Chapter 1

2234 Words
NANGALUMBABA si Rose habang nakaupo sa may hagdan sa harap ng bahay nila. Kanina pa niya hinihintay ang mommy at daddy niya dahil may sorpresa raw ito sa kanya. That was two hours ago ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga ito. Matulis na ang nguso niya dahil sa pagkainip. Kanina pa siya tinatawag ng yaya niya na pumasok sa loob ngunit ipinagpilitan niyang manatili roon at doon hintayin ang mga magulang. Pero mukhang puputi na ang mga mata niya ngunit wala pa rin ito. Top one siya sa buong Grade 7 ng eskwelahang pinapasukan niya. Ini-announce na iyon ng teacher nila kahapon kaya naman masayang-masaya siyang ibinalita ito sa mga magulang. And as for her reward, they will give her whatever she wished for. Marami siyang gusto at sinabi na niya ito sa mommy at daddy niya. ‘Yun nga lang hindi niya alam kung ano ang ibibigay ng mga ito sa kanya at iyon nga ang hinihintay niya. Pero napakabagal nang takbo ng oras. Naiinip na siya. Excited na excited na siya pero wala pa rin ang mga ito. Then there came their car bussing its horn for the gate to open. Halos magtatalon siya sa tuwa dahil dumating na ang mga ito. Mabilis na binuksan ng kanilang guard ang gate ng kanilang tahanan. Nang makaparada ang mga ito ay mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng mga magulang. Her smile beamed on her face brightly. Lumabas ang mommy niya and gave her a kiss. Sumunod naman ang daddy niya. “Where’s my surprise, Mom?” tanong niya habang ikinikiskis ang dalawang palad. Natawa ang mga magulang niya sa kanya. “I told you, hon. Dapat hindi mo na muna kasi sinabi sa kanya. Kita mo tuloy atat na atat na,” natatawang sabi ng daddy niya. “Hayaan mo na, hon. Kita mo naman oh, excited na excited itong baby natin.” Hinawakan ng mommy niya ang magkabilang pisngi niya at kinurot-kurot ito. Nanggigigil na naman ito sa kanyang pisngi. “Mom!” saway niya sa mommy at pilit na kumakawala rito. “Naku! Dalaga na itong anak natin, Carmelo. Ayaw nang magpa-baby,” sabi ng mommy niya. Lumapit naman sa kanila ang daddy nila at inakbayan ang mommy niya. “Aba’y hindi pa pwedeng magpaligaw. May boyfriend ka na ba anak?” tanong ng daddy niya sa kanya. “Dad! You’re hilarious!” sabi niya sa daddy niya. Natawa naman ang mommy niya sa sinabi nito sa daddy niya. “Kita mo, hon. Dalaga na talaga may pa-hilarious-hilarious nang nalalaman,” her dad teased her again. Hindi ata makokompleto ang araw ng daddy niya kapag hindi niya nito nabibiro. At ang mommy niya, talagang tatawanan pa siya. Hindi man lang awatin ang daddy niya. “C’mon, what’s my surprise? Where is it?” aligagang tanong niya sa mga magulang. “Wala pa hintayin mo, anak. Darating ‘yun mamaya,” sabi ng mommy niya at nagsimula nang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman dito ang daddy niya. “I thought dala niyo na,” nalungkot  siya. Humaba rin ang nguso niya sa narinig na sagot ng mommy. Hinabol niya ang mga magulang at naupo sa tabi ng mga ito sa sofa. “Later, baby. Don’t be too excited,” sabi ng daddy niya at nauna nang umakyat patungo sa silid nila ng mommy niya. Nagtataka tuloy siya kung ano ba ito. Ano ba kasi ang surprise ng mga ito sa kanya at hindi nila dala? Bakit kailangan pa niyang hintayin? Nanlulumo siyang napasandal sa likod ng sofa. Tinawanan lang siya ng mommy niya nang makita ang itsura niya. “Just wait okay. Darating na ‘yun. Natraffic lang daw,” sabi ng mommy niya at iniwan na siya nito. Itinirik niya ang mga mata dahil sa pagkainip. May surprise ba talaga ang mga ito o wala? She’s feeling hopeless now and irritated at the same time. Pina-prank na naman ata siya ng mga magulang niya. Hay naku! Isinandal niya ang ulo sa likod ng sofa at tinitigan ang kisame. Magbibilang na lang muna siya ng mga butiki habang hinihintay niya ito. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit wala pa siyang nakikitang butiki. Nagtaka siya kung bakit wala samantalang napag-aralan nila ito. “Bakit kaya walang butiki sa ceiling ng house? Pati ba naman kayo iindyanin ako?” malakas na tanong niya. Inikot niya muli ang paningin sa kisame hoping to find lizards but there’s none. Pero bigla nalang siyang napatili nang pagkalakas-lakas nang may tumalon sa kanyang kandungan. Baka dinig hanggang sa kapitbahay nila ang sigaw niya. Nagtatalon siya dahil sa takot at gulat para lamang marinig ang malakas na halakhak ng Kuya Loui niya. Halos mamilit ito sa sobrang pagtawa. “Epic, Rose. Epic,” natatawang sabi nito sa kanya. “Mabilaukan ka sana!” sigaw niya rito. Tiningnan niya kung ano ang nahulog sa sahig nang bigla siyang napatayo kanina. And damn, rose petals lang pala. She glared daggers to Loui. Sa sobrang inis niya ay kinuha niya ang throw pillows sa upuan at pinagbabato ito sa kampon ni Satanas. At ang g*go, tawa pa nang tawa habang sinasalo ang mga ito. “G*go ka talaga, kuya. Papatayin mo ba ako?” sigaw niya rito. She balled her fists at sususgurin sana ito kung hindi lang sumulpot ang daddy niya. “Oh andito ka na pala, Loui. Dala mo na ba?” tanong ng daddy niya sa binata. Tumango naman ito sa daddy niya. So Satan Loui ang may dala ng surprise niya. May pakinabang din pala ito. “Nasa kotse na, Tito. Kukunin ko lang,” sabi nito at naglakad na palabas. Sinundan niya ito pero bigla nalang itong pumihit sa harap niya. “It’s a surprise. Wait here, Flower,” sabi nito sa kanya. She looked at her dad and just nodded so she returned to sit in the sofa. Kauupo pa lang niya nang may tumakip sa mga mata niya. “Stay still, Flower, and don’t remove it. And don’t try to cheat,” sabi ng boses sa kanya habang itinatali nito ang tela sa mga mata niya. Of course, sino pa ba kundi ang kuya Loui niya. Siya lang naman itong tumatawag sa kanya ng Flower dahil ang rose ay isang flower. Minsan pang-asar din ito ng binata sa kanya tuwing tutuksuhin niya nito especially sa part na crush niya ito. Ang galing ‘di ba? She stayed still as what he said to her. She was anticipating what will be the surprise her parents gave to her. Hanggang sa makarinig na siya nang papalapit na mga yabag hanggang sa tumigil ito sa harap niya. Naramdaman niyang may inilapag sa sahig base na rin sa mga tunog na naririnig niya. She tried to remove the cloth in her eyes, but a soft hand stopped her. “Don’t be too excited, Flower. Patience, Flower. Patience,” sabi nito sa kanya. Ibinaba niya ang mga kamay at started tapping her fingers on her knees. “Bakit ang tagal?” nayayamot na tanong niya. “Patience, Flower,” bulong nito sa tainga niya. Ilang sandali pa ay naramdaman na niyang tinatanggal na ang tela sa mata nito. At nagtuluyan na itong natanggal, her heart leaped at what she saw. There’s a lifesize pink teddy bear infront of her. Nakahawak ito ng puso na may nakalimbag na “I love you”. She immediately stood up and hugged the bear. How she loved to have something like that. Marami siyang stuff toys sa kwarto but she wished to have this one on a special occasion. Kayang kaya namang bilhin ng mga magulang niya ito pero hindi siya pumayag kasi gusto niya maging reward ito kapag may na-achieve siyang bagay para memorable ito. Hinalik-halikan pa niya ito at muling niyakap. Pagkatapos ay inikot-ikot pa. She really loved it. She looked at her dad. “There’s another one,” sabi nito sabay turo sa boxes na may telang takip. Doon nakaupo ang teddy bear kanina. Hindi niya ito napansin agad dahil sa sobrang kagalakan dahil sa bear. Maingat niyang inilapag ang teddy bear sa upuan at nagmamadaling tinanggal ang takip ng box. Naitakip niya ang mga kamay sa bibig dahil sa sobrang tuwa. Lumuhod niya at niyakap ang mga box pagkatapos ay niyakap ang teddy bear. “I have drums, Arch,” sabi niya sa teddy bear at niyakap ulit ito. A set of drums was laid in front of her. She was about to open it when Loui speaks. “Maupo ka na d’yan at ako na ang magbubukas para ma-set-up na rin,” sabi nito ay kinuha ang gunting na dala ng daddy niya. Pinanood lang niya itong binuksan ang mga kahon at isa-isang inilabas ang mga drums at senet-up ito habang yakap yakap ang teddy bear. “What’s the name of your bear?” “His name is Arch,” sagot niya rito. Napatingin ito sa kanya. “His? Arch? Kulay pink tapos his?” tanong nito sa kanya. “Bakit kung pink hindi na ba pwedeng panlalaki o lalaki? May gender equality na ngayon, Kuya Loui. At tska Arch ang pangalan niya based from an arch angel kasi he will be my guardian angel,” paliwanag niya rito pagkatapos ay hinalikan ang teddy bear. Napangiti naman ang binata sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Here. Have your first try,” sabi nito sa kanya sabay abot sa dalawang drumsticks. Tuwang-tuwa siyang inabot ang ibinigay nito at umupo upang itry ito. She knew the basic dahil tinuruan siya ng isang kaklase niyang lalaki. Noong una ay curious lang siya kung ano ang feeling kapag nagda-drum hanggang sa sinubukan niya. The feeling was awesome that she wanted to have one. And eto na nga meron na siya. She banged the drums sa beat na alam niya. Pinagsawa niya ang sarili rito. At nang tumigil siya, sinalubong siya ng palakpakan ng kanyang mga magulang. Even her kuya Loui gave her a clapped. Kaya hanggang tainga ang ngiti niya. She went to hug her parents. And utter so many thank yous to them. “Thank you, Mom. Thank you, Dad. I so love them,” sabi niya habang yakap-yakap ang mga ito. “Well, you deserve it baby. Just don’t overdo it. Your study is the top priority. Okay?” paalala ng mommy niya. “Yes, Mom. Thank you to both of you. and I love the both of you.” “So I’ll set it up on your room?” tanong ni Loui sa kanya habang yakap pa rin niya ang mga magulang. “Yes, hijo. Pakitulungan mo na lang ako na dalhin ‘yan sa kwarto niya,” sagot ng daddy niya sa binata. “Yes, Tito,” sagot nito at sinimulan nang buhatin ang drums. Tumingin ang daddy niya sa asawa. “Naku, hon! Baka magdamagang puyat tayo ngayon,” biro nito. “Si Dad talaga. Siyempre alam ko naman pong tumigil at tsaka summer na kaya marami akong time para magpractice,” sabi niya sa mga ito. Nang pakawalan niya ang mga magulang ay kinuha niya muli ang teddy bear sa upuan at buhat-buhat na ito. Minsan ay isinasayaw rin niya. Sobrang laki nito sa kanya. Mas matangkad pa nga ang teddy bear niya sa kanya kaya nahihirapan siya pero sobrang natutuwa talaga siya. “Nagustuhan mo ba, baby?” tanong mommy niya. “I love them, Mom,” sagot niya. “Pwede ko bang tawagin si PJ para turuan ako. Isasama ko si Angela. Please, Mom. Please, Dad.” “Sure, hija. Walang problema sa amin. Mabait na bata naman si PJ,” sagot ng mommy niya na ikinangiti niya nang pagkalapd-lapad. Sumunod na siya sa daddy niya nang umakyat ito hindi alintana ang hirap sa pagbubuhat sa teddy bear. Nakasalubong niya sa hagdanan ang Kuya Loui niya. Pababa na ulit ito para kunin ang natitira pang drums. “Tulungan na kita.” He offered his help. “Nope. Thank you na lang but I want to carry Arch sa kwarto naming dalawa,” sagot niya rito at pinagpatuloy ang pag-akyat. Nagkibit-balikat naman ito at tuluyan nang bumaba sa hagdanan. She placed her teddy bear on her bed at nahiga na rin siya. Ginawang unan ang bear at niyakap ito. “This will be your home now, Arch. Dito ka na rin matutulog sa bed ko. Lagi tayong magkasama hanggang sa maging big na talaga ako and kapag may boyfriend na at magkaasawa. Ipapamana din kita sa baby ko,” sabi niya kay Arch. “Anong boyfriend-boyfriend ka diyan. Thirteen ka palang. Hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend,” sita ni Louis a kanya. Narinig pala nito ang sinabi niya na ikinasimangot niya. Heto na naman po ang kontrabida ng buhay niya. “Wala naman akong sinabing magbo-boyfriend ako, Kuya. Kapag lang. Kapag!” ismid niya rito. “Kahit na! Ang bata-bata mo palang ganyan na ang iniisip mo,” sabi nito habang inaayos sa kwarto niya ang mga drum. “Kuya, hindi ko naman sinabing ngayon,” pilit niya rito. “Dapat lang,” sabi nito. Tapos na nitong ayusin ang drums kaya nasa harapan na niya ito ngayon. Seryoso ang mukha nito. “At tsaka ako ang crush mo ‘di ba? Kaya hindi ka pwedeng mag-boyfriend.” Namula siya sa sinabi nito at hindi makatingin dito. “Remember, Flower. Hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend hanggat crush mo ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD