni Rose sa kanyang sarili.
Ilang linggo nang napapansin ni Rose ang biglang pag-disappear ng Kuya Loui niya maging ng kanyang Tito Armand at Tita Maribeth at pilit niyang iniisip kung bakit hindi na niya nakikita ang mga ito na labis niyang ipinagtataka. Nag-away kaya ang mommy niya at Tita Maribeth niya kaya hindi na nagagawi ang mga ito? Pero hindi pa naman nangyayari iyon sa tanang buhay niya. Although nagkakatampuhan ang mga ito ay hindi naman umaabot sa ganitong hindi na sila nagkikita. They were so close with each other.
Namimis na rin niya ang Kuya Loui niya at ang pang-aasar nito sa kanya, ang mga kalokohang ginagawa nito sa kanya tuwing nagagawi ito sa kanila pero hindi na ito dumadalaw sa bahay nila nitong nakaraang linggo. Was he that busy? O baka naman ayaw na itong payagan ng mga magulang nito na dumalaw sa kanila dahil nga baka nagkagalit ang mga magulang niya. O baka busy lang talaga ang mga ito. Busy lang ang kanyang kuya.
Ang Kuya Loui niya kasi ay nasa kolehiyo na. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa third year college na ito. Naiintindihan naman niya na marahil busy talaga ito at maraming ginagawa ngunit sadyang namimis lang talaga niya ito.
She was itching to ask it to her parents and to her Tito Armand and Tita Maribeth pero hindi niya magawa-gawa dahil baka kung ano pa ang sabihin ng mga ito sa kanya at siyempre dahil nahihiya siyang itanong ang kinaroroonan ng Kuya Loui niya. Aminin man niya o hindi ngunit namimis niya ito at ang kakulitan nito, his brotherly pieces of advice na hindi niya mawari kung bakit sobrang higpit, maging ang mga kalokohang ginagawa nito sa kanya. Nasanay na siyang halos isang beses sa isang linggo ay nandito ang mag-anak sa bahay nila o di kaya naman ay pasulpot-sulpot lang ito sa bahay nila to check on her. Pero lately ay hindi na nagagawi ang mga ito. And she wondered why.
"Is there anything wrong, hija?" tanong ng mommy niya sa kanya habang nasa hapag-kainan sila at nag-aagahan. Panay tusok lang kasi ang ginagawa niya sa kawawang pagkain niya.
"Ahh. Wala naman po, Mommy," sagot niya rito. Pero kating-kati talaga siyang itanong ang nais itanong sa magulang. Hindi naman siguro masama kung magtatanong siya ‘di ba? It’s out of curiosity lang naman iyon. Isa pa magulang naman niya ang tatanungin niya at hindi ang magulang ni Kuya Loui niya.
"Are you sure? Kanina mo pa nilalaro ‘yang pagkain mo. Hindi mo ba gusto? Magpapaluto na lang ako ng iba." Pansin nito sa kanya.
She looked at her food at kawawang-kawawa na ito dahil durog na durog na ito at halos wala ng itsura pa. Kung marunong lang itong magsalita ay kanina pa siya nito nabulyawan at pinagmumura.
"No, Mommy. Masarap po ‘yung food," sagot niya rito at ngumiti ng tipid. Then she gazed up to meet her parents' stares at her. Nilakasan niya ang loob niya dahil gustong-gusto na talaga niyang malaman kung bakit hindi na niya nakikita ang pamilya ni Tita Maribeth niya. "Mom?"
"Yes, hija. Do you have anything to say? C'mon. Tell us. May problema ka ba?" wika nito sa kanya. Her face was encouraging her to tell what’s on her mind.
"Ah. Eh, kasi po, Mommy… Uhm…Bakit po hindi ko na nakikita si Kuya Loui?" nahihiyang tanong niya. Ayon naisatinig na rin niya ang nais malaman. Nagyuko siya ng ulo matapos sabihin ang tanong na kating-kati na siyang itanong ilang araw pa ang nakakaraan.
"Why? Do you miss him, hija?" tanong sa kanya ng mommy niya may panunudyo sa tingin at ngiti nito.
Bigla tuloy siyang napatingin sa mommy niya at pagkatapos ay sa daddy niyang may ngiti rin sa mga labi. Bahagyang uminit ang pisngi niya sa tanong nito sa kanya pero nagawa pa rin niyang tumango. Namimis naman talaga niya ang mga ito. Ang mga ito at hindi lamang si Kuya Loui niya. Maging ang kanyang Tito Armand at Tita Maribeth ay namimis din naman niya.
"Well,” nakakabiting wika ng mommy niya.
“What, Mommy?” hindi makapaghintay na tanong niya sa mommy niya. Grabe naman kasi itong mambitin nang sasabihin.
“Well, as a matter of fact…Loui went abroad. Doon na niya ipagpapatuloy ‘yung studies niya. But he will come and visit us once in a while. Kasama niya ang Tito Armand at Tita Maribeth mo pero nakauwi na sila kahapon. Inihatid lang nila si Loui roon at bumalik din kaagad," paliwanag nito sa kanya. “Sorry at hindi na namin sinabi sa iyo dahil iyon ang hiling ni Loui bago siya umalis.”
Bigla siyang nalungkot sa balitang iyon lalo't hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. At bakit hindi man lang ito nabanggit man lang. Pilyo man ito ngunit mabuting tao naman ito at maalaga lalong -lalo na sa kanya. He was always there to protect her and guide her. Mamimis din niya ang kapilyuhang ginagawa nito sa kanya. Hindi na ata magiging makulay ang buhay niya dahil wala na itong nagpapatingkad nito.
"Remember the last time we had our dinner. That was his flight. Hindi ba siya nagpaalam sa’yo? Akala kasi namin ay siya na mismo ang magsasabi sa iyo noong sinabi niyang huwag na naming banggitin sa iyo iyon," paliwanag ng mommy niya.
“Nag-usap naman po kami ni Kuya Loui noong umuwi tayo pero wala naman po siyang nababanggit na aalis na pala siya,” malungkot na wika niya sa kanyang mommy.
Umiling siya sa ina at malungkot na ipinagpatuloy ang pagkain. She will miss him. She will surely miss him and his protection, pieces of advice, pranks. Lahat ng mga iyon ay mamimis niya sa binata. On the bright side, okay na rin siguro ‘yun dahil hindi siya nakakagalaw kapag nandiyan ang Kuya Loui niya at natatakot ang mga kalalakihan na lumapit sa kanya dahil sa pagiging overprotective nito sa kanya.
"Gusto mo bang sa abroad na rin mag-aral, anak?" tanong sa kanya ng daddy niya. "I can just talk to Armand if you say so," dagdag pa ng daddy niya. “Para magkasama pa rin kayo ni Loui.”
Bahagya siyang natigilan sa suhestiyon ng kanyang ama ngunit umiling na rin siya dahil hindi niya maiwan ang mga ito. At hindi siya sanay na hindi kasama ang mga ito. Bata pa siya at kailangan pa niya ang pag-aaruga ng mga ito. Maybe she will agree with their suggestion kapag mas matanda na siya.
"No, Dad. Ayoko ko pong mawalay sa inyo ni Mommy. Mamimis ko po kayo ni Mommy," tanggi niya sa alok ng daddy niya.
"Aba! Talagang mamimis mo kami, anak. Wala ka nang gwapong daddy at magandang mommy na sobrang ini-i-spoil ka," natatawang wika ng mommy niya.
“Are you sure, hija?” tanong sa kanya ng kanyang ama. “I can talk to Loui kapag pumayag ka. Sigurado naman akong hindi ka pababayaan ng batang iyon. You can stay at his place para hindi ka gaanong ma-homesick.”
“Thank you, Daddy. Pero hindi pa po siguro ngayon. Maybe kapag nag-college na rin po ako kagaya ni Kuya Loui.”
“Sigurado ka?” paniniguro ng kanyang ama.
“Opo, Daddy. Mamimis ko po kasi kayo. At tska wala na kayong baby girl kapag umalis ako,” pagbibiro niya sa mga magulang.
“Sinabi mo pa!?” natatawang wika ng kanyang mommy.
The sadness vanished with those remarks of her mom. Tama naman talaga ito. She was spoiled to the max by her parents, giving her everything she wanted and needed. Mabuti na lang at hindi siya kagaya ng ibang bata na nagiging spoiled brat. She stayed humble and contented with what her parents can give to her. Sobra niya itong ipinagpapasalamat. She even shared her blessings to others. Actually, mayroon siyang orphanage, The Little Angel's Orphanage, na sinusuportahan in a little way she can. Tahanan ito ng mga batang walang magulang at pakalat-kalat na lamang sa kalye.
"Siyempre naman po. Love na love ko kayo ni Daddy, Mommy. I'll be lost kapag wala kayo sa tabi ko," madamdaming wika niya.
"We love you too, baby," sabay na sagot ng kanyang mga magulang.
The atmosphere in the dining room went alive, full of happiness and laughter. What a happy family they have, a family she wished to stay forever. Though her heart was quite sad because of her Kuya Loui, she just wished that he will miss her and that he will never change.